Prologue

11.5K 180 14
                                    



Ninoy Aquino International Airport Manila

Nauubusan na ng pasensya sa haba ng pila pa punta sa check in counter si Adrie, kanina pa syang umaga sa airport at sa malas walang upuan, kaya naman ngawit na ngawit na ang mga binti nya sa pagtayo soot ang high heeled stiletto knee high, Christian Loubotin black leather boots nya na ka terno ng maiksing distressed denim shorts nya, white t-shirt at black Moto style leather jacket nya.

Halos tatlong oras syang nag hintay para sa flight kanina, only to be turned down, now halos five hours nanaman syang naka tayo doon at na iinitan dahil sa malas hindi naka aircon ang airport at higit sa lahat walang maupuan kaya, kesa masira ang poise nya sa pag salampak sa sahig ng airport na hindi nya alam kung malinis o madumi, na natili na lang syang naka tayo kahit pa nga masakit sa paa. Dapat kanina pa syang umaga naka lipad pa puntang Paris France, kung saan nag hihintay sa kanya ang ate Georgia nya kasama ng Fiancé nitong si Remmoulde Renee isang french doctor, nurse kasi ang ate nya at pinalad na maka pag trabaho sa France.

Ikakasal ang kapatid nya bukas at dahil hindi makakadalo ang parents nila at mga kuya nila sya na lang ang pina dalo ng kapatid. Pero sa malas hindi sya naka sakay sa eroplanong pa France na umalis five hours ago, fully booked daw at dahil huli syang nag book sya ang hindi naka lipad. According to the personnel at the check in counter its a policy daw ng airline na mag book ng extra ticket o I over book ang eroplano, hoping a passenger will not show up at the last minute so that the extra booked people will get a seat, but it happen today na lahat sumipot kaya dahil na huli syang mag book , na punta sya sa ten percent margin ng chance passenger kahit fully paid na ang ticket nya. So ayon mag hihintay sya kasama ng four others ng next flight na sa malas five hours ng dapat na flight nila. The policy is bullshit pero wala syang magagawa, she could only hope na makalipad sya sa kasunod na flight kasi kung hindi mag hahalo ang balat sa tinalupan.

She saw na open na ang check in counter for the flight to France kaso ihing-ihi na sya, kaya bitbit ang over night bag nya at hila ang di kalakihang luggage bag nya na gumamit sya ng banyo, only to come back na full blast na ang haba ng pila pa check in counter. She approach the check in personnel pero pina balik sya nito sa hulihang pila. Na pahiya at naiinis na pumila sya sa likod. Pero sa malas, usad pagong ang nasa check in counter, kung bakit ba naman kasi sa dami ng counter isa lang ang bukas! Okay lang sana kung hindi pagong ang nasa counter.

Ngawit na ngawit na sya sa pagtayo at iritang irita na sya. She felt someone stood behind her at Ewan nya kung na nanadya dahil na tabig nito ng luggage trolley ang luggage nya, kaya iyon na tumba at dahil busy sa pakikipag landian sa telepono ni hindi pinulot ang luggage nya o nag sorry sa kanya. Inis na niyuko nya ang luggage nya sa sahig at akmang itatayo iyon ng mahinang sumipol ang nasa likuran nya, marahil na bistahan nito ang bilugang pang upo nya sa bahagyang pagtuwad. Agad syang na pa tuwid at saka...

"Bastos!" Gigil na sabi nya saka inirapan ang lalaking ngumisi sa kanya na tila na kaka loko. Imbyernang imbyerna sya sa nasa likuran nya, dumagdag pa sa inis nya sa bagal ng check in personnel..

"Boss! Long time no see! Bilib na talaga ko sayo, ganda ng misis mo ah!" Narinig nyang sabi ng kung sinong bagong dating, the guy behind her laughed.

"Pakilala mo naman kami!" Sabi ng isa pa at sinugandahan ng kung ilan pang bagong dating. Nag bulungan ang mga ito at ng marinig nyang sya ang topic ng usapan ay di maipinta ang mukhang hinarap nya ang mga ito at inirapan ng todo-todo sabay soot ng rayban aviator shades nyang kanina nya pa hawak at balak isuot. Nag halakhakan ang mga lalaki saka may nag sabi ng...

"Pwe! Akala ko babae yon pala binabae!" Sabay halakhak ulit.

Huwat?! Sa ganda nyang mala dyosa na talo pa si paraluman na pagkamalan syang bakla?! Isang malaking insulto iyon sa kagandahan at alindog nya. Kumukulo ang dugo at nang gi gigil na mabilis syang humarap sabay hubad ng shades nya ulit at...

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon