Alex's P.O.V
Pagpasok ko palang sa gate ng school halata ng busy ang lahat marahil siguro sa darating na Acquaintance Party bukas. Magdedecorate na sila sa venue kung saan gaganapin ang event.
Diretso lang ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang buong paligid dahil kapansin pansin sa mukha ng tao ang labis na kasiyahan.
Napangiti ako sa aking nakikita dahil walang makikita na negatibo sa kanilang mga mata. Ngumingiti man ako pero ang aking mga maraming gustong sabihin.
Handa na pala ang kakantahin ko para bukas medyo kinakabahan ako kasi ngayon lang naman ako haharap sa maraming tao. Ang party bukas ay kailangang may suot na mask para daw mas exciting ang event.
Nagulat nalang ako ng may kumalabit sa balikat ko.
"Ayyyy! Pusang kalabaw" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Nang makita ko kong sino ang kumalabit sa akin mas lalo akong nagulat.
"Hahahahaha... Pusong kalabaw? Seriously? Your so funny." Natatawang sabi sa akin ni Rafael.
"You!" Turo ko sa mukha niya "Your crazy... Tinakot mo ako, muntik na akong mawalan ng hangin ng dahil sa panggugulat mo." kunot noo kong sabi sa kanya.
"Sorry I didn't mean that... Hindi ko intensyon na gulatin ka. Gusto ko lang makipagkaibigan sayo kaya kinalabit kita." Sabi niya na sa akin na ikinagulat ko.
Siya? Gustong makipagkaibigan sa akin? Nababaliw ba pa siya? Ohmyghad that's impossible.
"Seryoso ka? Ako?... Hindi ka naman lasing diba Rafael? Rafael Right?" Painosente kong tanong sa kanya na para bang hindi ko pa kuno alam ang pangalan niya.
Ngumiti ito sa akin ng nakapagkalaki-laki kaya naguguluhan ako sa kanya. Magkaprid nga silang dalawa pareho siyang abnormal. tsk!
"I'm serious. Mukha ba akong nagbibiro," turo niya sa kanyang mukha "Seryoso ako sa sinabi kong gusto kong makipagkaibigan sayo at tska ang pagkakakilala ko sayo ay hindi ka mataray at masungit." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hehehehehe... Sorry naman po sadyang hindi lang ako sanay na may nakikipagkaibigan sa akin at sikat pa sa buong school natin." Pag-aamin ko sa kanya.
"I understand. So we can be friends?" Nakangit niya paring sabi niya sa akin at sabay lahad ng kamay para makipagshake hands.
"Ahh... Okey friends." Nakangiti ko ng sabi sa kanya sabay abot ko sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
LOVE ME BACK
Teen FictionLOVE ME BACK (On going) I'm always praying that you CAN LOVE ME BACK the way I love you. "Learn to take care the people who loves you, Because its not easy to bring back, When they learn to leave you"