ALEX'S POV
Maaga akong nagising dahil may mga gagawin daw kaming group activity sa room kaya 6 am in the morning ay gising na ako.
oh diba grabe sa aga kaya wag kayong ano dyan.
Dali dali akong pumunta sa bathroom para maligo pero bago pa man ako makarating sa bathroom ay na tapilok na ako dahil sa nakaraharang na kung ako sa daan.
"Aray ko naman ang sakit ng pwet ko," sabay hawak sa pwet kung saan tumama sa sahig "Ano ba kasi 'tong mga nakarahang dito huhuhuhu maasakit yun alam niyo ba?" sigaw ko sa mga nakaharang.
Nababaliw na yata ako dahil kung ano ano ang pinaggagagawa ko. Agad din akong pumunta sa bathroom pagkatapos kong itabi ang mga nakaharang sa daan. Mabilis kong natapos ang pagligo dahil medyo giniginaw na ako sa lamig kaya dali dali kong kinuha ang tuwalya para makapagbihis agad.
Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng mga damit na susuotin ko para sa pagpasok ko. Masaya ako ngayon dahil may mga bago na akong mga kaibigan sa school, mababait sila gaya ni Aly malaki ang pasasalamat ko kay Aly dahil pinakilala niya ako sa mga kabigan niya na kabigan ko na rin ngayon. Kung dati malungkot ang umaga ko ngayon medyo hindi na kasi nan d'yan na sila para pasayahin ako.
Magbibihis ako ng biglang pumasok sa isip ko yung mga pinag-usapan naming lima kahapon, napapangiti ako dahil puro tawa lang ang mga nasa labi ko dahil kahit na sa kaonting panahon nakalimutan ko siya pero hindi ko parin maiwan minsan na maalala siya dahil malaking parte na siya ng buhay ko. Ganon ko na yata kamahal si Vince kahit anong pilit kong kalimutan siya, siya at siya parin ang laman ng puso ko.
"Bakit nga ba pinagtatagpo ang dalawang tao kong hindi naman sila para sa isa't isa."
Nang matapos akong magbihis ay agad kong inayos ang mga gamit ko sa bag para makakain na ng breakfast. Wala sila Mom at Dad dahil may inaasikaso sila sa mga hotel sa Palawan kaya ako lang ang natira dito sa bahay at si Manang Dina. Close na close ako kay Manang Dina dahil pag wala sila Mom at Dad ay siya lang ang nakakasama ako dito sa bahay pati si Manong Roi, malapit ang loob ko sa kanilang dalawa dahil halos sila na rin an nagpalaki sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
Nang makarating ako sa dining area ay agad na sumalubong si Manang Dina sa 'kin ng may ngiti sa kanyang labi.
"Oh Hija halika na't kumain para makapasok ka ng maaga ng hindi ka malate sa iyong klase."
Ngumiti ako kay Manang Dina " Sige po Manang kain na po tayo, sabayan niyo na po akong kumain dahil masyado yata pong marami ito para sa akin." Nakangiti kong tugon kay Manang dina.
"Oh sige halika nadito para makakain na tayo." ngiti lang ang taging naisagot ko kay manang.
BINABASA MO ANG
LOVE ME BACK
Teen FictionLOVE ME BACK (On going) I'm always praying that you CAN LOVE ME BACK the way I love you. "Learn to take care the people who loves you, Because its not easy to bring back, When they learn to leave you"