Chapter 21.

397 12 1
                                    

Date Published: June 21, 2017  
Date Re-Published: March 9, 2020

CHAPTER 21.

SOPHIA'S POV

Napatingin ako sa direksyon ni Luxu nang nawala na sila Helena. Nakita kong hinang-hina pa rin siya dahil sa nangyari kanina.

"Sophie, anong nangyari?" Tanong ni kuya Esidia nang dumating siya dito at kasama niya sila kuya Traius. Nilapitan nila si Luxu at inalalayan itong tumayo.

"May dumating na tatlong kaluluwa tapos sinugod nila si Luxu tapos ginamit niya ang kapangyarihan niya sa tatlong 'yun at 'yan na ang nangyari." Pagkwento ko.

"Seryoso? Alam niyang pang-isahan lang ang paggamit sa kapangyarihan niya at 'pag lumampas siya do'n ay talagang manghihina na siya." Sagot naman ni kuya Dex.

"Sira ulo talaga." Komento naman ni kuya Tony. "Kasama niya kasi si Sophie kaya niya ginawa 'yun." Sabi naman ni kuya Traius.

"Kasalanan ko 'to." Hinawakan ako ni kuya Esidia sa balikat ko at umiling. "Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan 'to, okay?" Tumango ako.

"Dumating din pala si Helena at may kasama siyang lalaki." Nagkatinginan naman silang lahat sa isa't isa.

"Anong ginawa nila? Anong kailangan nila?" Tanong ni kuya Tony sa'kin.

"Ang sabi nila ay inutusan sila ni Ketsueki na kunin si Luxu pero hindi ko sila hinayaang gawin 'yun." Sagot ko.

"Bakit gusto nilang kunin si Luxu? Sinabi ba nila?" Umiling ako. Wala naman silang nabanggit basta 'yun lang ang sinabi nila eh.

"Paano kayo nakaligtas sa kanila kung ganito na si Luxu?" - kuya Dex.

"May binigay kasing kwintas sa'kin si Lifeian at ito 'yung nagligtas sa'min kanina mula sa kanila." Pinakita ko 'yung kwintas.

"Bakit ka niya binigyan? Hindi ka naman katulad namin na disciple ng mga diyos." Naguguluhang saad ni kuya Esidia.

"Nakausap ko si Lifeian at pagkabigay niya sa'kin nito ay hiningian niya ko ng hiling na tutuparin niya ng walang kapalit." Sagot ko.

"At humiling ka?" Tumango ako. Napatingin sila sa isa't isa. Pinatunog ni kuya Traius ang dalawang daliri niya at nakita kong nasa isang kwarto na kami.

"Nasaan tayo ngayon?" Tanong ko at napatingin sa buong paligid. Inihiga ni kuya Dex si Luxu sa kama.

"Magiging okay lang ba siya? Delikado ba buhay niya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"'Wag kang mag-alala. Ayos lang siya. Kailangan niya lang ng pahinga para bumalik ang dati niyang lakas." Sagot ni kuya Esidia at hinila na nila ako palabas ng kwarto.

Pagkalabas namin ng kwarto ay napanganga ako dahil sa laki ng sala nila. Wow! Ang laki naman ng bahay na 'to.

"Surprise? Don't be. Maliit pa nga 'to eh." Tinignan ko si kuya Esidia dahil sa sinabi niya. Maliit pa 'to sa kaniya ah?

"Ang laki kaya nito kuya tapos sasabihin mo na maliit pa 'to?" Sabi ko naman sa kaniya.

"'Wag mo na lang pansinin 'yan, Sophie. Nagyayabang lang 'yan eh." Natawang saad naman ni kuya Tony. Nagsi-upo silang kahat sa sofa at umupo din ako.

"Ferce, tsaa." Sabi ni kuya Dex. Ano bang meron sa tsaa at ang hilig nilang magsiinom no'n? Pati rin si Lifeian ay 'yan din ang iniinom eh.

"Masters." Sabi ng isang lalaki na naka-butler suit at binigyan niya kami ng mga tasa na may laman na tsaa.

Saan kaya siya nanggaling? Hindi ko siya napansin ah. Pagkabigay niya ng tsaa sa'min ay naglakad na siya paalis.

Hawak-hawak ko 'yung tasa ng tsaa at napatingin sa kanilang lahat. Napabuntong hininga naman ako habang iniisip ang mga nangyari kanina.

"'Wag mo nang isipin 'yung nangyari kanina, Sophie. Hindi mo naman talaga kasalanan kung bakit niya ginawa 'yun eh." Sabi ni kuya Traius.

"Saka may mga parte talaga sa misyon namin na talagang sasagarin sarili namin para lang matapos 'yun." Sabi naman ni kuya Dex.

"Pero ano kaya ang kailangan nila Helena kay Luxu?" Takang tanong naman ni kuya Esidia.

"'Yun ang dapat nating malaman. Puntahan natin sila Helena mamaya para malaman ang sagot diyan." Sabi ni kuya Tony.

"Kayo na lang pumunta. Ayokong makita 'yun." Nakangiwing saad ni kuya Dex. Ano kaya meron sa kanila at parang diring-diri siya?

"Sa tingin niyo kaya ay sasagutin niya 'yung tanong niyo?" Tanong ko naman sa kanila.

"Mas maganda kung susubukan natin kesa naman sa wala tayong ginawa diba?" Tumango ako kay kuya Traius.

Ginulo niya 'yung buhok ko kaya naman hinampas ko 'yung kamay niya. Tumawa naman silang lahat dahil do'n.

"Dito ka na lang, Sophie. Bantayan mo si Luxu." Sabi ni kuya Esidia at nagsitayuan na silang lahat. Tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto kung saan namin iniwan si Luxu.

Sana maging ligtas kayong lahat. Sabi ko sa isip ko at tuluyan na kong pumasok sa loob ng kwarto.

THIRD PERSON'S POV

Pumunta na sila Esidia sa teritoryo nila Helena pinaliligiran ng mga Anthurium. Sa gitna ng mga tanim ng Anthurium ay may isang maliit na bahay at may batis sa tabi nito.

Lumapit sila Esidia sa maliit na bahay na 'yun at agad silang may nakitang limang tao.

May isang matanda, may babaeng naka dilaw, may isang batang babae, 'yung lalaking kasama ni Helena nang sumugod kanila Luxu at si Helena ang nasa gitna nila.

"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig na tanong ni Helena habang pinaglalaruan ang isang halaman ng Anthurium.

"Anong kailangan niyo kay Luxu? Bakit pinapakuha siya ni Ketsueki sa inyo?" Tanong agad ni Esidia.

"Isa siyang makasalanang tao."

"Lahat tayo dito ay makasalanan, Helena! Hindi lang si Luxu pati rin tayo." Inis na sagot naman ni Traius.

"'Wag niyong tataasan ng boses si young lady." Mariing saad naman ng matanda at masamang tumingin kanila Esidia.

"Nagmahal ang death lister. Isang kasalanan ang pagmamahal." Halata sa mga tingin ni Helena ang pagkamuhi niya sa pagmamahal.

"Bakit ba lagi niyong sinasabi na kasalanan ang magmahal kahit na hindi naman talaga?" Tanong ni Tony.

"Kasalanan ang pagmamahal para sa mga taong hindi nakaramdaman nito o para sa mga taong bigo sa pag-ibig." Paliwanag ni Dex.

"Bigo sa pag-ibig ang dalawang diyos ng impyerno. Hindi naramdaman ni Helena ang pagmamahal kaya para sa kanila ay isa itong kasalanan." Dugtong pa niya.

"Kapag miserable sila pag-ibig ay dapat ang iba din ay gano'n. Kaya maraming tao ngayon na 'pag nakakita ng mag jowa sa labas ay naiinis o sinasabihan nila ng kung ano-ano eh." Komento naman ni Traius.

"Kung alam niyo na ang dahilan, umalis na kayo. Wala na kayong mapapala pa dito sa amin." Sabi ni Helena at tumalikod na sila Dex pwera kay Esidia.

"May balak pa rin ba kayong kunin ang kapatid ko?" Tanong ni Esidia sa kanila.

"Oo. 'Yun pa rin ang utos ni Ketsueki sa amin. Hindi kami titigil hangga't hindi namin siya nakukuha at nadadala sa impyerno." Umalis na si Esidia nang narinig niya 'yun.

"Hindi ko hahayang makuha nila ang kapatid ko." Sabi ni Esidia at bumalik na sila sa teritoryo nila.

•••• END OF CHAPTER 21. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon