Chapter 25.

379 12 0
                                    

Date Published: June 25, 2017    
Date Re-Published: March 9, 2020

CHAPTER 25.

SOPHIA'S POV

"Nasaan na si Helena?" Napatingin kami sa pwesto ni Helena kanina at wala na siya do'n.

"Asan na siya? Saan siya napunta?" Tanong ko naman. Napatingin din ako sa paligid dahil sa wala si Shiaori dito pero nandito pa rin si kuya Blake.

"Si Shiaori? Nasaan siya?" Tanong ko. Napatingin naman si kuya Blake sa paligid niya at nagsimula na siyang mag-alala.

"Mi'lady?! Mi'lady?!" Tawag ni kuya Blake at nagsimula na siyang hindi mapakali.

"Paano si Shiaori? Dinala ba siya ni Helena?" Tanong ko naman. Hindi sila nakasagot lahat sa tanong ko.

"Let's go to Helena's place." Sabi naman ni Luxu at pinatunog na ni kuya Esidia ang mga daliri niya.

Nandito na agad kami sa lugar na punong-puno ng mga Anthurium. Nagsimula na silang maglakad papunta sa isang direksyon.

Napahawak ako sa kamay ni Luxu at ngumiti naman siya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"I'll pay for my sins even if it means forever, as long as you're with me, little lady." Bulong niya sa'kin. Tumango ako.

"Payag ako do'n, Luxu. Ayos lang sa'kin kung habang buhay na ang parusa na 'to basta kasama kita." Sagot ko naman.

"I'll protect you whatever happens." Sabi niya at hinalikan ako sa noo ko. "You'll always be my light from the darkness." Sabi niya pa.

Napunta na kami sa isang bahay na may katabing maliit na batis. Nasa gitna ito ng mga tanim na Anthurium. May nakita kaming apat na tao sa bahay na 'yun.

"Siya 'yung kasama ni Helena no'ng sinugod nila si Luxu." Sabi ko sabay turo do'n sa lalaking nakatayo at may suot na asul na jacket.

"Linx, nasaan si Helena? Saan niya dinala si Shiaori?" Tanong agad ni kuya Blake.

"Hindi rin namin alam kung asan ang young lady ngayon. Ang alam lang namin ay nawawala siya simula pa kanina." Sagot no'ng lalaking naka asul na jacket.

"Hindi niyo manlang siya hinahanap ngayon?" Tanong naman ni kuya Esidia. "Bago siya mawala ay sinabihan na niya kami na 'wag siyang hanapin." Sagot naman ng babaeng naka dilaw na damit.

"May possibilidad din naman na nando'n ngayon sa lugar na 'yun ang young lady." Sabi naman ng matandang lalaki na may suot na sumbrero.

"Saan 'yung lugar na 'yun?" Tanong ko naman. Napabuntong hininga naman siya at tumungin ng diretsyo sa'min.

"Ang lugar na 'yun ay ang pinakapaboritong lugar ng young lady. Merong talon do'n at pinaliligiran ng mga Anthurium ang talon." Paninimula niya sa'min.

"Do'n sila unang nagkakilala ni Nathan at hanggang ngayon ay mahalaga pa rin para sa young lady ang lugar na 'yun dahil sa do'n niya unang nakilala ang lalaking minahal niya ng husto." Dugtong niya sa'min.

"Pwede mo ba kaming dalhin do'n?" Tanong ni kuya Triaus at tumango ang matandang lalaki.

May lumabas na pulang bilog mula sa kamay no'ng matandang lalaki at nang mas lalong lumiwanag ito at napapikit na ako ng mata.

~~

Pagkamulat ko ng mata ay nakita kong nandito na kami lugar na sinasabi ng matandang lalaki.

Nasa harapan namin ngayon sila Helena at Shiaori na walang malay ngayon. Nakatapat sa leeg ni Shiaori ang ispada ni Helena.

"Mi'lady!" Sigaw ni kuya Blake at nagising naman si Shiaori do'n. Nang nakita niya si kuya Blake ay agad siyang napaiyak.

"Don't worry. Hindi ko hahayaang saktan ka ni Helena." Paniniguro ni kuya Blake.

"Helena, itigil mo na 'to! Ako ang may kasalanan sa'yo kaya 'wag mo na silang idamay pa!" May dumating na isang lalaki na hindi ko kilala.

"Patayin mo ang babaeng 'yan at ang lalaki na 'yan, Helena. Hindi dapat tayo nagpapatalo nang dahil sa pagmamahal na 'yan." May dumating na isang ahas at nagsasalita ito.

"Hades!" Sigaw naman ni Luxu. "Ang mga makasalanang tao ay dapat ng pinapapunta agad sa impyerno." May binuga 'yung ahas kay Luxu.

Agad naman akong humarang sa harap ni Luxu para protektahan siya. Niyakap ko si Luxu ng mahigpit.

"Death Lister's Helpers, ipapirma niyo na kay Helena ang huling pahina." Nagulat kaming lahat dahil do'n.

Nakita namin na hindi pa ginagawa ni Helena ang utos sa kaniya no'ng ahas kaya naman nawalan na ito ng malay at bumagsak sa sahig.

Agad naman siyang nilapitan ng lalaki at sinubukang gisingin. Napatingin naman si Luxu sa log book at tumingin din ako.

"Helena's name is here. But I can't make her sign this." Sabi ni Luxu. Napatingin siya sa direksyon ng ahas.

"I won't let her sign this. We are not your pawns, Hades. We are also people that have feelings. Sinful, yes but not numb." Mariing saad ni Luxu.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tinapat 'yun kay Shiaori at may lumabas na Lily of the Valley at lumiwanag ito.

Maya-maya lang ay nawala na si Shiaori sa pwesto niya at napunta na siya sa pwesto ni kuya Blake. Binuhat niya si Shiaori at sinubukang gisingin.

"Tito Hades, tama na." Napatingin kami sa bagong dating at nakita ko 'yung lalaking nagbigay ng letter sa'kin noon.

"Ethra, it is about damn time for you to arrive, you idiot!" Sigaw naman ni Luxu. Tumingin si kuya Ethra sa kaniya.

"Manahimik ka nga! Kayo na nga 'tong tutulungan ko, ikaw pa 'tong nagagalit sa'kin." Sagot naman ni kuya Ethra.

"Hindi mo pwedeng galawin ang mga disciples nila papa at tita Heavenia kaya itigil mo na 'to." Nakita kong nagulat silang lahat.

Anong meron? Bakit sila nagulat lahat? May nakakagulat ba sa sinabi ni kuya Ethra?

"Ayaw ni tita Heavenia na parusahan ka, tito. Tumigil ka na. Ayaw niya na mas lalo pa kayong magkahiwalay, tito." Dugtong pa ni kuya Ethra.

Nakita ko naman na tumigil 'yung ahas at nawala na siya. Lumapit naman si kuya Ethra sa pwesto namin at ngumiti.

"Sila tita Heavenia na ang bahala kay tito. 'Wag na kayong mag-alala. Bantayan niyo na lang sila Helena." Pagkasabi niya do'n ay nawala na siya.

Nilapitan ng iba si Helena at kami naman ay kay Shiaori na natutulog pa rin. Lumuhod ako sa tapat niya at tinapat ang kamay ko.

May lumabas na Lily at lumiwanag ito ng konti at maya-maya lang ay nagising na siya.

"Mi'lady? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni kuya Blake. Tumango naman si Shiaori sa kaniya.

"Ayos lang ako butler Blake. Alam ko naman na dadating ka eh." Nakangiting saad niya. Napangiti naman si kuya Blake at niyakap niya si Shiaori.

"Butler Blake, it's rude na yakapin mo ang amo mo." Natawa kaming lahat dahil sa pagsita ni Shiaori.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Helena at nakita kong gising na rin siya. Napaupo siya sa sahig at agad na lumayo mula do'n sa lalaki.

"Lumayo ka sa'kin. Ayaw na kitang makita pa." Pagkasabi ni Helena no'n ay nawala na siya.

"Magkakaayos pa ba sila?" Tanong ko at hindi sila sumagot. Pero baka hindi pa ito ang tamang oras para sa kanilang dalawa.

Alam kong darating din 'yun kaya hintay na lang.

•••• END OF CHAPTER 25. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon