Chapter 3.

1.1K 36 0
                                    

Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: March 8, 2020

CHAPTER 3.

SOPHIA'S POV

Pagkapasok ko mula sa room ay nandoon na si ma'am at umupo ako sa tabi ni Asis.

"Ms. Alacritas, bakit late ka?" Tanong ni ma'am at napakamot ako ng ulo. "Sumakit po kasi tiyan ko ma'am eh." Palusot ko na lang.

"Okay ka na ba? Pumunta ka na ba sa clinic?" Umiling ako sa kaniya at ngumiti ng onti. "Ayos lang po ako ma'am. Okay na po ako. May dala po akong gamot eh." Sagot ko at nagdiscuss na siya ulit.

~~

Pagkatapos mag-discuss ni ma'am ay nagpa-quiz siya at pinalabas na kami. Tumayo ako at hinintay si Asis.

"Sophie, mauna ka na. Tinext ako ni Esidia kaya makikipagkita ako sa kanila." Tumango ako sa kaniya.

"Sige. Ingat ka ah. Uwi ka agad." Sabi ko naman at naglakad na ko paalis mula sa room.

Nang nasa gazeebo na ko ay umupo ako sa bench at tumambay. Kinuha ko 'yung notebook ko at nagbasa. May quiz kami bukas kaya kailangang mag-aral.

Maya-maya lang ay may napansin akong dalawang paa sa harap ko kaya napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko 'yung lalaki kanina sa C.R.

"Anong kailangan mo? Saka ano ka ba talaga? Bigla ka na lang susulpot at mawawala." Sabi ko agad sa kaniya.

"I want you to help me. Help me with my work as a Death Lister." Ano ba 'yang death lister na 'yan?

"Ano ba 'yung death lister? Ang alam ko lang ay grim reaper ah." Sagot ko at umupo siya sa tabi ko.

Sa totoo lang ay dapat natatakot ako sa kaniya pero hindi ko alam kung ano meron pero hindi ako natatakot sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay mabait siya.

"We are the one who's listing all of the spirits who are still in this world. And we need help from the Death Lister's Eye."

"Ano naman 'yung Death Lister's Eye?" Tinuro naman niya ko. Anong ako?

"The people who can see spirits - they are the so called Death Lister's Eye. You can see them so you're the eye."

"I need your help with this job. I don't want to be the lister anymore. I want this punishment to finish." Dugtong niya pa sa'kin.

"Ayoko. Delikado. Saka matatakutin ako kaya hindi ako makakatulong sa'yo." Pagtanggi ko sa kaniya.

"I know that its dangerous but I'll protect you. Just help me to finish this job." Umiling ako sa kaniya. Ayokong maging magulo ang buhay ko dahil lang dito.

"Ayokong maging magulo ang buhay ko kaya 'wag na lang ako. Marami pa naman atang mga nakakakita diyan. Maghanap ka na lang." Sabi ko naman.

"Tsk. This is hopeless." Rinig kong bulong niya at nawala na siya ng parang bula.

Mas mukha pa nga siyang goblin kesa sa Death Lister eh. Napa-iling na lang ako sa naisip ko. Kakanood ko 'to ng k-drama eh.

~ NEXT DAY ~

Naglalakad ako ulit papasok ng school nang napansin kong may sumusunod sa'kin. Napatingin ako sa direksyon niya at tama nga ang hinala ko.

"Ano na naman ang kailangan mo sa'kin, Mr. Death Lister?" Tanong ko sa kaniya.

In fairness, masyadong maporma at gwapo ang death lister na 'to ah. Tinignan niya ko saglit at humarap na siya sa dinadaanan niya ulit.

"There are spirits who want to hurt the Death Lister's Eye. I'm here to make sure that you're safe." Bored niyang saad.

Englishero talaga 'tong death lister na 'to. Pinanganak ba 'to sa ibang bansa kaya ganiyan?

"Saan ka ba talaga galing? Englishero ka masyado eh. Malapit na kong maubusan ng dugo." Agad siyang napatingin sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Seriously? Are you okay? What happened? Why are you losing blood? Are you sick?" Sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis eh. Hindi niya ata na-gets 'yung sinabi ko. Grabe talaga siya.

"Hindi naman 'yun 'yung ibig kong sabihin eh. Ang ibig sabihin ko do'n ay magtagalog ka kasi lagi kang nagsasalita ng ingles eh." Agad niya kong binitawan.

"Let's have a deal. You help me then I'll speak in tagalog." Huh! Akala niya maiisahan niya ko diyan ah.

"No deal. Sabi ko naman sa'yo diba? Ayokong mapahamak at ayokong magulo ang payapa kong buhay." Sabi ko at naglakad na ulit ako.

Naramdaman kong sinundan niya ko pero hindi ko na siya pinansin pa. "How to make you help me, little lady?" Tanong niya sa'kin.

"Hayaan mo naman akong magkaroon ng payapang buhay, Mr. Death Lister. Mahal ko pa ang buhay ko, okay?" Sagot ko at maglalakad na sana ako nang biglang hinigit niya ang kamay ko at hinila papunta sa direksyon niya.

Hinawakan niya ko sa bewang ko at ang lapit ng mukha naming dalawa sa isa't isa. Naramdaman ko namang may dumaan na sasakyan sa likod ko.

Napatingin ako sa sasakyan na 'yun at nakita kong isa 'yung truck. Paano kaya kung hindi niya ko niligtas? Eh 'di dapat ako na ang ililista niya ngayon.

"Be careful about where you're going next time." Rinig kong bulong niya. Napatingin ako sa direksyon niya at napatitig ako sa mga mata niya.

"I'm always here to protect you but I want you to protect yourself too. I want you to be careful." Kung hindi ko lang talaga alam na may kailangan siya sa'kin ay dapat iisipin kong may gusto siya sa'kin eh.

"Kahit na magpaka-sweet ka diyan ay hinding-hindi mo mababago ang isip ko. Hindi means hindi." Sabi ko at lumayo na ko mula sa kaniya.

Naglakad na ko ulit ako papasok ng school. Hindi pa ko masyadong nakakalayo nang narinig ko siyang nagsalita.

"I swear that I'm going to get you. I swear that I'm going to make you help me with this fricking punishment." Sabi niya at tuluyan na kong umalis mula sa lugar na 'yun.

•••• END OF CHAPTER 3. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon