Vincent Kyle's POV
This is the day that I'm gonna ask to court Chelsea. Masaya ako dahil masasabi ko na sa lahat ng tao kong sino ang taong mahal ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang maparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Andito na ako sa parking at dala ko na lahat ng kailangan ko para mamaya.
Alam kong medyo masama ang ugali ko pero pagdating sa taong mahal ko handa akong magbago mapasaya lang siya sa piling ko .Hindi ako pumasok ng morning class ko dahil naghahanda ako para sa panliligaw ko. Ang dalawang kong kaibigan ay tinulungan ako para rito dahil alam nila kong gaano ako kasaya kong magiging successful ito.
Naglalakad na ako papuntang field ng makasalubong may nakasalubong akong mga stuyante kaya nginitian ko ang mga ito bakas sa kanilang mukha ang sobrang kilig...Napatitig ako sa aking harapan dahil papalapit ang aking kapatid sa aking kinatatayuan ....
"Hey bro!" Nakangiting bati nito sa akin. Hindi niya ba alam na maiinis ako sa pagmumukha niya..
Hindi kami close ng kapatid ko palagi ko siyang inaayaw pero ganon pa man siya parin ang unang kumakausap sa akin.
"Tss!! Hi!" Pilit na ngiting sagot ko sa kanya.
"Hahahahaha..sige bro una na ako sayo" Natatawa nitong sagot sa akin dahilan para mainis ako ngunit pinilit kong huwag mainis dahil baka masira lang ang aking plano.
Naglakad na siya palayo sa akin.
Naglakad na ako papuntang field para maayos na ang dapat na maayos para maging maganda ang kalalabasan ng plano. Habang papalapit ako sa field hindi ko maiwasan ngumiti dahil nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nagaayos ng set up sa Field...Habang papalapit ako sa kanila hindi ko maiwasang marinig ang kanilang usapan. Hindi nila napansin ang aking presensya dahil pareho silang nakatalikod sa akin.
"Grabe pre ang ganda ganda parin ni pangit, hindi parin siya nagbabago at nagpapasalamat ako 'don " Nakangiting sabi ni Blake.
Weird sinabi niyang maganda pero tawag niya pangit tss!.."Nagulat ako ng nakita ko siya kaninang umaga sa gate at ang ikinagulat ko pa ang pagbati niya sa akin" sambit ni Caleb.
"Grabe nagulat talaga ako kanina 'nong sinabi mong nakita mo siya kaya halos suyurin ko na ang buong campus mahanap lang siya" natatawang sabi ni Blake. "Ang sayang isip na andito na ulit siya Caleb kahit na hindi tayo masyadong close dati basta kasama natin siya napapangiti ako hahahah miss ko na yun" Sabi ni Blake Kay Caleb dahilan para mapabuntong hininga si Caleb.
"Blake alam natin kong gaano siya nasaktan noon at parang hindi ko na kayang pang makita siya sa ganong kalagayan" Sabi ni Caleb
BINABASA MO ANG
LOVE ME BACK
Novela JuvenilLOVE ME BACK (On going) I'm always praying that you CAN LOVE ME BACK the way I love you. "Learn to take care the people who loves you, Because its not easy to bring back, When they learn to leave you"