Chapter 22.

406 14 0
                                    

Date Published: June 25, 2017 
Date Re-Published: March 9, 2020

CHAPTER 22.

SOPHIA'S POV

Umupo ako sa kama at pinanood si Luxu na natutulog pa rin. Tinanggal ko 'yung buhok niyang nakaharang sa maamo niyang mukha.

Para siyang maamong tuta kapag tulog pero 'pag gising na ay parang na siyang galit at gutom na liyon. Hinalikan ko siya sa noo at tumayo na.

Pero bago pa ko makaalis ng tuluyan ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko at napatingin ako sa direksyon niya.

Nakita kong gising na siya at hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Hinila niya ko ng mahina kaya naman umupo ulit ako sa kama.

"Ayos ka lang ba? Anong nanraramdaman mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Nginitian naman niya ako.

"I'm fine. I still need some rest." Mahinang saad niya naman sa'kin. "Lay down with me." Humiga ako sa tabi niya at niyakap naman niya ako.

Magkaharap kaming dalawa sa isa't isa at magkayakap. Nakita ko na inaantok pa rin siya at pinipilit niyang magising kaya naman I caressed his face.

"Matulog ka lang, Luxu. Dito lang ako. 'Wag kang mag-alala." Bulong ko at pinikit na niya ang mga mata niya. Pati rin rin ako ay natulog na din sa tabi niya.

~~

Nagising ako nang naramdaman kong parang may nakatingin sa'ming maraming mata. Pagkamulat ko ay nakita ko sila kuya Esidia at ang iba pa na nakatingin sa direksyon namin.

Agad akong napaupo sa kama at nakita kong tulog na tulog pa rin si Luxu. Napatingin ulit ako kanila kuya Esidia at nakita kong mga nakangisi silang lahat sa direksyon ko.

"W-wala kaming ginawa." Pagdepensa ko kahit na wala pa silang sinasabi. 'Yung mga mukha kasi nila ay parang sinasabi nila na may ginawa kami eh.

"Tuloy niyo lang. 'Wag mo kaming pansinin. Isipin mo na lang na-" - kuya Esidia.

"Ham 'yan." Binatukan nilang tatlo si kuya Dex dahil sa sinabi niya. Natawa naman ako ng onti dahil sa kanila.

~ AFTER ONE MONTH ~

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung nangyari 'yun. Nasa loob ako ng classroom ngayon at nakikinig sa lesson ni sir.

Hindi naman ako nakikinig sa lesson ni sir kasi iniisip ko pa rin hanggang ngayon 'yung sinabi ni Helena. Bakit kaya nila gustong kunin si Helena?

Wala namang sinabi sa'kin sila kuya Esidia. Ang sabi lang nila ay hindi naman sila sinagot ni Helena kaya bumalik na lang sila.

Gusto kong malaman ang dahilan. May kinalaman kaya 'yun sa parusa niya? Kakabahan na ba ako dahil baka connected nga 'yun do'n?

LUXU'S POV

It's been one month since that happened. I am here in our territory with Esidia and the others. In that whole month, I am at bed rest.

"Hindi namin sinabi kay Sophie kasi alam namin na mag-aalala na naman 'yun sa'yo." Esidia told me. He's right. She's going to be worried about me again.

"So, you didn't tell her anything?" They nodded at me. I think it's also best for her not to know why they want me.

"So, it's because I fell for her that's why they want to send me to hell. But it's not their job to do that, right?" I said. They nodded.

"'Yun din ang pagkakaalam namin. Sa tingin niyo ba ay may sinisirang batas ang mga diyos ng impyerno?" Dex said.

"To be honest, I feel that too. It feels like they are trying to cross the line." I said. They all looked down at the floor and think.

"Kausapin kaya natin si Lifeian? Baka may alam siya tungkol dito." Tony suggested. We look at each other then nodded.

Triaus snapped his fingers then we are here now in heaven. We saw Lifeian talking to Heavenia when we arrived at their place.

Heavenia look at us then smiled. "May maitutulong ba kami sa inyo, Death Lister at Death Lister's Helpers?" She asked us.

"Legal ba talaga 'yung ginawa nila Helena last month?" Esidia immediately ask Heavenia. She look at Lifeian.

"Sa totoo lang ay hindi pwede 'yun. Kahit na sabihin nating inutusan sila ni Hades o ni Ketsueki. Labag pa rin 'yun sa batas namin dito." Lifeian said.

"Pero bakit ginawa pa rin nila 'yun?" Tony asked. Lifeian sighed then look at Heavenia.

"Dahil sa pagmamahal. Para sa kanila ay isa 'yun kasalanan. Hindi nila matanggap na parehas silang bigo doon." He said while still looking at Heavenia.

"Hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang sagot na gusto nilang malaman sa kung bakit sila iniwan ng babaeng pinagkatuwalaan at minahal nila ng husto." He added.

"So, the reason why they want me to send to hell it's because of that? Is she in danger too?" He shook his head sideways then smiled.

"'Wag ka nang mag-alala sa kaniya. Ligtas siya dahil prino-protektahan ko siya. Lahat kayo ay prino-protektahan naming dalawa." He answered me.

"Ano po ba talaga si Sophie? Isa pa rin ba siyang ordinaryong tao o katulad na rin namin siya?" Dex asked them.

"Alam naman natin na ordinaryong tao o mortal lang ang mga Death Lister's Eye pero ginawa ko siyang Wayfinder dahil 'yun ang hiling niya." He put his index finger on his lips from stopping us from saying anything.

"Ang hiling niya ay makasama si Luxu habang buhay at maging ligtas sila mula sa kapahamakan. Ginawa ko siyang Wayfinder dahil siya ang magiging gabay mo, Luxu." He added with a smile.

"Gabay ni Luxu para sa misyon niya at para hindi siya makagawa ulit ng kasalanan." Heavenia said. She's really my light from the darkness.

"May tanong pa ba kayo? May magagawa pa ba kami para sa inyo?" Heavenia asked us then we just smiled at her.

"That's all. Thank you." I said. Traius snapped his fingers again then we are back to our territory.

THIRD PERSON'S POV

Pagkaalis nila Luxu mula sa harap nila Lifeian at Heavenia ay nagkatinginan ang magkapatid sa isa't isa.

"Sana pati rin ikaw ay magkaroon ng lakas para harapin siya. Hindi mo siya pwedeng taguan habang buhay." Sabi ni Lifeian at hinawakan niya sa pisnge si Heavenia.

"Alam ko naman 'yun kuya pero natatakot ako. Paano kung saktan niya ulit ako?" Nag-aalalang tanong ni Heavenia.

"Sabihin mo sa kaniya kung bakit mo siya iniwan, kung bakit mo ginawa 'yun. Ipakita mo sa kaniya ang dahilan kung bakit mas pinili mo ang maging isang diyos." Sagot ni Lifeian at napatingin sa salamin.

Nakita niya sila Ketsueki at Hades na pinapahirapan ang lahat ng mga kaluluwa na nandoon sa impyerno.

"Saka sa katunayan nga ay hindi naman labag sa batas na magmahalan ang mga diyos. Kaya bakit nakipaghiwalay ka sa kaniya?" Napatingin lang si Heavenia sa kaniya at napayuko.

May mga bagay pa talaga na dapat malaman si Lifeian tungkol sa relasyon ng kaniyang kapatid at dating kaibigan na si Hades.

•••• END OF CHAPTER 22. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon