Date Published: July 3, 2017
Date Re-Published: March 9, 2020EPILOGUE.
SOPHIA'S POV
Isang taon na ang nakakalipas no'ng nangyari ang lahat ng 'yun. Isa na nga akong ganap na Wayfinder ni Luxu at isang Heaven's Judgement.
Hindi naman 'to isang parusa dahil ito ang hiniling ko kay Lifeian nang nag-usap kami para lang makasama si Luxu.
Si Luxu naman ay habang buhay ng Death Lister dahil 'yun ang hiniling niya kay Heavenia. Ang kasalanan niya kasi ay walang kapatawaran kaya dapat niyang pagbayaran 'yun habang buhay.
Tumutulong pa rin sila kuya Esidia at ang iba pa sa misyon ni Luxu. Nagkakasama naman kami paminsan-minsan.
Mahirap ang mga ginagawa namin pero masaya naman. Kaya minsan ay ine-enjoy na lang naming lahat.
Sila kuya Blake at Shiaori naman ay nakikita ko naman na magkasama sila minsan pero sa tuwing nakikita ko sila ay parang may something na hindi ko maipaliwanag.
Parang may nangyari sa kanilang dalawa na hindi dapat. Kung ano 'yun? Hindi ko rin alam. Wala naman silang nababanggit sa'kin 'pag nagkikita kami.
Si kuya Ethra naman ay pabalik-balit mula sa langit at impyerno. Minsan nga ay naaawa na ko sa kaniya dahil sa sumusuko na siya eh.
Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa amin ang pagtawag niya kay Hades at Heavenia na tita at tito dahil hindi naman niya sinabi kung ano ang koneksyon nilang tatlo.
Nandito kami ngayon sa bubong at sinasamahan si Nathan at nakatulala sa isang bahay. Kasama din namin si kuya Blake na nakatingin naman sa direksyon ni Nathan.
"What are we doing again here, little lady?" Bulong na tanong ni Luxu sa'kin. Napatingin naman ako sa kanan namin at nando'n si Nathan.
Napatingin kaming dalawa ni Luxu sa tinitignan ni Nathan at nakita namin si Helena na may kargang sanggol at nakangiti.
"Bakit hindi mo siya lapitan, Nathan? Baka naman gusto ka rin niyang makita." Sabi naman ni kuya Blake at umiling si Nathan.
"Ayaw niya kong makita kaya re-respetuhin ko 'yun. Kapag napatawad na niya ako ay do'n lang ako lalapit sa kaniya." Sagot ni Nathan.
"Paano 'yung anak niyo? Hahayaan mo na lang na lumaki siya nang wala ka?" Tanong ko naman. Napangiti siya ng mapait.
"Kahit naman na ayoko ay wala naman akong magagawa. 'Yun ang gusto niya kaya ibibigay ko sa kaniya 'yun." Malungkot niyang saad.
Sa hindi malamang dahilan ay nakipag palitan si Nathan kay Helena. Si Nathan na ang Hell Sender at isa nang ordinaryong tao si Helena.
Meron pa rin naman siyang alaala tungkol sa pagiging Hell Sender niya pero mas pilit niyang kinakalimutan ito.
"You're just going to watch them from a distance? That's hard, you know?" Napatingin naman si Nathan kay Luxu.
"Ano ba ang alam mo? Hindi mo pa nararanasang lumayo sa minamahal mong tao." Nakita ko namang natawa si kuya Blake.
"Nagawa na niya kaya 'yan last year." - Kuya Blake.
"I've done that before. I need to protect the little lady from danger so, I have to push her away." Nakangiting saad ni Luxu habang nakatingin sa'kin.
"I love this little lady so much so, I have to do that." Dugtong niya pa. Napansin naman namin na umalis na si Nathan.
"Hayaan niyo na lang muna 'yan. Iwan na lang muna natin siyang mag-isa." Sabi ni kuya Blake at umalis na rin siya.
Naramdaman kong hinawakan ni Luxu ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Let's go. Let's finish this for the day." Sabi niya at umalis na kami do'n sa lugar na 'yun.
~~
Dumating na kami sa pupuntahan namin at may nakita akong isang malaking bahay.
"Many people are claiming that there are many lost spirits here so, let's check." Sabi ni Luxu at naglakad na siya papasok.
Sumunod na rin ako sa kaniya at pumasok. Pagkapasok ko ay agad akong nakaramdam ng kaba.
"Wala bang mga multo dito?" Tanong ko naman. Tinignan ako ni Luxu at ngumisi siya. Inakbayan niya ako at tinapat ang bibig niya sa tenga ko.
"Don't worry. Everything is fine. I'm here." Bulong niya. Nagsitayuan naman 'yung mga buhok ko sa katawan.
"Or do you want to do anything naughty here just for you not be scared?" Hinampas ko siya sa braso niya.
"Lumayo ka nga sa'kin, pervert!" Sabi ko at lumayo na ko mula sa kaniya. Tumakbo ako palayo sa kaniya at hinabol niya ko.
Tumawa ako ng malakas habang hinahabol niya ko. Sana ganito na lang palagi kasaya.
▪️▪️▪️▪️ END OF THE SERIES. ▪️▪️▪️▪️
BINABASA MO ANG
The Death Lister (Death Series #1)
RomanceLife and death are everywhere. Sophia can see spirits or ghosts - whether they are good or bad. When she got in trouble because of a spirit, she met a death lister named Luxuria. He asked for her help for his mission, will she help him or not to st...