Chapter 4.

1K 27 0
                                    

Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: March 8, 2020

CHAPTER 4.

SOPHIA'S POV

Pagkadating ko sa school ay agad kong nakita si Asis na may kausap na dalawang lalaki. Nang nakita niya ako ay agad niya kong kinawayan.

"Good morning, Sophie." Bati niya at kinawayan ko rin siya pabalik. "Good morning." Bati ko rin.

Tinignan naman ako ng mga kausap niya at nginitian. Ang gwapo din nilang dalawa. Bakit ba parang ang dami kong nakikitang gwapo ngayon?

"I'm Esidia Mortem. Kaibigan ko 'tong boyfriend mo." Umiling ako sa kaniya. "Hindi ko po siya boyfriend. Pinsan ko po siya kuya." Sagot ko.

Narinig ko namang tumawa 'yung isa nilang kasamang lalaki. Si kuya Esidia naman ay parang na-shock dahil sa naging reaksyon niya.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi na girlfriend ko siya? Sinabi ko namang wala akong girlffriend diba?" Takang tanong din ni Asis.

"Mukha kasi kayong mag-syota. 'Yung way ng pag ngiti ni Asis nang nakita ka niya parang in love eh." Ano ba akala niya sa'min?

"Family stroke ang nyemas." Ano 'yung family stroke? Buong pamilya na na-stroke? Minsan talaga ay hindi ko na maintindihan 'tong pinsan ko.

"'Wag mo na lang silang pansinin. Ganiyan lang talaga sila 'pag tigang na sa babae." Sabi naman nang isa.

"By the way, I'm Traius. Kaibigan din ako ng dalawang bugok na 'to." Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya.

"Sophia Lily Alacritas po." Nakangiting sagot ko naman sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nakilala ko ang mga kaibigan ni Asis.

Makikipagkamay na sana ako nang biglang may tumapik sa kamay niya at napatingin ako sa taong 'yun at nakita ko si Mr. Death Lister.

"Sa wakas, dumating din si Luxu." Rinig kong saad ni kuya Esidia. Napa-iling na lang si kuya Traius.

"Bakit ka ganiyan? Nakikipagkilala lang eh." Sabi naman ni kuya Traius. Si Asis naman ay nanonood lang sa mga kaibigan niya.

"Anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka nandito? Guguluhin mo na naman ako." Saad ko sa kaniya. Tinignan niya ko at nginitian.

"I'm happy to see you again, little lady." Sabi niya sabay akbay sa'kin. Agad ko namang inalis 'yung braso niyang naka-akbay sa'kin.

"'Wag ka ngang feeling close sa'kin." Lumayo na ko mula sa kaniya at lumapit sa pwesto ni Asis na kanina tahimik at nanonood lang.

"Magkakilala kayo ng kapatid ko? Kailan pa kayo nagkakilala?" Takang tanong naman ni kuya Esidia.

"Kahapon. Kahapon niya pa ako ginugulo." Sagot ko naman at napabuntong hininga sila kuya Traius.

"Seriously? That's not how you should treat girls, Luxu." Sabi ni kuya Esidia at napa-iling. "I don't even care. I want her."

"Woah there! 'Wag naman 'yung pinsan ko. 'Yung iba na lang 'yung paglaruan mo tol." Sabi naman ni Asis at pumwesto sa harap ko.

"I'm not going to play with her. I hate games." Bored niyang sagot. Ginagawa niya lang 'to para tulungan ko siya. Hindi ko siya tutulungan. Bahala siya diyan.

"Una na ko. May klase pa ko." Sabi ko at naglakad na agad ako paalis. Bahala na sila diyan. Ang gulo nila.

Habang naglalakad ay may naalala ako bigla. Kung kapatid ni kuya Esidia 'yung death lister na 'yun, ibig sabihin ba no'n ay gano'n din siya?

Napahinto ako sa pag-iisip kahit na wala naman akong makukuhang sagot sa mga tanong ko ngayon.

Patay na ba sila? Kung death lister ang lalaking 'yun, patay na kaya siya? Bakit ba ngayon ko lang naisip 'tong mga bagay na 'to?

"Sa wakas, may nakita din akong Death Lister's Eye." Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita at may nakita akong lalaki na nakaputing polo at itim na pants.

'Yung puting polo niya ay butas-butas at nakalabas ang chest part niya. In fairness, gwapo din siya kaso nga lang mukha siyang palaaway.

Pero sinabi niya bang Death Lister's Eye?

"Sino ka?" Tanong ko at napaatras ng onti palayo sa kaniya. Nginisian naman niya ako at naglakad palapit sa'kin.

"Matagal na ko naghahanap ng isang tulad mo eh. Sumama ka na lang kung ayaw mong masaktan." Hahawakan na niya sana ako nan may humawak sa pulsuhan niya.

"I think, you shouldn't do that for heaven's sake. She's mine and not yours. Find your own, Soul Collector." Mariing saad ni Mr. Death Lister sa lalaking nasa harap namin.

"Ikaw na naman? Bakit ba lagi kang nasulpot nang wala sa oras?" Asar na saad naman no'ng lalaki at bumuntong hininga.

"So, she's yours huh? Gulat ako do'n ah. Akala ko ba nag e-enjoy ka sa parusa mo?" Agad ko naman siyang pinigilan dahil sa gusto na niyang sugurin 'yung lalaki.

"Kalma lang." Sabi ko naman. Narinig kong tumawa 'yung lalaki at mukhang nag e-enjoy siyang asarin si Mr. Death Lister.

"Makasalanan ka kasi. Dapat sa mga makasalanan ay tinatapon na lang agad sa impyerno eh. Para masunog." Nagulat ako nang biglang tumumba sa sahig 'yung lalaki.

Do'n ko lang napansin na sinuntok ni Luxu 'yung lalaki dahil sa sobrang inis niya sa kaniya. Ngayon ko lang din siya tinawag sa pangalan niya ah.

"Ano ba, Luxu! Tama na." Pilit ko siyang hinila para makaalis na kami mula sa lugar na 'yun.

~~

Dinala ko siya sa isang bakanteng room at pinaupo sa upuan. Nakita ko naman na badtrip pa rin siya dahil sa lalaki kanina.

"Ano ba talaga meron? Bakit hindi i-explain sa'kin ang lahat para naman may maintindihan ako diba?" Sabi ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Tinignan niya lang ako pero hindi siya nagsalita man lang. Nagsasayang lang talaga ako ng laway dito.

"Ito na lang. 'Wag kang lalapit sa'kin hangga't hindi mo pinapaliwanag ang lahat. 'Wag ka ring umasa na tutulungan kita sa parusa mong 'yan." Sabi ko at naglakad na ko paalis mula sa harap niya.

•••• END OF CHAPTER 4. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon