Kumakalabog ang dibdib at pigil hiningang hinanap nya ang pinagmulan ng tinig, Expecting na si Enzo ang walang ka partner at pigil ang sariling tumakbo, pero ng matagpuan nya ang kapitan na wala raw partner ay talo nya pa ang isdang ibinalik sa tubig at muling naka hinga. Ang kapitan na wala kasing kapartner ay isang lalaking around fifties na at medyo na wawalan na ng buhok. She smiled at the man and asked him kindly to move forward and join her on the table, the man obliged, pero parang gusto nyang pag sisihan ang ginawa dahil kulang na lang hubaran sya nito ng tingin at na aalibadbaran sya sa ngising ibinibigay nito sa kanya, at imbes na ang lesson ang atupagin ay ang pagpapa cute sa kanya ang ginagawa, ganon pa man pinilit nyang maging professional sa pakikiharap sa may edad na kapitan.
At para hindi ito maka halatang gusto nya na agad itong i dispatsa ay ilang ulit muna syang nag tawag ng ilang grupo bago silang dalawa ng kapitan ang sumalang. Mali-mali ang pesteng matanda kasi sa legs nya tumitingin at pigil na pigil syang huwag ma imbyerna. Muli syang naka hinga ng maluwag ng matapos ang role play nila, nag tawag sya ng ibang pangalan pagkatapos at ganon na lang ang gulat nya ng si Enzo ang ka partner ng pangalang na tawag nya. Saktong nag di deliver ng dialogue ang binata ng marahang kumatok si Frank at naka ngiting pumasok bitbit ang biniling pagkain at inumin para sa kanya. Natigilan ang dalawa sa pag bibitiw ng mga dialogue at na pa tingin sa kanya na tinanggap ang ini aabot ng binata, di rin ito nag tagal at tumalikod na pero ng ma alala nyang hindi pa sya nag pa pasalamat ay..
"Frank! Merci beaucoup, et joyeux anniversaire!" Pagpa pasalamat nya dito at bati ng happy birthday.
"Pas de soucis! Vous voir!" Masiglang sabi nito na ibig sabihin ay, no worries, see you! Saka ngumiti pa, hindi lang ang mapupulang labi na parang sa babae kundi pati ang mga mata, sabay kaway. Na pa ngiti rin tuloy ang dalaga at wala sa loob na napa kaway.
"Ang sweet naman ng boyfriend nyo ma'am!" Sabi ng isang estudyante sa unahan, ngumiti lang sya at hindi nag kumento saka..
"I'm sorry about the interruption, please continue mister Ragasa." Aniyang ang kapartner ni Enzo ang ini address.
Saka na sasabik na binuksan ang straw at inilagay sa opening ng takip at takam na takam na sumipsip. At wala syang pake kung masama ang tingin sa kanya ni Enzo, ganado nyang sinipsip ang laman ng cup at ubos na ng ilapag nya iyon. Ni hindi sya nag abalang mag bigay ng komento sa dalawa ng matapos ang mga ito, she called another pair at yong sandwich naman ang planong lantakan kaya lang ng maamoy nya iyon matapos nyang buksan ang take away bag ay bigla syang parang maduduwal.
Tarantang isinara nya ang take away bag at mabilis na hinagilap ang panyo nya at tinakpan ang ilong at bibig para pigilan ang pag duwal. Pero talagang na susuka sya kaya di na nya nagawang mag pa alam, nag tatakbo sya palabas at nagawa nya pa namang maka rating sa restroom para doon iluwa ang laman ng sikmura nya. Saktong na susuka sya ng mapasukan sya ng isang babae, she asked kung okay lang sya, pero di nya magawang sumagot kasi tuloy sa pag baliktad ang sikmura nya.
Na malayan nya na lang na hinahagod na nito ang likod nya at ng medyo bumuti ang pakiramdam nya ay nag pasalamat sya sa babaing, hindi naman nag salita at ilang ulit lang syang sinipat, saka awkward na nagpa alam. Nilinis nya ng tubig ang kalat nya sa lababo saka marahang inayos ang sarili saka bumuntong hininga at nanginginig ang mga tuhod na marahang nag lakad pa labas. Bumalik sya sa klase nya, kahit na hihiya sya at tila may kahulugan ang tingin ng mga tao.
She apologized and asked them to continue, pero na upo na lang sya at habang na kikinig ay nag send sya ng message sa kuya nya na ilang saglit lang at biglang tumawag she canceled the call, and sent him another message instead, which he replied saying, hintayin nya ito at susunduin sya, at kahit na hihiya sya sa kapatid na kauumpisa sa trabaho ay uuwi na agad kahit dapat alas sais pa ang tapos nito sa trabaho eh pumayag na sya, para di sila mag talo, hindi rin naman kasi ito papayag kahit tumanggi sya.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss Maarte
RomanceSa gulang na tatlumpot lima, natikman ng lahat ni Enzo ang ibat-ibang putahing luto ni Lord, hindi lang sa Pilipinas kundi sa anim na kontinente sa buong mundo, sa lahat ng daungang na daungan ng bawat barkong mapag duty-han nya. Gayon pa man hindi...