Chapter 2

41 1 0
                                    

 Lee POV 

Umuwi na kami ni Alma pagkatapos ko mag enrol. Habang tinatahak ng sinasakyang bus namin ang daan pauwi hindi talaga mawaglit sa aking isipan ang mukha ng lalaking yon. Parang may malakas na pwersang nagsasabing dapat makilala ko sya. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Cgurado naman akong lalaki ako at babae talaga ang gusto ko pero bakit ko nararamdaman ang ganito? Parang gusto ko syang makita ulit. Bakit? Tanong ko sa aking sarili. Ahhh, sumasakit ang ulo ko! Samantala. . . . Orwin POV Habang papasok kami kanina sa skul ng mga barkada ko may nabangga akong isang lalaki. Nakajacket sya ng itim, nakat.shirt nang puti na hakab sa kanyang katawan at trouser na kulay itim din. Mumurahin ko sana kasi nga tatanga-tanga, hndi tumitingin sa dinadaanan nya. Kaso nong tumingin sya sa akin pagkatapos pulutin ang mga dala-dala nyang nalaglag tumingin sya sa akin at booom! Napatanga nalang ako bgla at hndi nakapagsalita. Kinabahan ako bgla. Pano kasi mukha syang anghel na bumaba sa lupa. Nagtataglay sya ng napakaamong mukha. Pakiramdam ko nahypnotize ako ng mga titig nya at di ko na napansin ang mga nasa paligid ko. Nagulat nalang ako nung kinalabit ako ni Adrian at sinabing "Tara na, natulala ka na dyan". Parang bgla akong nagsing at pinagpatuloy ang paglakad. Nang makalayo na kami ng kunti lumingon ako sa kanya at nahuli ko syang lumingon din sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nginiti.an ko sya ngunit natakot yata at dalidaling nagpatuloy sa paglakad. Nagkibit balikat nlang ako at nagpatuloy sa paglakad. Gym ang punta namin ng mga barkada ko. Basketball practice. Siya nga pala, hndi nyo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Orwin Antonio. Isa sa mga varsity player ng USA. Sabi nila gwapo daw ako (smile, aham), malakas ang sex appeal (smile ulit, aham), may mapuputi at magagandang mga ngipin, habulin ng mga chicks at mga lalaking alanganin (alam nyo na yon). Sa ngayon wala akong gf kasi mdyo natrauma ako sa last relationsip ko. Pano kasi sa gwapo kung ito (aham) nakuha nya pang ipagpalit ako sa ibang lalaki. Sabagay kahit di naman kasi pogi yon pogi din naman ang bulsa non. Mukhang pera ang p*ta. Hindi naman kasi kami mayaman. Tamang-tama lang para sa mga pangangailangan namin. Talent? Marunong din naman akong kumanta, tama lang para kiligin ka (naks) at magaling magbasketball. Ako'y mag-isa nlang sa buhay, di naman literally pero parang ganun narin. Mga magulang ko? Ayon, si Papa nasa langit na habang si Mama naman eh hndi naman naperme sa bahay kasi busy sya lagi, paalis-alis ng bansa dahil sa jewelry business nya. Ako'y tubong Iloilo tlaga. Dito pinanganak at dito narin lumaki. Ang kasa-kasama ko lng sa bahay eh si yaya. Fourthyear college na ko may yaya pa eh (wahahaha). Di naman, haha, ganito kasi yon, napamahal na ako kay yaya kaya nung lumaki na ko di na nya ko nakuhang iwan lalo pat busy si Mama at yaya parin ang tawag ko sa kanya kasi nakasanayan ko na. Pansamantalang nawaglit sa aking isipan ang lalaking un kasi grabe nanaman ang bakbakan namin sa court. Hapong hapo ako pagkatapos. "O tol ayos ka lang? Tanong ni Adrian. "Ayos lng tol, ako pa". Sagot ko naman. "Pahinga muna tau saglit bgo mag shower tapos gagala tau tol" suhestion ni Adrian. Nag-alangan akong umuo kasi gusto ko na sanang umuwi at magpahnga. Napagod kasi talaga ako eh. Kaso kitang-kita tlaga sa mukha ni Adrian na gusto tlaga nyang gumala eh kaya wala na akong nagawa at napa oo nlng ako. Lumakad na kaming dalawa pagkatapos naming magpahinga, maligo, at magbihis. Robinsons Iloilo, don kami dinala ng aming mga paa. Iyon kasi ang malapit na mall sa skul namin. Isang sakayan lang, pwde ngang lakarin lang eh kaso nakakapagod parin. Diyaskeng lalaki naman itong si Adrian, bulong ko sa aking sarili. Bili dito bili don, mayaman kasi. Nung napagod na kakabili nang kung ano-ano niyaya nya na akong kumain, mga 5 na un ng hapon at syempre libre nya. May pera naman ako kaso syempre nga libre nlang daw eh. (eh di jackpot). Si Adrian? Matalik ko palang kaibigan at kasama ko sa basketball team. Pogi din katulad ko (naks). Habang kumakain kami sa isa sa mga fast food sa Rob eh naalala ko nanaman bgla ang lalaking un at ang kanyang maamong mukha (Oppss, hndi ako bakla ah, babae parin ang gusto ko. Bka kung ano lang itong nararamdaman kong interes sa kanya) kaya tinanong ko si Adrian. "Tol, ung lalaking nabangga ko kanina sa skul eh kilala mo ba? Ako kasi hndi eh, ngaun ko lang un nakita sa skul". "Hndi rin Tol eh, mukhang baguhan un eh. Bka in coming 1st year palang un though mukhang d naman un pang 1st year sa tangkad at porma, baka lang." sagot nya. "Ah siguro nga". Sagot ko naman. Pagkatapos naming kumain nagpasya na kaming umuwi. Pagdating ko sa bahay pasok agad ako sa aking kwarto naligo at natulog. 

Itutuloy. . . . .   

If We Ever Meet Again... SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon