Chapter 1.

1.9K 48 1
                                    

Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: March 8, 2020

CHAPTER 1.

SOPHIA LILY ALACRITAS' POV

Nagising ako ng bandang ala-sais ng umaga at napatingin sa kisame. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nanonood ako ng horror movie kagabi.

"Sophie, gising na. May pasok ka pa." Rinig kong saad ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. Umupo na ko at nagbanat ng buto.

Tumayo na ko mula sa kama at pumasok na sa loob ng banyo para maligo.

~~

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ko at lumabas mula sa kwarto. Bumaba na ko sa hagdan at nakita ko sila mommy na kumakain sa hapagkainan.

Umupo na ko sa upuan at nagsimula nang kumain. "Good morning anak." Rinig kong bati ni daddy habang nagbabasa ng diyaryo.

"Good morning din po." Mahina kong bati sa kaniya. Narinig ko namang tumawa ng mahina si mommy.

"Inaantok pa ang anak natin, dad." Natawang saad ni mommy kay daddy. Ayoko nang manood ng horror movie dahil sa hindi ako nakakatulog sa gabi.

"Nanood kasi ng horror movie kagabi kaya hindi siya nakatulog mom. Ikaw kasi eh." Sabi naman ni daddy. Bilib talaga ako sa mga taong mahilig sa horror movie at nakakatulog pa sa gabi.

Paano ba 'yun? Penge namang katapangan oh. Duwag ako pagdating sa mga horror movie eh.

"Itapon niyo po 'yung mga horror movies niyo diyan, mommy. Baka mamatay pa po ako dahil sa kanila eh." Sabi ko naman at ininom na 'yung kape.

"Pasensya na anak pero hindi namin itatapon 'yun. 'Wag kang mag-alala, hindi na namin 'yun ipapanood sa'yo." Naramdaman kong hinalikan ako ni mommy sa buhok.

"Una na po ako mommy." Pagkasabi ko no'n ay bigla akong humikab. "Excuse po." Sabi ko at naglakad na ko papunta sa sala at kinuha ang bag ko.

"Una na po ako." Sabi ko at naglakad na ko palabas mula sa bahay. Habang naglalalakad sa labas ay kinuha ko 'yung earphone at cellphone ko at nakinig na lang ng kanta.

Walking distance lang naman ang school mula sa bahay eh kaya mas makakatipid ako kung lalakarin ko na lang.

Habang naglalakad ay naramdaman kong may tumabi sa'kin kaya napatingin ako sa direksyon no'n. Laking gulat ko na lang dahil sa isa itong ligaw na kaluluwa.

Duguan ang damit niya at tanggal ang isa niyang mata. Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti.

"Nakikita mo ko diba?" Mas lalo akong nanginig nang nagsalita siya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya na para bang may masama siyang balak sa'kin.

"Hindi po kita nakikita!" Sigaw ko sabay takbo palayo mula sa lugar na 'yun. Ayoko na ng ganito. Ito ang dahilan kung bakit ayoko sa mga horror movies eh.

May abilidad akong makakita ng mga ligaw na kaluluwa - masasama man sila o hindi. Pero sa lahat ng mga nakita ko ay puro sila masasama.

Tumatakbo pa rin ako hanggang sa nakarating na ko ng school at tumigil na ko sa pagtakbo. Hingal na hingal akong napahawak sa pader.

"Sophie? Ano nangyari sa'yo? Ba't hingal na hingal ka?" Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita at nakita ko si Asis.

Si Asis ay ang pinsan kong lalaki. Simula pagkabata ay lagi na kaming magkasama kaya tinuturing ko rin siyang bilang isang best friend at kuya.

"M-may nakita akong multo habang naglalakad papunta dito." Kinunutan niya lang ako ng noo dahil sa sinabi ko. Bakit ba walang naniniwala sa'kin kahit isa?

"Tulog ka pa ba? 'Wag ka ngang matulog habang naglalakad. Delikado, Sophie." Sabi niya st ginulo niya ang buhok ko.

"Lagi ka namang hindi naniniwala eh." Mahinang saad ko at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Bakit naman kasi ako maniniwala kung alam kong hindi totoo ang mga multo? Mas matakot ka nga dapat sa buhay kesa sa patay eh." Sagot niya naman.

Napabuntong hininga ako dahil dito. Wala naman talagang naniniwala sa'kin na nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa.

"Nagawa mo ba 'yung pinapagawa ni ma'am Laine? Ikaw na magre-report mamaya ah." Napahinto ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko naalala 'yung tungkol sa report na 'yan! Paano na 'yan? Ibabagsak na ko ni ma'am niyan!

"Of course, nakalimutan mo na naman. Bagsak ka na. See you next sem." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila na papuntang library.

~ IN THE LIBRARY ~

Nasa loob na kami ng library at kasalukuyang nag re-research para sa report ko. Hiningi ko 'yung tulong ni Asis para mas mabilis akong matapos.

"You owe me this time, Sophie. Hindi naman ako naghahabol sa grade pero tinutulungan kita ngayon." Sabi ni Asis habang nagta-type sa laptop niya.

"Thank you talaga, Asis. 'Wag kang mag-alala. Ililibre kita mamaya ng paborito mong sisig with egg." Sagot ko naman at pinag-aralan na lahat ng mga dapat kong aralin para sa report mamaya.

•••• END OF CHAPTER 1. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon