LIGHT'S POV
*ehem*
Napahinto silang lahat at napatingin sakin..
"Anong meron??" Sabi ko..
Nakatalikod sakin si Mam Castalina pero napansin ko pa ding nagulat siya nang marinig niya yung boses ko..
Pagkaharap niya sakin..
"Mam Castalina.. Nandito ka pala.. Hindi ko ata nabalitaan na pupunta ka.." Sabi ko..
"L-Lee?? A-Anong ginagawa mo dito??" Sabi ni Mam Castalina..
"Uhhmm.. Binabantayan yung mga estudyante ko?? Eh ikaw?? Anong ginagawa mo dito??" Sabi ko..
Tinitigan lang nila ako..
Napansin kong medyo tinuro ako ni Sir Den kaya napatingin ako sa kanya.. Nagtataka niyang tinuro yung mukha niya at nagdrawing ng bilog sa hangin..
Tinapik ni Thunder yung kamay ni Sir Den..
Unti unti kong narealize kung bakit ako tinitignan ng lahat..
Fudge.. Nakalimutan ko atang magtanggal ng lipstick..
Tumalikod ako at nagpumas ng labi gamit ang loob ng damit ko..
Bwisit.. Di man lang nila sinabi sakin..
Tinignan ko ng masama si Hero..
Dahan dahan siyang lumalayo sakin habang naiwas ng tingin..
Nang matanggal ko na yung nasa labi ko.. Nakita ko si Jason..
Buti na lang talaga at konting lipstick lang ang nilalagay ko tuwing meeting kundi yari sakin tong dalawang toh..
Tinignan ko ng masama si Jason habang hawak niya si Scarlet..
"Oo na oo na.. Alam ko.. Saka mo na ko pagalitan pwede ba??" Sabi ni Jason..
Umikot ako..
"Anyways.. Nasan na nga ulit tayo?? Ahh.. Sa pagaaway niyo.. Wala naman akong problema kung magaway man kayo jan basta wag niyo lang idamay si Mam Joan, Mam Dianne at Mam Lily.." Sabi ko..
"At kung ayaw ko??" Sabi ni Mam Castalina..
"Ahh.. Madali naman akong kausap.. Magsabi ka lang kung gusto mo ng away.." Sabi ko..
"Are you threatening me??" Sabi ni Mam Castalina..
"Nope.. But if you consider it as one then so be it.." Sabi ko..
"Ako ang OIC ng Main Campus---"
"Hindi ako taga Main Campus eh.." Pagputol ko sa sinasabi niya..Biglang dumating si Kurt at pinagpasahan niya kami ng tingin ni Mam Castalina..
Bakas sa mukha ni Mam Castalina ang gulat nang makita si Kurt..
Napairap at napailing na lang si Kurt sabay lakad papunta kela Jason.. Tinignan ko siya..
"Sakop ko pa din ang Second Campus.." Sabi ni Mam Castalina..
Napatingin ako kay Mam Castalina..
"Hmm?? So??" Sabi ko.. Still with my natural inosenteng mabait look..
"You should still respect me.. Kayang kaya pa din kitang tanggalin sa posisyon mo.." Sabi ni Mam Castalina habang nakasmirk..
I chuckled..
"Patawa ka?? President nga ng BEU nauutos utusan ko eh.. What made you think na susundin kita?? And by the way.. Baka lang kasi hindi mo alam.. Hindi ako hinire ng normal staff ng BEU so technically walang pwedeng magfire sakin bukod sa naghire sakin.." Sabi ko..
YOU ARE READING
My Secret Life 2
RandomMay sikreto bang naitatago habang buhay?? Pano mo kokontrahin ang tadhana kung tadhana mismo ang kumokontra sa mga plano mo?? Anong gagawin mo sa mga taong nakapaligid sayo?? ** . . . [SLOW UPDATE] [Once a month] [No specific date]