Chapter 7

4.5K 127 9
                                    


Papadilim na ng magising si Adrie, sa mga haplos ng kung sino sa kanyang pisngi, mahapdi ang mga mata nya ng mag mulat at may palagay syang medyo na mamaga ang mga iyon dahil sa pag -iyak nya kanina, may bahagyang kirot din syang na darama sa mga pisngi nya, pero di nya binigyang pansin, sa halip ay nilinga nya ang may-ari ng kamay na kaninay marahang humahaplos sa kanya at natigil lang ng magising sya, it was no other than her mama, na tila biglang na asiwa at...

"A-ahm...S-sorry a -anak h-hindi ko sinasad...."

"N-no, I- I don't want to listen right now, j-just leave me alone, please just go the way you always do!" Umiiling at naiiyak nanamang putol nya sa kung ano pang sasabihin ng mama nya, nakita nyang bumalatay ang sakit sa mukha nito, pero masyado pa syang nasasaktan at nag tatampo dito, tampong hindi lang ang nangyari ngayong araw ang dahilan. 

Hindi man kasi sila close nang ina na kagaya kung paano close dito ang  ate Georgia nya ay nag hahanap parin sya ng kalinga at pagmamahal ng ina, pagkalingang hindi nya na halos na dama at naranasan, mula ng piliin ng mama nya ang manatili dito sa Isla at maiwan sya sa pangangalaga ng mga kapatid. It was only her Papa Jun who truly cares for her, sayang nga lang at maaga itong na wala.

Her Kuya Gabriel tried his best to be the best kuya and father figure to them lalo na sa kanya, pero sadyang iba parin ang pagkalinga ng isang magulang, pagkalingang sabay na naglaho, dahil kahit na ang papa nya lang ang pumanaw, parang pumanaw na rin ang ina, kung presence ang pag uusapan dahil nga sa Isla na ito nag lagi at piniling mamuhay kasama ng lolo nila, na sa kabila ng edad ay nanatiling matikas at nasa wastong kaisipan, kaya kataka-takang kinailangan agad nito ang tulong ng mama nya sa pagpapatakbo ng negosyo. As far as she have seen kasi this past three days ang matanda parin ang nag hahawak ng pera at nag ri rebisa ng mga resibo at iba pang may kinalaman sa negosyo. Mukhang ang mama nya lang ang tumatao at tumatayong kanang kamay, bagay na kaya namang gawin ng ibang taohan.

"A-anak I know nag tatampo ka kay mama, p-pero anak s-sana, paniwalaan mong mahal kita, mahal na mahal." May piyok sa tinig na sabi ni Georgina sa anak na makailang ulit na umiling saka dinampot ang unan at itinakip sa tainga. Tinangka nyang hawakan ang balikat ng anak pero agad itong pumiksi at...

"Please, just leave me alone!" Mahina pero may diing sabi ng dalagang panay ang agos ng luha. Marami syang gustong isumbat sa ina, pero parang wala syang lakas para manumbat ngayon, masyadong mabigat pa ang dibdib nya at parang pinipiga sa ang puso nya sa sobrang tampo at hinanakit, at tila ba pag iyak lang ang kaya nyang gawin.

"I will leave you alone for now anak kung yan ang gusto mo, kasi kahit gusto kong ipaliwanag sayo ang mga bagay bagay, hindi ko pa kayang magpaliwanag, pero sana someday anak kapag kaya ko na, sana pakinggan mo ako at sana maintindihan mo si mama at maunawaan mong, nagawa yon ni mama kasi gustong-gusto nyang isilang ka sa mundo, anak I love you, mahal na mahal kita." Dinig nyang sabi ng mama nya sa basag na tinig bago nya na rinig ang tunog ng papalayong yabag nito.

Impit syang umiyak at ng okay na sya ay sandali nyang nilimi ang mga sinabi ng ina. Na ku curious syang malaman ang ibig nitong sabihin, na mukhang importante, pero sa ngayon parang hindi pa sya handang makinig at hindi nya alam kung maiintindihan nya ang sasabihin ng ina, sana lang pag kaya na ng mama nyang mag sabi ay kaya nya na ring makinig at kaya nya ng tanggapin ang ano mang malalaman nya.

Kalat na ang dilim s silid nya ng mag pasya syang bumangon at buksan ang bedside lamp, saka tumuloy sa banyong nasa mismong silid nya. She was horrified by the sight of her face in the mirror, na mumula ang mga mata nyang magang-maga sa pag iyak at bahagya ng nag kulay ube ang magkabila nyang pisngi, may matingkad ng lang iyong tinamaan ng sampal ng lolo nya. Na iyak nanaman sya, sa sobrang inis, first time nyang magka ganito, at naiinis syang isipin na ganon-ganon lang nasira ang maganda nyang mukha na kung ilang taon nyang inalagaan at ginagamitan ng hindi basta-bastang skin care products na ino order nya pa sa kaibigan nyang nag papa order ng high end korean skin care.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon