Nang maka alis si Gavin ay nag si panhik sa itaas ang mga kapamilya at mag papahinga daw, naiwan syang naktulala sa pinanonood sa TV na hindi nya naman na iintindihan kasi wala doon ang isip nya. She tried her best to act okay sa harap ng lahat kanina pero deep inside gusto nyang umiyak at mag sumbong sa kuya nya, dangan nga lang at iniisip nyang baka sumulpot nanaman si Enzo at mag pang abot ang dalawa, mag kakagulo nanaman at sobrang nakakahiya na sa mga kapit bahay.
Nang tuluyang mabagot ay naisipan nyang mag handa na lang ng snack, she'll cook Nacho's ang paborito ng kuya nya, balak nyang ayaing mag Videoke ang hipag nya then they would test Popsy's shisha and maybe some beers. Inilagay nya sa kitchen counter ang lahat ng kakailanganin nya sa pag luluto , saka inumpisahang I chop ang mga dapat I chop, saktong hinihiwa nya ang sibuyas ng maalala nya nanaman ang nakita nyang itsura ni Enzo at ng babae sa picture, noong una iniisip nyang mukha ni Enzo at ng babae ang hinihiwa nya, nang gi gigil sya at ewan nya kung dahil sibuyas ang hinihiwa nya kaya sya na luluha o dahil sadyang naiiyak sya dahil sa kataksilan ng binata. Tuminga sya ng bahagya at ilang ulit na ikinurap kurap ang mga mata para pigilin ang akmang pag tulo ng luha nya, pero tumulo parin kaya pa piksi nyang pinunasan gamit ang mangas ng t-shirt nya ng...
"May problema ka ba anak?" Masuyong tanong ng mama nyang hindi nya namalayang sumulpot sa tabi nya, marahan syang umiling at saka ...
"N-nothing ma, I'm fine it's just the onion." Sagot nyang hindi nag abalang sulyapan ang ina, ayaw nya kasing mahalata nitong hindi lang talaga gawa ng sibuyas kaya sya na iiyak.
"Are you sure?" Muling tanong nito sa masuyo paring tono at bahagya pang hinaplos ang likod nya, na pa hinga sya sa bibig, sa pag pipigil na huwag panikipan ng dibdib at mapaiyak ng tuluyan. Tumango na lang sya at muling pinunas ng manggas ng soot na damit ang sulok ng mga mata saka kagat labing ipinag patuloy ang pag hihiwa ng sibuyas.
"Okay, but you know what anak? When you need someone to talk to, I'm just here okay?" Ani Georgina saka marahan syang niyakap, buti na nga lang at saglit lang dahil agad itong nag paalam na papanhik na ulit sa itaas, dahil kung hindi, konting konti na lang at hahagolhol na sya ng iyak. Nang maka alis ang ina ay pasinghot-singhot na ipinag patuloy nya ang ginagawa, salamat na lang naka tulog na yata ang mga kasama dahil wala ng naka kita sa impit nyang pag-iyak.
Pahapon na ng bumaba ang mga kasama nya sa bahay, nagawa nya na uling mag refresh at ayusin ang sarili at dahil medyo na mumogto parin ang mga mata ay bongga ang eye make up na ginamit nya saka nag soot na faux reading glasses, pa smart effect lang at panakip sa mga mata. Mukhang okay naman dahil hindi na sya kinulit ng mga kasama, sa halip nag house party sila at nag kantahan at nag sayawan, for a moment na wala ang kirot sa dibdib nya.
Nang matapos ang kasiyahan ay nakatulog din sya agad, salamat sa Chivas ni Popsy na isa-isang shot lang daw pero na ubos nilang inuming mag anak, maging ang shisha na bad for their health daw ay lahat rin nila sinampol, sabi nga ng matanda hinding-hindi na ito mananabako.
Kinabukasan, pag gising nya naka handa na ang almusal at sabay-sabay silang nag almusal na mag-anak, at matapos kumain at mag handa ng lahat ay sinundo sila ng Family Van ng tita Gianna nya, wala kasi silang sa sakyan, i binenta na kasi ng kuya Gabriel nya ang luma nitong kotse na service nito noong intern doctor palang ito, nang mag lagi kasi ito sa isla ay natakot itong magmaneho sya at madisgrasya kaya ayon, binenta nito ang sasakyan.
Business ng tita Gianna nya ang magparenta ng family vans at may prangkisa ang mga ito ng UVExpress kaya madali lang sakanila makahanap ng sasakyan pag kailangan nila at may driver pa. Una silang dinala ng driver sa spa, at nag pa spa silang lahat, nang matapos ay reklamo ng reklamo si Ismael, imbes na ma relax daw ito ay lalong na nakit ang mga buto-buto nito at kalamnan, bagay na normal kung first time mag pa spa, masahe, sauna at jacuzzi.
Pagka galing sa spa ay sa restaurant sa loob ng isang magarang hotel sila tumuloy at na nanghalian buffet style kasama ng driver, tuwang-tuwa ito at ang matanda, bongga daw sa sarap ang pagkain, kahit si Alyana na nahihiya pa noong una ay nag enjoy din ng husto kalaonan. Matapos kumain ay sa mall naman sila nag ikot ka buntot ang driver, tuluyang nakalimutan ng dalaga ang sakit sa dibdib, lalo pat lahat ng ituro nya ay kinukuha at binibili ng ama, sabi tuloy ng kuya nya, hindi pa man sila nakaka rating sa hongkong ay siguradong bangkarote na ang wallet ng matanda. Mukhang Christmas tree tuloy ang driver ng bumalik sa sasakyan at ihatid ang pinamili.
Nag snack sila pagbalik ng driver at matapos ay sama-samang na nood ng sine, at dahil gabi na rin naman, sabay-sabay na rin silang nag dinner sa isang kilalang steakhouse na malapit lang sa mall. Di nya napigilan ang pag bungisngis ng mag reklamo si Ismael na hilaw pa at dumudugo ang steak nito, na sya rin palang concern ni Alyana. Dahil tawa sya ng tawa ang mama nya na ang nag paliwanag na normal lang na i serve ang steak ng may dugo at mapula pa, unless you stated na you want it cooked well done. Lalo syang na tawa ng...
"Akala ko rin po maam ay hilaw at madugo pa Eh, na unahan laang ako ni sir mag reklamo." Nahihiyang sabi ng Driver.
Ipina well done na lang nila ang luto, gaya gaya kasi sa order nya kanina kaya ayan lahata palpak.Nang ibalik na ang mga pagkain sa mesa ay masaya silang nag kainan, dami kasing kwentong katatawanan ni kuyang driver kaya naka survive din sya ng dinner ng hindi inaalala ang sakit na dulot ni Enzo sa puso nya. Pagkatapos ng dinner ay nag si uwi na rin sila, kailangan pa kasi nilang mag empake dahil maaga ang alis nila bukas ng umaga, they will be going on a three weeks asian tour, from Singapore to Malaysia, to Indonesia to Thailand, to Vietnam, Laos, and lastly hongkong. They will be meeting her ate Georgia and her husband somewhere at mukhang ang kuya Thirdy nya lang ang hindi kasama.
Samantala, nang maka alis si Enzo sa harapan ng bahayand ng mga Zaragoza sa Katipunan ay tuloy-tuloy syang umuwi sa condo nya at tuloy -tuloy sa mini bar na kumuha ng isang baso at pinuno iyon ng mamahaling whisky na bili nya sa duty free at parang tubig iyong ininom at sinundan pa ng isa pa at isa pa. Nang maubos nya ay bahagyang hilong naipilig nya ang ulo dahil parang nag dadalawa na ang tingin nya, gayon pa man hindi noon na pigil na tumagay pa sya sya ng ika apat pero hindi nya na ininom na tulad ng tatlong na una.
Sa halip, bitbit ang basong pasuray syang nag lakad patungo sa sofa at na upo doon, wala sa sariling naka tanaw sya sa kawalan at nag iisip kung paano pa aamuin ulit ang dalaga ng maisip nyang tawagan si Liezel. Pero ang pesteng babae ni hindi sinagot ang tawag nya, bwesit na bwesit na napa mura sya ng malakas.
Kinabuksan, naisip nyang puntahan ulit ang bahay ng mga Zaragoza pero naka ilang doorbell na sya ay walang nag bubukas, na panis na rin, sya sa pag hihintay pero wala ring lumalabas. Nang gumabi na at wala parin ay naisipan nyang umalis na may bukas pa naman sa loob-loob nya, kaso pag balik nya kina bukasan, inulan na sya't lahat ay wala paring nag bubukas sa kanya.
Isang linggo pa ang nag daan bago nya naisipang tawagan si Noel at sa kaibigan nya na lamang nasa ibang bansa at nag to tour ang mag anak, hindi naman nito alam kung kelan ang uwi dahil wala naman daw sinabi, kaya ang nangyari araw-araw syang nag aabang sa pag dating ng mga ito pero wala ring nangyari, na pagod sya kahihintay pero walang dumarating hanggang sa maisip nyang sumuko pansamantala at umuwi sa isla matapos ang dalawang linggong pag aabang.
Naisip nyang babalik na lang sya sa Maynila kapag umuwi na sa Isla ang pamilya ng dalaga, kaso dalawang linggong kabagot-bagot pa ang nag daan at wala parin ang mga ito, hanggang isang hapon ay dumating rin sa wakas ang pamilya ng dalaga, saka naman sya sumalisi at umuwi ng Maynila, only to find Adrianna in the arms of another man, at nang buhatin ito ng lalaki ay todo ang tili nito papasok ng bahay, if only he could climb up the gate he would, para durugin ang mukha ng gagong lalaking tangay tangay ang nag iisang babaing minahal nya ng tunay.
Nang umuwi sya sa condo nya ay nilunod nya ang sarili sa alak at hindi sya tumigil hanggat hindi sya lupaypay sa kalasingan. Kinabukasan ay alak ulit ang hinarap nya , pero bigla nyang naisipang puntahan ulit ang dalaga, nag hihiyaw sya sa labas ng gate at kinalampag-iyon ng kinalampag, hanggang sa labasin sya ng lalaking nakita nyang ka lambutsingan ng dalaga. The man beat him out of his wits and told him never to bother Adrianna again dahil kasal na daw ang mga ito.
Kaya nya ang sakit ng pambobogbog na inabot nya sa lalaki pero hindi nya kinaya ang sakit ng kaalamang kasal na si Adrianna sa lalaki. Para syang baliw na nag hihiyaw sa labas ng bahay ng mga ito at pinag kakalampag nya ang gate at inubos ang natitira nyang lakas doon, pero ni dulo ng buhok ni Adrianna ay hindi nya nakita, hanggang sa sunduin sya ng mga baranggay tanod at itapon sa selda sa loob ng magdamag.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...