Today is Saturday at walang akong pasok ngunit kasing busy rin ng school day. Ito yung unang araw kong magiging cashier at wala talaga akong idea kung anong gagawin, buti nalang nandoon si Google.
I typed. How to be a cashier?
Binasa ko lahat 'yon nang biglang pumasok ni mama sa kwarto. Dali dali kong tiniklop ang laptop, then I smiled.Kamunot ang noo ni mama. "Anong ginagawa mo sa laptop mo Julie at wala ka namang assignments para gawin." she asked.
"Eh..Ah wala to Ma hehe, movies lang pinapanood ko."
"Movies ba talaga yan o ano?" then she laughed. "Mukha kasing tinatago mo pa."
"Yes, ma, why do-" at bago ko lang na gets ang sinabi niya. "What the hell, ma, I'm not into that kind of things." sabi kong diring diri.
"Julie, I'm just kidding." si Mama
"I'll see you tonight.""Ma, baka sakaling magagabihan akong umuwi may practice pa kami sa school." sabi ko.
I think the hardest thing to do was lying to my Mom but sometimes the hardest thing and the right thing are the same.
Tumango lang siya at pumunta na ng trabaho. Ako naman ay nagbihis na at pumunta ng paaralan. Papasok na ako sa gate at nakita ko na nagpapractice ang football team.
I cleaned the library first then the cafeteria at natapos ko rin bago pa mag tanghalian.
I scanned the players hoping I could talk to Travis.
"Hey Julie, what brings you here?" si Connor
"Working student" sabi ko at ang mga mata ko hinanap pa rin si Travis.
"He's not here, he had a family matter to attend to." he explained.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Who?"
He look at me with amusement.
"Aba't magaling ka magtago ng feelings mo kay Trav, noh?""Sira ulo! We're just friends."
mabilis kong sagot. Lumakad ako papalayo."C'mon Jul, it was just a joke." he flashed a smile. "Lunch tayo?"
Lahat ba dapat ng football players gwapo?
"Thanks" I smiled back "But no thanks" bulong ko. I continued walking.
"Libre ko!" he shouted, I barely hear what he said.
Lumingon ako sa kanya. "Okay, madali lang naman akong kausap basta pagkain."
We ate in a fast food restaurant.
I ordered hamburger,fries and pizza.
Hindi kumain si Connor dahil madami raw ang cholesterol at conscious siya sa kanyang body shape.
"Maka conscious kala mo model ng Calvin Klein." biro ko.
He just laughed. He did not talk while I eat but I did.
Napatitig siya sa akin and that gave me shivers. "You're so thin but so fat inside. Cute."
Si Connor kasi may awrang good boy pero sa totoo malandi pala. He had the same sun-kissed skin like Trav but different hair and eyes-he had a dark brown eyes like a piece of chocolate which seemed alluring to me. His hair is ebony black and suits him well.
"Bolero! Wag mo akong ma cutecute diyan, baka makatikim ka ng cute na sapak." taray kong sagot.
Tumawa lang siya at hindi naman ako siguro madamot kaya I tried sharing the pizza.
YOU ARE READING
When I Escaped
Roman d'amourMedium: English and Filipino (TagLish) Category: Romance and Fiction