Chapter 11

61 1 0
                                    

ALEX's  P.O.V


Hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari kahapon. Grabe hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit siya, matagal na nong huli ko siyang makita.

Ang pagkakaalam ko ay hindi sila close ni Kyle Vincent.

Wag kayong ano yan nuba hindi naman ako chismosa no sadyang updated lang ako kay Kyle.

Nandito kami ngayon sa canteen kasama ko ang kibigan ko. Nagutom kasi yung mga alaga namin kaya pinalamon muna namin.

"Mga bruha kami pala ni JB ang MC sa acquaintance party kaya dapat bongga ng mga suot niyo bakla." Sabi sa amin ni Julian.

"Nako bakla ikaw lang ang dapat mag-ayos bruha para naman magmukha kang tao." Natatawang sagot ni JB kaya natawa na kaming lahat.

"Leche Bakla gusto mong ipagiba ko yung bahay niyo nang makita natin kung sino ang mukhang tao." Sagot naman ni Julian kaya natatawa nalang kami sa bangayan nilang dalawa.

"Ahh...Bessy ikaw may isususot ka na ba sa acquaintance party? Nako dapat maganda doon bessy kakanta ka diba yieeeee I'm so excited na." Tanong sa akin ni Aly.

Ang jolly niya talaga kaya ang saya niyang kasama.

Ang totoo niyan ay kinausap ako ng adviser namin para kumanta sa Acquaintance party. Gulat nga ako dahil konti lang ang nakakaalam na marunong akong kumanta kaya napa oo na ako. Pero kinakabahan ako kasi alam kong nandoon siya at alam kong kasama niya yung taong mahal niya.

Nuba Alex! stop thinking him.

" Sigurado ako meron na akong susuotin sa lagay ni mommy ay panigurado alam niya ng may acquaintance party tayo." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Ganoon kasi kasupportive ang parents ko sa akin kaya masaya ako dahil nandiyan sila palagi para sa akin.

"Oh ikaw Meg may isusuot kana ba? Mag suot ka ng gown para mapansin ka ni Caleb hindi yung parati kang Hopia hahahahah."
Pang-aasar ni Julian Kay Megan.

LOVE ME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon