Chapter 20.

397 14 0
                                    

Date Published: June 21, 2017  
Date Re-Published: March 9, 2020

CHAPTER 20.

SOPHIA'S POV

Nagising ako ulit nang natamaan na ng sinag ng araw ang balat ko mula sa bintana. Nakita ko na natutulog pa rin si Luxu sa tabi ko.

Tinitigan ko siya at napangiti. Mas lalo ko namang siniksik ang sarili ko sa kaniya.

"Little lady, stop that." Rinig kong bulong niya at pinaharap niya ko sa kaniya. Nakita ko na nakakunot ang noo niya.

"Good morning, Luxu." Nakangiting bati ko sa kaniya at hinalikan niya ko sa noo. "Good morning, little lady." Bati niya rin.

Humiwalay na ko mula sa kaniya at tumayo na mula sa kama. Tumalikod ako mula sa kaniya at naglakad na papunta sa cabinet.

Nakahubad pa rin ako pero hindi ko na tinakpan ang katawan ko dahil sa nakita na rin naman niya 'to eh.

Pagkakuha ko ng damit mula sa cabinet ay hindi ko sinasadiyang mapatingin sa direksyon ni Luxu at namula ako dahil sa nakita ko.

Kahit na nakatakip ng kumot 'yung katawan niya ay nakita kong bakat pa rin ang ano niya at parang nakatayo 'to. Nakatingin din siya ng todo sa diteksyon ko.

Agad-agad akong pumasok sa loob ng C.R at naligo na.

~~

Nalalakad kaming dalawa ni Luxu papuntang school. Kanina ko pa nararamdaman na para bang may nasunod sa'ming dalawa.

"Luxu, nararamdaman mo rin diba? May nasunod sa'ting dalawa." Sabi ko sa kaniya.

Napalingon kaming dalawa sa likod at nay nakita nga kaming tatlong tao do'n. Dalawang babae at isang lalaki. Puro sila duguan. Hindi pala sila tao kundi espirito.

"Tsk. They're here." Rinig kong saad ni Luxu at napatingin sa paligid. Kinuha niya ang kamay ko at hinila na niya ako palayo mula sa lugar na 'yun.

"Sino sila? Bakit tayo natakbo?" Takang tanong ko habang hila-hila niya ko.

"I'm going to take you to safety. I don't want them to hurt you." Sabi naman niya. Isa din ba sila sa mga ginahasa at pinatay niya?

"Luxu, sila ba 'yung mga ginagasa at pinatay mo?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Nang napunta na kami sa isang eskinita ay napahinto kami dahil sa wala na kaming madadaanan pa. Napatingin ako sa likod ko at nakita kong nakahabol na 'yung tatlong espirito mula sa'min.

"Stay back, little lady. I'll handle them." Sabi niya at pinasandal niya ko sa pader. Lumayo siya ng onti mula sa'kin at tumingin sa kanila.

"Luxu, ingat ka." Sabi ko at tumango siya. Nakita ko naman na masamang tumingin 'yung tatlong espirito kay Luxu.

"Ikaw ang pumatay sa'kin! Hindi ako titigil hangga't kita napapatay!" Galit na saad no'ng lalaki kay Luxu.

"Ikaw ang gumahasa sa'kin kahit na maayos ako magdamit. Sinira mo ang buhay ko! Namuhay ako sa kahihiyan nang dahil sa ginawa mo!" Sigaw naman no'ng babae.

"Ikaw din ang gumahasa sa'kin! Dahil sa'yo ay nabuntis ako at pinalayas ng mga magulang ko! Dahil sa'yo ay pinatay ko ang sarili ko!" Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya.

Kahit na sabihin ni Luxu na nagbabayad siya dahil sa kasalanan niya ay alam kong hindi sapat 'yun para sa kanila.

Buhay ang nawala at nasira kaya buhay din ang kapalit. Alam kong hindi sila makikinig sa'kin o kaya kay Luxu pero hindi ko rin naman sila masisisi kung galit sila sa kaniya.

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon