It took a while bago tuluyang tumigil sa pag iyak si Adrianna, matapos kasi nito mag kwento ay umiyak nanaman ito ng umiyak. Malamang nga kung hindi nag umpisang dumilim at hindi ito natakot sa huni mga kuliglig ay wala pa itong balak tumigil sa pag-iyak at malamang hindi pa sana sila makaka uwi. Pero may palagay ang binatang hindi pa tapos ang iyakan, dahil pag hinto pa lang nila sa bakuran ng lumang bahay nila ay na datnan na nilang nag hihintay ang mama ng dalaga at ang kuya Gabriel nito habang kausap ng Tatay nya at ng mag asawa ng ate Vera nya. Isang tingin nya lang sa mama ng dalaga ay alam nya nang galing rin ito sa pag iyak. Akmang aalalayan nya para maka baba ang dalaga ng umiling ito at...
"Please, Enzo take me away from here, I don't care if we stay all night don sa may pond, basta not here lang." Bakas ang pag susumamo sa tinig na sabi ng dalagang mahigpit na yumakap sa likod nya at ayaw bumaba.
"Are you sure? Kahit may kuwaw don saka maraming lamok?" Pilit hinaluan ng pag bibiro ang tonong tanong nya.
"Yes! Anywhere basta you're with me lang!" Mabilis na sagot ng dalaga na kung sa iba-ibang pagkakataon ay baka kinilig sya.
"Adrie anak, I know galit ka kay mama, pero anak please hayaan mo naman akong mag paliwanag." Anang mama ng dalaga na nag tangkang lumapit.
"Please, please Enzo t-take me away from here, kahit saan basta far, far away from here." Nag sumiksik ang mukha sa likod nyang hiling ng dalaga.
"Please Enzo, wag mong ilayo sakin ang anak ko, kahit ngayon lang." Nag susumamo ring usal ni Georgina sabay hawak sa braso ng binata. Na hahati sya sa dalawang babae at di sya makapag desisyon kung sino ang susundin, kaya di nya magawang sumagot.
"Adrie anak, please hayaan mong mag paliwanag si mama, hindi na mag sisinungaling si mama anak, sasabihin ko na lahat, lahat -lahat! Makinig ka lang sakin please!" Muling pag susumamo ni Georgina na hinawakan si Adrie pero mabilis na pumiksi ang dalaga at bumaba ng motorsiklo at...
"No! D-don't touch me! Nan didiri ako sayo!" Anito kasabay ng mabilis na pag atras.
"Adrie, baby please..."
"Adrianna Marie! Don't you say that to mama, hindi kita pinalaking ganyan!" Malakas na sabi ni Gabriel na mabilis na lumapit sa dalaga at akmang sa sampalin ito pero mabilis na niyakap ni Enzo ang biglang na hintakutan at Napa hikbi nanamang dalaga at..
"Gabriel anak huwag!" Hiyaw ni Georgina kasabay ng..
"Touch her and you're dead!" Hiyaw naman ni Enzo.
"It's a family matter, kaya wag kang makiki alam!" Sabi ni Gabriel na bakas ang galit sa tinig, habang mabilis naman itong niyakap ng ina.
"Siguro nga doktor, pero ang saktan sya o tangkain man lang ay ibang usapan na!" Galit na rin ang tinig na sagot ng binata.
"Stop pretending na pinoprotektahan mo ang kapatid ko! Dahil alam ko at alam mo kung anong tunay na relasyon nyong dalawa at sinamantala mo lang ang kahinaan nya! Kaya wag kang makiki alam dito!" Galit na sabi ni Gabriel na dinuro pa ang binata.
"Ikaw ang dapat tumigil sa pag kukunyaring pinoprotektahan mo sya! Dahil kahit saang anggolo tignan ang mama mo lang ang pinoprotektahan mo! Ang reputasyon mo bilang doktor! Dahil kung talagang pinoprotektahan mo si Adrianna , hindi mo sana sya pina uwi dito, para ipakasal sa unang lalaking mam blackmail sa inyo na ikakalat ang baho ng pamilya nyo!" Balik ni Enzo kay Gabriel at dinuro din ito, sumingasing sa galit ang doktor at mabilis na kumawala sa yakap ng ina at umakmang susugurin ang binata pero maagap itong napigilan ni Victor saka...
"Tumigil kayong dalawa! Talo nyo pa ang mga hindi edukadong tao!" Bulyaw nito sa dalawa.
"Enzo pakiusap lang, hayaan mo muna silang mag -usap nang matapos na ito at ikaw naman Gabriel, ka lalaki mong tao, mananakit ka ng babae, hindi pa ba sapat na kung ilang araw ring nag kulay ube yang mukha ng kapatid mo dahil sa pananakit ni tiyo Ismael kaya gusto mo pang ulitin?!" Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...