Chapter 11.

845 17 0
                                    

Date Published: June 15, 2017
Date Re-Published: March 8, 2020

CHAPTER 11.

THIRD PERSON'S POV

Nandito sila Triaus at Esidia sa isang bahagi ng sementeryo at naghahanap ng mga kaluluwa.

Marami na sila napapirmahang kaluluwa kaya tuwang-tuwa sila. "Marami na tayo napapirmahan pero marami pa ring mga blanko." Sabi ni Traius.

May nakita silang batang babae kaya nilapitan nila ito. Napatingin sa kanilang dalawa 'yung bata at pumantay sila dito.

"Hello baby girl. Pakipirmahan naman 'to oh." Umiling 'yung batang babae at tumingin sa paligid.

"Pakihanap po muna 'yung teddy bear ko. Ayoko po kasing pumunta sa dapat kong puntahan nang wala 'yun eh." Malungkot na saad ng batang babae.

Nagkatinginan naman silang dalawa at tumango. Tumayo na si Esidia at hinanap na 'yung teddy bear. Napatingin din si Traius sa paligid para tumulong maghanap.

"Tri, nakita ko na 'yung teddy bear. Nasa puno." Sabi ni Esidia at inakyat niya 'yung puno. Nang nakuha na niya 'yun ay agad niyang binigay 'yun sa batang babae.

Niyakap 'yung ng batang babae napangiti ng matamis. "Bigay po kasi sa'kin 'to ni mommy bago po ako mamatay eh." Malungkot niyang saad.

Kinuha na ng batang babae 'yung pen at ang log book at pumirma. May lumabas na liwanag at kumaway siya kanila Traius.

Kumaway naman sila pabalik sa bata at nawala na ang liwanag. "Sana hindi ko makita 'yung kapatid ko sa mga ganitong pagkakataon." Sabi ni Traius.

"Sana hindi ko rin makita sila mommy. Kasalanan namin kung bakit pati sila nadamay eh." Hinawakan naman ni Traius si Esidia sa balikat nito.

"Hula ko naman hindi nila kayo sinisisi sa mga nangyari eh." Sabi ni Traius.

"Sana nga lang." Sabi ni Esidia at naglakad na siya paalis.

***

Nandito naman sa isang bahagi ng sementeryo sila Tony at Dex na punong-puno ng mga bulaklak ang mga puntod.

"Halatang laging binibisita 'to ah." Sabi ni Dex at lumapit sa isang puntod. Hinawakan niya 'yung puntod at ngumiti ng mapait.

"Dito pala siya nakalibing." Sabi ni Tony nang nakita niya kung kaninong puntod 'yun.

"Dahil sa'kin namatay si mommy. Sana hindi na lang niya ko pinanganak." Tumulo ang luha ang Dex.

May yumakap kay Dex mula sa likod at nakita niya ang kanyang ina. Nginitian siya nito ng matamis at hinalikan sa noo.

"Masaya akong lumaki ka ng maayos anak." Nakangiting saad ng ina ni Dex sa kaniya. Pinunasan niya ang mga luha ni Dex na sunod-sunod ang bagsak.

"H-hindi po ba kayo nagsisisi na pinanganak niyo ko?" Naiyak na tanong ni Dex at umiling sa kaniya ang kaniyang ina.

"Hindi ko pinagsisihan 'yun anak. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita anak." Niyakap siya ng kaniyang ina ng mahigpit.

"Dapat sinama niyo na lang ako sa inyo. Hindi naman po ako inalagaan nila daddy eh. Hindi naman po ako minahal ni daddy bilang anak niya." - Dex.

"Hindi pwede 'yun anak. Gusto kong mabuhay ka. Gusto kong makita mo ang ganda ng mundo kahit na wala ako. Kahit na hindi mo ko nakikita."

"Pero-"

"Nandito lang ako lagi. Laging nakatingin sa'yo. Lagi kang pinapanood. Hindi mo man ako nakikita pero nadito lang ako lagi sa'yo at kasama mo." At tinuro niya ang bandang dibdib ni Dex.

"Kayo na ang bahala sa anak ko. Alagaan niyo siya." Sabi niya at kinuha na niya ang log book mula kay Tony.

Pagkapirma niya dito ay may lumabas ng liwanag at bago siya pumunta do'n ay niyakap niya ulit si Dex ng mahigpit.

"Bumisita ka naman kahit minsan dito anak. Nalulungkot ako kapag hindi ka nabisita." Tumango-tango si Dex at nawala na ang kaniyang ina.

Napupo si Dex sa damuhan na nasa tabi ng puntod ng kaniyang ina. Tumabi naman sa kaniya si Tony at sinamahan ang kaniyang kaibigan.

***

Nandito naman sila Luxu at Sophie na magkahawak kamay. Marami na rin silang napapapirmahan sa log book,

"Wala na ata Luxu. 'Yung iba ata ay hindi dito nakalibing." Sabi ni Sophie nang wala na siyang nakikitang mga kaluluwa.

"Okay. Lets call it a day." Sagot naman ni Luxu at pagkalingon nila ay nagulat sila nang may nakita silang isang lalaki na masamang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mukha siyang delikado, Luxu." Sabi ni Sophie. Nakatitig lang si Luxu do'n sa lalaki at inaalala niya kung saan niya nakita 'yung lalaki.

"You're..."

"You're that guy that I killed before." Sabi ni Luxu. Nagulat naman si Sophie dahil do'n.

"Ikaw ang pumatay sa'kin kaya ngayon ikaw naman ang papatayin ko." Sabi ng lalaki at sinugod niya si Luxu.

Tinulak ni Luxu si Sophie palayo mula sa kaniya. Napaupo naman si Sophie sa damuhan dahil do'n.

Sinipa ni Luxu 'yung lalaki at napaupo ito sa damuhan. Kumuha ito ng isang malaking bato at binato ito kay Luxu. Natamaan siya sa braso nito.

"Luxu!" Nag-aalalang tawag ni Sophie. Napatingin sa direksyon niya ang lalaki at naglakad palapit sa kaniya.

Hindi makatayo mula sa damuhan si Sophie dahil sa sobrang takot. Aapakan na sana ng lalaki si Sophie nang biglang...

"Stop that now!" Malakas na sigaw ni Luxu at naging pula na ang mga mata niya.

Napatigil naman ang lalaki sa balak niya at lumapit sa pwesto niya si Luxu. Iniharap niya sa lalaki ang log book at binigay ang pen.

"Sign this now then go to hell." Mariing saad ni Luxu at agad 'yun ginawa ng lalaki at nawala na ito.

Inalalayang tumayo ni Luxu si Sophie at tinignan kung may galos ba 'to sa katawan. Nang nakita niyang hindi nasaktan si Sophie ay hinila na niya siya paalis mula sa sementeryo.

•••• END OF CHAPTER 11. ••••

The Death Lister (Death Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon