LIGHT'S POV
|"Namove nga pala mamaya yung dinner sa friday.. Pumunta ka ahh.. 7 pm sharp.."|
"Bakit namove??"
|"May aalis kasi bukas eh.. Basta.. Mamaya ka na lang magtanong sa dinner.. Pumunta ka ate ahh.. Pag hindi ka pumunta hindi na kita kakausapin kahit kelan.."|
"Edi babalik na lang ako sa America.. Madali naman akong kausap noh.."
|"Joke lang.. Pero pumunta ka pa din.. Magtatampo talaga ako pag di ka pumunta.. Sige na.. May klase pa ko.."|
Tss.. Labo talaga kausap nitong taong toh..
"Kids.. May pupuntahan tayo mamaya ahh.. Yung pupuntahan natin sa Friday namove mamaya eh.." Sabi ko..
"San tayo punta??" Sabi ni Scarlet..
"Secret.." Sabi ko sabay dila..
"Pasuspense pa.." Sabi ni Kurt..
"Mommy.. Bili ako grapes.." Sabi ni Rys..
"Utusan mo na lang si King.. Oh.." Sabi ko sabay abot ng phone ko..
Kinuha naman ni Kurt yun at siya ang kumausap kay King..
"Mommy.. Uwi na tayo.." Sabi ni Scarlet..
"Mamaya.. May pupuntahan nga tayo di ba??" Sabi ko..
"Sino kausap mo kanina??" Sabi ni Kade habang naglalaro ng console..
"Edi yung tiyuhin niyong demanding.." Sabi ko..
Maya maya lang biglang may pumasok..
"Aba.. Walang pinto sa bahay niyo?? Hindi uso katok??" Sabi ko..
Kumatok naman siya kaso nasa loob na siya ng kwarto.. Napairap na lang ako..
"Kailangan mo??" Sabi ko..
"Nautusan lang.." Sabi niya sabay lapag ng plastic sa bedside table..
"Hugasan mo muna yan.." Sabi ko.. Sumunod naman siya..
"Ano nga palang nangyari kagabi?? Hindi ako nakapunta eh.. Sayang.." Sabi ni Jason habang naghuhugas ng grapes..
"Wala naman.. Nakatakas naman kami on time.." Sabi ko..
Kumuha agad ng isang grapes si Kurt at kinain ang kalahati nito..
Allergic kasi sa seeds si Rys.. Any kinds of seeds..
"Mommy.. Sakit.." Sabi ni Scarlet sabay pakita ng daliri niya..
"Bakit?? Ano nangyari??" Sabi ko..
"Kahapon.. Tinusok kami ng ballpen dito nung doctor.. Tapos madaming blood na lumabas.. Tapos mommy meron silang tube dun na maliit.. Nilagay nila dun yung blood namin saka sa glass.." Sabi ni Scarlet..
Nagkatinginan kami ni Jason..
"Oo nga.. Nakalimutan kong sabihin yun... At.. Hindi ballpen yun bulilit.." Sabi ni Kurt..
"Tatawagan ko si Volt.." Sabi ni Jason.. Tumango na lang ako..
At lumabas na siya..
"Umiyak ka kahapon??" Sabi ko..
"Mga isang oras siyang ngumawa kahapon.." Sabi ni Kade habang naglalaro..
"Yahh.. Tapos ayaw niyang bumitaw kay kuya.." Sabi ni Rys habang kumakain..
Yumakap naman sakin si Scarlet..
Takot kasi siya sa doctor at nurse.. Lahat ng doctor at nurse na papasok dito sa private room niya dapat nakacivilian..
YOU ARE READING
My Secret Life 2
RandomMay sikreto bang naitatago habang buhay?? Pano mo kokontrahin ang tadhana kung tadhana mismo ang kumokontra sa mga plano mo?? Anong gagawin mo sa mga taong nakapaligid sayo?? ** . . . [SLOW UPDATE] [Once a month] [No specific date]