It's been three days ng dumating sya at hanggang ngayon ay hindi pa sya nakakalabas ng bahay, hindi sya pinapayagang lumabas ng lolo nya. At na iirita syang kulang na lang ay sundan sya nito sa lahat ng sulok ng bahay. Hindi pa man ay ayaw nya na agad sa lugar na ito. Gustong-gusto nya nang matapos ang eleksyon, na sa malas ay na postpone pa sa bayan nila. Nagka problema daw kasi sa mga picos machine kaya pagkatapos na ng mga eleksyon sa karatig isla saka pa lang ang botohan sa Zaragoza dahil hihiramin ang picos machine galing sa karatig isla.Kinausap nya ang mama nya na kung maari ay payagan syang makapag ikot-ikot pero agad na kinontra ng lolo nya, ni hindi nya pa na kakausap ang kuya Gabriel nya, na ewan kung sadyang busy sa klinika nito o iniiwasang puntahan sya sa bahay ng lolo nila. Ni hindi nya alam na hindi na pala nakatira sa malaking bahay ang kapatid, kundi sa kabilang baranggay daw na kung tawagin ay Baranggay aplaya.
"Georgina, sabihan mo nga iyang anak mong mag ayos mamayang gabi at parating ang pamilya ni pareng Afonso at dito mag hahapunan." Dinig nyang utos ng lolo nya sa mama nya.
"Opo papa." Dinig nyang sagot ng ina.
"Sabihan mo ring magsoot ng pormal na damit, hindi yang mga damit nyang kita na ang kaluluwa!" May bagsik sa tinig na dagdag pa ng matanda, as expected opo papa lang ang sagot ng mama nya. Na iiritang lumapit sya sa dalawa.
"What's wrong with my clothes? Everyone in Manila wears this kinds of clothing lolo." Aniya bago pa sya sitahin ng matanda sa soot nyang maiksing shorts at cut off blouse.
"Sa Maynila iyon at hindi dito, may bisita sa hapunan at ayaw kong makitang ganyan ang soot mo!" Mabilis na sagot ng matanda.
"What do you want mo to wear? Gown?!" Inis na tanong nya.
"Ayos -ayusin mo ang tono ng pananalita mo kung ayaw mong samain ka sa akin!" Anang matanda na bahagya syang dinuro saka tumayo sa silya nitong tumba-tumba at binalingan ang mama nya.
"Pag sabihan mo yang anak mo Georgina kung ayaw mong pareho kayong samain sa akin!" Baling nito sa mama nya, bago sila tinalikuran.
"Opo papa!" Mabilis na sagot ng mama nya kahit tumalikod na ang matanda.
"Why do I have to be here ba mama? Why do I have this feeling na there's something fishy going on in here?" Agad nyang tanong sa ina.
"W-what do you mean anak?" Mabilis na tanong ng mama nya, na ewan kung guni-guni nya lang pero tila may takot syang n banaag sa mga mata.
"Why do I have this feeling na may tinatago kayo ni lolo sakin? And why do I have to stay here like a prisoner? Kung alam ko lang I shoud have not make punta here, it feels like jail cells in here, I felt trapped!" Derektang sabi nya sa mama nya.
"Please anak, wag ka na lang magtanong, I'm sorry pero di ko pa kayang ipaliwanag sayo ngayon, just say yes to your lolo para walang gulo." Nag yuko ng ulong sabi ni Georgina, lalo tuloy tumindi ang hinala nyang may hindi magandang mangyayari mamaya.
"Why would I say yes? What if he would make me marry someone na pala? It's my life and I can't just let anybody ruin it!" Padabog na sabi nya, na pa ubo si Georgina.
"No wonder ate Georgia doent want to get home while lolo is still alive." Dagdag nya pa.
"What do you mean anak?" Na baghang tanong ni Georgina
"Ate said she will not come home while that old man is alive, no matter how much she misses you and now I understand her, it's hell to have a vacation in here, I rather go home to Manila!" Naka simangot na sagot nya.
"Don't say that, hindi nyo ba na mimiss ang mama? Ako anak miss na miss ko kayo, kaya lang wala akong magawa kasi nandito na ang buhay ko." May lungkot sa tinig na sabi ng mama nya.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...