Dalawang gabing puyat sa kaiisip si Enzo kung anong dapat gawin at Thursday morning nat lahat ay wala parin syang maisip na gagawin. Ayaw nya namang komprontahin si Adrianna sa harap ng lahat dahil kahit pa na gagalit sya ay ayaw nya namang mapa hiya ito. Nag dadalawang isip rin naman syang puntahan sa bahay ng mga ito dahil, baka mag pang abot pa sila ng asawa nito, not that he's scared, iniiwasan nya lang na ma stress si Adrianna dahil sabi sa mga na basa nya, bawal daw ma stress ang buntis lalo na sa first trimester ng pag bubuntis nito. Kung i ba base kasi sa nakita nyang pangangayayat ng dalaga ay naisip nyang baka nahihirapan itong mag lihi kaya rin siguro worried na worried yong lalaki. At sa aminin nya man o hindi nag si selos at na iinggit sya sa lalaking yon, iniisip nya kasi na dapat sya ang umaalalay at nag aasikaso sa mag-ina sana nya. At hindi pa man na babaliw syang isipin na lalaki ang anak nyang hindi sya nakikilala. If theres a consolation iyon ay ang ka alamang mukhang tanggap naman nong lalaking hindi ito ang tatay ng bata. Naisip nya tuloy na baka baog yong "guy".
Tensyonado at maaga syang pumasok, pero nagulat sya ng datnang nag hihintay sa kanya ang mga kaibigan nya, at napa kunot noo sya ng makitang lahat may hawak na transparent plastic cups ang apat na lahat may lamang chopped green mangoes with bangoong, habang naka upo sa front row sa harapan ng teacher's desk.
"Bat dito kayo naka pwesto? Eh diba dapat don tayo naka pwesto sa likuran? Saka bat kayo may dalang mangga at kelan pa kayo na hilig dyan?" Kunot noong sunod-sunod na tanong nya.
"Eh diba sabi mo gusto mong malaman kung buntis nga at nag lilihi si "Ano" pero ayaw mong tanungin?" Ani Pol
"Yeah, eh anong connect ng mangga at bagoong?" Clueless na tanong nya, nagka tinginan ang apat saka..
"Minsan ang bobo din nito ni Boss eh no?!" Ani Kiko.
"Sinabi mo pa!" Ani Vince.
"Tang*na nyo! Deretsahin na nga natin, ganito kasi yan tol, ang babaing buntis hindi kayang tiisin ang pangangasim at laging manggang hilaw ang hanap, kaya ito o! I display mo at lantakan mo mamaya habang nag di discuss yong babaing nag iisang sumawi sa puso mo!" Ani Jack.
"Eh pucha ang lansa nyan tol saka allergic ako sa bagoong, gago ba kayo?" Naiiling na bulalas ni Enzo.
"Ala eh hindi na namin problema iyon!" Si Jack ulit.
"Apat na basong lahat may bagoong?! Baka sa ospital ako bumagsak nyan tang*na nyo!" Napa sabunot sa buhok na sabi ng binata.
"Ano ba talaga pre? Gusto mong malaman o hindi?!" Si Pol
"Syempre gusto ko! Pero yong hindi naman ako matitigok pare! Gusto ko pang makita ang anak ko!" Na pa lakas ang boses ni Enzo, na pa ubo si Jack sabay siko sa kanya. Tumingin sya sa gawi ng pinto at nakita nyang patdang naka tayo doon si Adrianna na tila tinakasan ng kulay sa mukha at parang na ngangatal ang mga labi habang naka tingin sa kanya.
"Guten morgen fräulein Zaragoza." Biglang sabi ni Kiko
"A-ahm... Guten Morgen!" Alanganing bati ni Adrie saka nag bawi ng tingin at maingat na humakbang palapit sa mesa at ipinatong doon ang mga dala-dala. Siniko sya ni Jack sabay bulong ng..
"Umpisahan mo ng kumain pre at galingan mo ang ekspresyon ng mukha mo para matakam." Na pa buntong hininga sya saka nag dadalawang isip na dinampot ang basong hawak ni Jack sabay kuha sa stick at tumusok ng isang hiwa at sumubo saka..
"Hmmm ...sarap nitong mangga at bagoong mo pre ha, san nyo ba binili to?" Sabi nyang muntik ng mabulunan. Pigil na pigil naman ang tawa nong apat.
"Dyan lang sa baba pre, sina Pol meron pa o." Si Jack saka...
"Ikaw ma'am gusto mo? Malinis to o, walang bawas." Anitong dinampot ang hawak ni Pol saka umakmang i abot sa dalagang napa lunok, siniko sya ni Jack kaya napilitan syang sumubo ulit kahit sa totoo lang ayaw nya ng sundan yong isinubo nya kanina.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomansaSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...