It's been four days since that morning and everyone noticed that there's something going on between the two, hindi dahil awkward sila sa isat-isa kundi dahil sa mayat-mayang pag susulyapan at palitan ng ngiti na tila ba may ibang kahulugan. Bagay na hindi lang mga kapatid at pamangkin ni Enzo ang naka pansin kundi maging si Noel na madalas pumunta sa kanila, pero hindi ito nag salita at pasimple lang na minasdan ang kilos ng dalawa.
Kung ano man kasing nangyayari ay wala na syang paki alam, pareho namang nasa tamang edad na ang dalawa at sa nakikita nya naman ay mukhang wala ng masama kung matuloy sa tutuhanan ang pag papanggap ng dalawa. Kilala nya naman si Enzo at kahit may pagka palikero ay alam nya namang tapat kapag nag seryos. At kahit hindi nya naman kadugo ang dalaga ay mas panatag ang loob nya kung ang kaibigan ang makakatuluyan nito kesa kay Sanjo na sya sanang pakakasalan ng dalaga.
Naka usap nya na ang mama ng dalaga at kaya sya madalas kina Enzo dahil sa pakiusap nitong tignan-tignan nya ang dalaga. Hindi kasi maka punta si Georgina para sya na mismo ang tumingin dahil wala pa rin syang mukhang maiharap sa lahat, bukod sa kailangang lagi syang nasa tabi ng matandang Zaragoza. Hindi man sang ayon si Noel sa mga nangyayari ay alam nya kung saan sya lulugar sa buhay ng mga taong hindi nya lang amo, kundi para na ring pamilya, pamilyang pinagkakautangan nya ng loob at buong katapatang pinag lilingkuran.
"Pare, may ipapakiusap sana ako sayo." Isang hapon ay sabi sa kanya ni Enzo ng puntahan sya nito sa kanila.
"Pakiusap? Na ano naman?" Kunot noong tanong nya.
"A-ano, ano kasi pare.." Parang na hihiyang umpisa ng kaibigan saka bahagya pang nag kamot ng batok.
"Ano nga?" Untag nya.
"P-pwede bang mahiram yong isa sa mga bangka mo?" May nahihiyang ngiti sa labi na sabi ni Enzo.
"Bangka ko? Gago! Kay boss Ismael ka mag sabi!" Tanggi nya kunwari.
"Kung pwede lang ba bakit hindi? Pero hindi pwede eh." Si Enzo
"A anhin mo ba?" Si Noel na puno ng kuyosidad ang mga mata, na pa buga ng hangin ang binata saka...
"G-gusto ko lang sanang i date si Adrianna, yong kami lang, yong medyo romantic, yong basta alam mo na!" Natawa si Noel saka...
"Tinamaan ka ng talaga! In love ka na ano?" Natatawa pa ding sabi nito, nahihiyang tumango sya at..
"Di ko mapigilan, nakaka bakla!" Aniyang idinaan na lang sa biro.
"Nagtapat ka na?" Si Noel.
"Kung pahihiramin mo ako ng bangka di makakapag tapat ako." May ngiti paring sagot nya.
"Ay hala! Kailan ba?" Si Noel ulit.
"Sa susunod na gabi sana kung okay lang sayo?"
"Areglado! Gusto mo palinisan ko pa?" Napa ngiting lalo ang binata.
"Pwede ba?"
"Ay Oo naman! Pero tandaan mo Alonzo Mondragon may utang ka sa akin!" Mabilis na sagot ni Noel.
"Kahit ano basta ikaw!" Sabi naman ng binata sabay akbay sa kaibigan.
"Tatandaan ko yan!" Ani Noel saka ngumiti at may tinanaw sa di kalayuan.
**
Samantala sa bahay ng mga Zaragoza ay panay ang pagtatalo ng mag-inang Georgina at Gabriel. Gusto ng panganay na anak na sunduin sa mga tiyo Victor nya ang kapatid. Nagagalit kasi sya sa mga tsismis na naririnig sa klinika na katabi ng munisipyo tungkol sa kapatid at sa pakikisama nito kay Enzo Mondragon. Bukod sa duda sya sa talagang relasyon ng kapatid sa binata. Kinalkal nya kasi ang mga mensahe sa cellphone ng kapatid at wala naman syang nabasang kahit anong mensahe galing sa binata, kahit nga pangalan at contact number nito ay wala sa cellphone kapatid.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...