Chapter 16.

443 12 0
                                    

Date Published: June 20, 2017
Date Re-Published: March 8, 2020

CHAPTER 16.

SOPHIA'S POV

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas simula no'ng pinalayo ako ni Luxu mula sa kaniya. Sa loob ng dalawang buwan na 'yun ay hindi siya nagpakita o nagparamdam man lang.

Tapos na kaya 'yung parusa niya at hindi na niya ako kailangan kaya gano'n ang ginawa niya? Kaya niya ko tinulak palayo kasi tapos na niya ang parusa niya?

Araw-araw ko na 'tong iniisip pero hindi wala akong makuhang matinong sagot. Siya lang naman ang makakasagot nito eh.

Naglalakad ako papuntang mall para mamili ng pagkain dahil naubusan na kami ng stocks sa bahay.

Nang nasa mall na ako ay nag ikot-ikot na muna ako bago mamili. Ang daming teddy bear dito. At mas lalo akong natuwa nang may nakita akong Bearsace na binebenta sa isang store.

Kinuha ko 'yung Bearsace at niyakap ng mahigpit. Tinignan ko 'yung presyo at nakita kong 750 pesos ito. Kinuha ko 'yung wallet ko at kumuha ng pera para bilhin 'yung stuff toy.

Pumunta ako sa cashier at binayaran na. Umalis na ko mula sa store na 'yun at pumunta na sa dapat kong puntahan at 'yun ay ang grocery store.

Pagkapasok ko sa loob ay nilagay ko sa cart si Beasarce at nilabas na 'yung listahan ko. Hinanap ko na lahat ng mga kailangan ko.

~~

Habang naglalakad papunta sa parte ng mga juice ay naramdaman ko na parang may nakatitig sa'kin at sinusundan ako.

Napalingon ko sa paligid at wala naman akong nakita na kung sino. Naglakad na lang ulit ako dahil baka guni-guni ko lang 'yun.

Kumuha ako ng apat na orange flavor at dalawang apple flavor na juice at pumunta na sa section ng mga cookies.

Pagkapunta ko do'n ay nakita kong nasa itaas na parte ang bibilhin kong cookies kaya sinubukan kong abutin 'yun pero hindi ko maabot.

Nagulat na lang ako nang biglang may pumwesto mula sa likod ko at kinuha 'yung inaabot ko. Naamoy ko 'yung pabango niya at alam ko kung kaninong amoy 'yun.

Napalingon ako sa pwesto niya at siya nga ang nakita ko. Si Luxu 'yung tumulong sa'kin at gano'n pa rin ang itsura niya. Pero para siyang malungkot hindi tulad ng naaalala ko sa kaniya na laging nakangisi sa'kin.

"Here." Binigay niya sa'kin 'yung inabot niyang cookies at kinuha ko naman 'yun. "Thank you." Sagot ko at nilagay na sa cart 'yun.

"Ano pala 'yung ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" Tanong ko. Siya ba 'yung nakatingin at nasunod sa'kin kanina?

"I'm alone right now, and I'm staring at you and also following you." Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko nang narinig ko 'yung sinabi niya. Siya nga 'yung nasunod saka nakatingin sa'kin?

"I-ikaw 'yun?" Paniniguro ko at tumango siya. Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng direkta mula sa mga mata ko.

"I'm always staring and following you secretly since that time. To make sure that you're safe." Seryosong saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Nakaramdam naman ako ng parang kuryente sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Tatanggalin ko na sana 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya dito.

"Let me say something to you first. Let me explain everything first." He said at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon