"Oh my god Boss anong nangyari sayo? Bakit na walan ka daw ng malay at hindi maka hinga?" Alalang -alala na sabi ni Liezel na mabilis syang nilapitan at akmang pag sa sasalatin sya ng itaas nya ang mga kamay at...
"Stop! Stop Liezel! I'm fine, so please umalis ka na, I don't need you here, baka pumunta dito si Adrianna madatnan ka pa." Ma agap nyang sabi.
"Asa ka pre?!" Si Vince, tinapunan nya ito ng masamang tingin saka ibinalik ang mga mata kay Liezel na naka ngiti na akala mo hindi nya ito ipinagtatabuyan.
"Please lang Liezel umalis ka na, wag mo ng palalain yong problemang binigay mo sakin, at kung pwede rin sana wag mo akong lalapitan o kakausapin pag nasa paligid si Adrianna o kahit wala sya dahil kahit anong gawin mo walang tayo at hindi magiging tayo." Seryoso ang tinig na sabi ng binata.
"P-palagay mo ganon-ganon na lang yon?! Hahayaan na kita ganon?! Hindi Enzo! Hindi ako papayag na mapunta ka sa Adrianna na yon na ubod ng arte at lalong-lalo naman sa bruhang Janelle na yon na ubod ng landi!" Mataas ang boses na sabi ni Liezel sabay duro sa binata.
"Sa ayaw at sa gusto mo Liezel walang tayo at kung palagay mo naging tayo pwes tinatapos ko na, o mas tamang sabihing tinapos ko na noon pa sa tagaytay, kaya please lang wag na wag kang nang mag habol, wag ka ng mang gulo, dahil sobra-sobra na ang gulong dinala mo sa buhay ko!" Anang binata pagka tabig sa kamay ni Liezel na dumuduro sa kanya.
"Hindi Enzo! Hindi ako kundi ang Adriannang yon ang nagdala ng gulo sa buhay mo, sa buhay ko, sa buhay natin! Hindi ba ng dumating lang naman sya saka ka nag ka ganito sakin? Hindi ba dati sakin ka lang naman? Tapos ano? diba dumating sya at ginulo nya lahat! Tinataboy mo na ko na para bang wala tayong pinag samahan! Tapos tinaboy ka lang nya, don ka naman sa Janelle na yon na malandi pumunta eh pera lang naman ang habol non sayo, gusto ka lang nya gamitin para maka sakay din sya sa barko! Tapos ano? Iiwan ka rin nya! Pero ako! Ako Enzo! Ilang sakay at ilang baba mo ng barko, pero nandito lang ako! Nandito lang ako para sayo, nag hihintay sayo! Tapos ngayon ganyan ka?! Wala kang paki alam sakin? Sinasaktan mo ako tapos ganon ganon na lang yon?! " Napa hagulhol na hiyaw ni Liezel, napa isuklay nya ang mga daliri sa sobrang frustration, pano nya ba kasi ipapaliwanag dito na wala lang sa kanya yong naging relasyon nila, na akala nya she's just after the fun and the imported goods na ibinibigay nya, na akala nya okay lang sila, no string attach, come and go, ganon lang.
"Mahal na mahal kita eh! Kaya nag hintay ako sayo, kaya sumugal ako sayo! Kaya umasa ako! Tapos ganito? Ganito na lang? Iiwanan mo ako? Ipag papalit mo ko sa iba?! Boss naman! Ako na lang! Ako na lang kasi ang mahalin mo! Buntis na si Adrianna, may asawa ng iba! Hindi na kayo pwede! Ako malaya ako walang sabit!" Muling palahaw ni Liezel na pilit syang niyayakap, pero iniiiwas nya ang sarili at...
"Yon na nga Liezel Eh, akala mo ikaw lang ang nasasaktan, pero alam mo ba? Mas doble ang sakit sakin kasi, may asawa na si Adrianna, buntis na si Adrianna! Pero alam mo ba ha?! Na kung hindi dahil sayo hindi sya mag papakasal sa iba! Na ako! ako sana ang nag aalaga sa kanila ng anak ko! Pero hindi Eh, dahil sayo nag pakasal sya sa iba at pinaako nya sa iba ang anak ko!" Bakas ang sakit sa tinig at galit sa mga matang sabi nya kay Liezel na natulala sa narinig, sabay tulak nya dito, dahilan para muntikan na itong ma tumba sa sahig kung hindi na salo ni Jack.
"So now what?! Masaya ka bang malaman na nasasaktan din ako? Na pamilyang pangarap ko, wala ng pag asang mabuo? Na may anak ako sa babaing mahal ko pero hindi ko pwedeng ariin?!" Pilit pinipigil ang pagka basag ng tinig na sabi nya.
"P-pwede pa namang mabuo yong pangarap mong pamilya, nan dito naman ako Eh, ako! Buntisin mo ako, kahit ilang anak ibibigay ko sayo! Kahit pag buntis ako kay Janelle ka wala akong paki alam! Basta wag ka lang mawala sakin, basta sakin ka parin uuwi, please ako na Lang!" Tuluyang humulagpos sa sahig na pag mamaka awa ni Liezel pero hindi na sya sumagot, umiling na lang sya.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...