Date Published: June 20, 2017
Date Re-Published: March 9, 2020CHAPTER 17.
SOPHIA'S POV
Hindi ko rin naman siya hahayaang umalis ulit eh. Sabi ko sa isip ko.
Hinawakan ko siya sa pisnge niya at pinaharap sa'kin. "Lagi kang bumalik dito sa'kin ng ligtas, okay?" Tumango siya at hinalikan ko siya.
Naramdaman kong bumaba mula sa balikat ko papunta sa bewang ko 'yung braso niya. Mas lalo niya kong pinalapit sa kaniya.
Nilagay niya sa pisnge ko ang kamay niya at pinulupot ko ang braso ko at leeg niya. Naramdaman kong nasa tinaas na niya ang suot kong shirt nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Napatigil naman kami sa ginagawa namin at napatigin bigla sa pintuan. Buti na lang at naka-lock 'yun kundi patay ako kanila mommy.
"Nandiyan ka na ba anak?" Tanong ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. "O-opo mommy." Sagot ko at nakita kong nagtago sa loob ng C.R si Luxu.
Binuksan ko 'yung kwarto ko at pinakita 'yung mga pinamili ko. "Bakit dito mo dinala 'yan? Nandito ba 'yung kitchen?" Napakamot ako ng ulo.
"Nilagay ko lang po si Bearsace dito eh." Sabay turo sa teddy bear na nasa kama ko. Napa-iling naman si mommy at kinuha na ang mga pinamili ko.
Dumating naman si daddy at tinulungan niya si mommy. Tatalikod na sana si daddy nang napatingin siya bigla sa'kin at kununot ang noo.
"Bakit magulo 'yang shirt mo anak? Nakipag sex ka ba?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano na 'yan? Nahalata niya ba na may kasama akong lalaki dito?
"H-hindi po ah. Magpapalit na po kasi sana ako ng damit nang biglang dumating po kayo." Pag depensa ko sa kaniya.
"Sige. Magpalit ka na anak." Napahinga ako ng maluwag dahil sa naniwala siya sa sinabi ko. Pagkasara ng pintuan ay agad kong ni-lock ito.
Lumabas na si Luxu mula sa loob ng C.R at nahalata ko na kinabahan din siya. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.
Nilagay niya ang index finger niya sa baba ko at pinatingin sa kaniya ng diretsyo. Bakit ganiyan siya makatingin sa'kin ngayon?
"Do you love me too? You're not going to kiss me like that if you don't, little lady." Saad niya. Wala na rin namang dahilan para itago sa kaniya eh.
"I love you too. Kaya nasaktan ako nang bigla mo kong pinalayo mula sa'yo." Pag-amin ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa'kin.
"Bakit nga pala tinawag ka ni kuya Blake na bata kanina?" Tanong ko nang may naalala ako kanina. "Saka bakit siya naging pedophile?" Tanong ko pa.
Mukha namang hindi sila nagkakalayo ng edad no'ng babaeng kasama niya kanina ah. Ilang taon na nga ba sila?
"We are immortal. He's already 1,223 years old. And the girl who's with her is only 17." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Gano'n na siya katanda? Ngayon ko lang din nalaman na mga immortal pala sila.
"Ikaw? Ilang taon ka na? Saka sila kuya Esidia?" Tanong ko. Sino kaya mas matanda sa kanilang dalawa? Siya o si kuya Blake?
"950 years old. Esidia is my twin brother so we're the same. Traius and Dex are 1,000 years old then Tony is 743 years old." Sabi niya.
"Ang tatanda niyo na." Komento ko. Magsasalita na sana siya ulit ng biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Anak, kakain na." Rinig kong saad ni daddy mula sa labas. "Go. Eat now. I'll be staying here." Bulong niya at tumango ako.
Lumabas na ko mula sa kwarto ko at pumunta sa hapagkainan para kumain kasama nila mommy.
~~
Pagkabalik ko sa kwarto ko ay naabutan ko si Luxu na nakaupo sa kama ko at nagbabasa ng libro. Tumabi ako sa kaniya at tinignan ang binabasa niya.
"Isa 'yan sa mga naging paborito kong story." Sabi ko. Napangiti naman siya sa'kin. "I love it too." Sagot naman niya sa'kin.
Tumayo na ulit ako at kumuha ng damit sa cabinet. Pumasok na ko sa loob ng C.R para maligo na.
~~
Pagkalabas ko sa C.R ay umupo ako sa upuan na nasa harap ng salamin na nasa tabi ng kama ko. Nagsuklay ako ng buhok.
Naramdaman ko naman na tumayo si Luxu mula sa kama at pumwesto sa likod ko. Tinapat niya sa leeg ko ang mukha niya at inamoy ako.
"I love your scent. It makes me crazy." Rinig kong bulong niya at lumayo na siya mula sa'kin. Napatingin ako sa kaniya at nagtaka.
Parang pinipigilan niya ang sarili niya. Lumapit ako sa kaniya at sinenyasan niya kong huminto.
"Don't come near me, little lady. I have to stop myself from raping you right here, right now." Hirap niyang saad.
"Pero nahihirapan ka na eh." Nag-aalalang saad ko sa kaniya. Nakita ko na nakasara na ang mga kamao niya.
"Naaakit ka ba sa mga babaeng naka oversized t-shirt at pajama? Hindi naman sexy 'yung ganito ah." Sabi ko pa sa kaniya.
"No. It's not really attractive but it's because it's you. That's why." Sagot niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa mga kamay niya.
"Okay lang naman sa'kin, Luxu. Mahal kaya kita." Sabi ko naman. Nakita kong napalunok siya.
"Are you really sure about this? Once we did this, there's no turning back." Tumango ako. Tinignan niya ng maigi ang labi ko.
"Why are you so attractive at the time like this?" Tanong niya sa'kin at hinalikan niya ko.
•••• END OF CHAPTER 17. ••••
BINABASA MO ANG
The Death Lister (Death Series #1)
RomanceLife and death are everywhere. Sophia can see spirits or ghosts - whether they are good or bad. When she got in trouble because of a spirit, she met a death lister named Luxuria. He asked for her help for his mission, will she help him or not to st...