Nagising si Enzo na masakit ang mukha at kahit may ilaw sa silid ni Adrianna ay halos wala syang makita dahil sa halos sarado na ang isang mata nya at malamang di lang na puruhan ang kabila kaya kahit pano ay medyo mas nakaka kita kesa sa kanang mata nya, pero medyo malabo parin. Masakit din ang ilong nya pero mukhang hindi naman na giba. Nang ngumiwi sya ay humapdi rin ang labi nya, and almost instantly he knew na putok rin iyon. Ganon paman ay okay lang naman ang katawan nya, parang wala naman syang baling ribs o kung ano sa katawan, ang mukha nya lang talaga ang napuruhan.
Kung hindi lang sya na iihi ay wala syang balak na tumayo, at dahil wala sya halos makita ay pinagkakapa nya ang pader hanggang sa ma tantya nyang banyo ang na puntahan nya. Habang na nunubig ay napa sulyap sya sa salamin at sa nanlalabong paningin ay minasdan nya ang sarili at lihim syang na pa mura sa nakitang itsura nya. Tinalo nya pa ang zombie sa lagay ng mukha nya ngayon. Malayong-malayo sa gwapong mukha ng Enzong kilala ng lahat.
Niyuko nya ang sarili dahil na aamoy nya ang malansang dugo na naka kulapol parin sa pantalon nya at sumiim sa panloob, napa iling sya, at naisip nyang , hindi sya uuwi, kisehodang mamaho sya. Kinapa nya ang bulsa ng pantalon at hinanap ang cellphone nya, plano nya kasing tawagan ang isa sa mga kaibigan at mag papahatid sya ng damit, dahil kahit anong mangyari hindi sya uuwi. Kaso kahit anong kapa nya wala syang mahagilap, iritableng lumabas sya ng banyo at kinapa kapa pa balik sa sofa ng makarinig sya ng mahinang tsk...tsk saka..
"Tang*nang itsura mo yan pre! Kung di lang kita na kita kanina malamang napa hiyaw ako sa takot." Kahit di nya masyado ma aninaw na tiyak nyang si Pol ang nag salita. Napa buntong hininga na lang sya.
"Umuwi na ang mga ugok, pero yong bayaw mo, nasalubong ko sa labas may kasamang chick, dinalhan na kita ng damit at puro dugo ka, nasa bag sa kabilang dulo ng sofa, nandyan na rin ang cellphone mo nahulog mo sa sasakyan kanina, dapat mag palit ka na bago ka pa madatnan ng bayaw mo at palayasin ka dito." Ani Pol at ganon nga ang ginawa nya, nag bihis sya agad sa tulong na rin ng kaibigan at bago ito umalis ay pinakain at pina inom pa sya ng gamot na bilin daw ng doctor para sa na mamaga nyang mukha at halos sumarang mga mata, nilubos-lubos nya na ang pagpapatulong, ipina lipat nya ang sofa sa tabi ng kama ng dalaga.
Matapos umalis ni Pol at hindi pa bumabalik ang kuya ng dalaga ay marahan syang lumapit sa gilid ng kama at masuyong kinapa ang impis na tiyan ni Adrie. Na ninikip ang dibdib nyang bigla at na nubig ang mga mata nya sa sayang na raramdaman na masuyo iyong hinaplos-haplos. Hindi nya sukat akalaing magiging tatay sya agad-agad, hindi lang ng isa o dalawa, kundi mukhang tatlo daw yata. Hindi pa sya nasiyahan sa pag haplos, niyuko nya ang tiyan ng dalaga at masuyo iyong hinagkan, sabay bulong ng "I love you little champions!" Nasa ganong ayos sya ng biglang...
"Tang*na mo! Anong ginagawa mo sa kapatid ko ina aswang mo?!" Na pa tumuwid sya ng tayo at na pa iling, hindi na sya sumagot at walang kibong na upo sa sofa na ipina usod nya kay Pol kanina.
"Talagang ang galing mo rin Eh no? Umalis lang akong saglit na I usod mo na agad yang sofa sa tabi ng kama ng kapatid ko, tumayo ka nga dyan at dito ka pumwesto sa upuan dahil kung wala kang balak umalis ako ang matutulog dyan sa sofa!" Naka agsik pang sabi ni Thirdy, gusto nyang umangal pero na nahimik na lang sya at walang imik na tumayo at nangapa pa punta sa single chair, pagka upo nya ay...
"Takpan mo rin yang mukha mo at baka magising ang kapatid ko mamaya ma stress sa takot sayo, mapagkamalan kang aswang, eh madisgrasya ang mga pamangkin ko ng wala sa oras!" Dagdag pa nito, Napa buntong hininga nalang sya at hindi na kumibo, di bale ng pinag susungitan sya at least hindi sya pinapa layas, bulong nya sa isip saka walang imik na isinandig ang ulo sa back rest at itinakip ang braso sa mukha.
Hindi naman sya natulog, pinakikiramdaman nya lang ang paligid, hanggang sa kinataglan ay marinig nya ang mahinang pag hihilik ni Thirdy. Nakiramdam pa sya ng konti at nang matiyak na tulog na ngang talaga ang kapatid ng dalaga ay marahan syang tumayo mula sa kina uupuan at muling lumapit sa higaan ng dalaga. Plano nya lang sana itong hagkan tapos babalik na sya sa upuan nya, kaso ng makapa nyang maluwag pa ang gilid ng kama ay naisipan nyang maupo doon at masyong hinaplos-haplos na muli ang tiyan ng natutulog na dalaga, tinurukan daw kasi ng pampatulog kaninang tulog sya, kasi nagising itong nag papanic sa pag aakalang nakunan ito at nawala na ang anak nila, sabi ni Pol kanina sa kanya kaya siguro hanggang ngayon hindi parin ito na gigising.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...