Epilogue

7.4K 151 19
                                    

Enzo's POV

After our wedding I decided to cancel my contract, it helped na brother in law ni mama Georgina ang isa sa mga director ng manning agency at ninong namin sa kasal. He understood that my wife needs me, dinugo nanaman kasi si Adrianna kinabukasan matapos naming ikasal, dahilan para ma ospital nanaman sya. It was lucky that our babies were okay lang naman. They were born prematurely on Christmas morning via cesarean section, masyado kasing pasaway ang isa sa mga prinsesa ko at dumumi sa loob ng tummy ng mommy nila endangering her life and her sister inside, na pilitan tuloy kaming ilabas sila ng maaga.

Would you believe na hindi lang dalawa, hindi rin tatlo kundi apat ang babies namin? Two of them were boys with their own amniotic sacs and the two identical girls are sharing one amniotic sac. It's a special case of quadruplet pregnancy and we found out they were four inside when they were four months old inside Adrie's tummy. Natatakpan kasi ng isang kakambal yong isa kaya hindi nakita agad. Dahil masyadong sikip silang lahat sa tiyan ng mommy nila, ewan ko, nag madali silang lumabas kaya ayon premature silang lahat.

I named the first baby Aurora Australis, because she's like a beautiful beacon of light when I first saw her, so tiny but so beautiful, fighting for her life inside the incubator. Growing up she liked anything red, so we fondly call her Scarlett. Our second baby is called India Rose, she looked so much like her sister and both of them looked so much like their mommy, but between the two, Indie is more active, she's brave and strong, at kahit maliit pa halatang-halata na iba ang ugali sa kapatid nya. Anong the four children sya ang paborito ni papa Ismael, he even have a spacial name for her, which is Dr. Jones, from the movie Indiana Jones na hilig nilang dalawa panoorin.Our third baby was named Ismael Atlantico o Tico, he's very sweet and gentle at very protective sa mga kapatid nya, parang ang kuya Gabriel lang ni Adrie. The youngest is Pacifico Alfonzo, we fondly call him Alfie, kamukhang -kamukha kasi ni tatay.

Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga anak namin para kompleto na ang mga karagatan ko, kaso ayaw na ni misis, di ko rin naman sya masisi, ang hirap mag alaga ng mga bata, lalo na ng apat na kambal, na halos sabay sabay umiyak, mag pa karga, magpa palit ng lampin at humingi ng dede. Yong plano ko ngang dapat na leave hanggang sa mag one year sila hindi na tuloy kasi sobrang magastos, kasi pag nag kaka sakit sabay-sabay rin, at syempre halos sa ospital kami nag lagi nong nasa tiyan pa sila ng mommy nila kaya konting deperensyang ma ubos ang savings ko, buti na nga lang tumutulong ang mga beyanan ko, pero nakaka hiya rin naman kaya bago sila mag five months sumakay ako ulit ng barko.

I want the best for my children at ayoko ring tipirin ang misis ko, dahil hindi naman sya sanay sa tipid na buhay, saka nakaka hiya sa mga kapatid nya, kung makikita nilang tipid na tipid sakin ang kapatid nila. Saktong baba ko ng barko mag bi birthday ang mga anak ko, so we throw a big party after all, minsan lang sila magiging one year old. The next birthday was not as big, but on their fifth birthday , I surprised them and their mom with a beautiful house in an exclusive subdivision, with a beautiful garden to play with, lumalaki na kasi sila at sikip na kami sa dating bahay nina Adrie, bukod don sikip na rin sina Thirdy sa condo unit ko.

Everything was doing well, samin ng pamilya ko, wala ng nang gugulo, walang pinag si selosan si misis. Wala na rin naman kasi si Liezel at si Janelle sa manning agency, yong patalsikin sila at huwag bigyan ng commendation letter ang hininging regalo ni Adrie sa tito nya na ninong namin sa kasal. Our marriage is perfect, I have a beautiful loving wife and four wonderful children and our life was doing almost perfect , maliban sa kalusugan ni Scarlett na mula pag ka sanggol lagi ng may sakit. Ganon daw kasi talaga kapag kambal o higit pa, laging may isang mas mahina kesa sa iba. Sa kaso ng mga anak ko si Scarlett ang mahina kaya naman sya ang number one priority namin. Kaso sa ka po focus yata namin sa kanya na pabayaan namin si Indie na mula ng mamatay ang beyanan kong lalake nag -iba na. Habang lumalaki sila naging matigas ang ulo nya, naging malayo ang loob nya sa mga kapatid nya, naging malayo sya samin. To the point na para sa kanya hindi na kami nag i exist, she created her own world away from us, at nahihirapan kaming mag reach out sa kanya.

Sometimes iniisip kong bilang ama marami akong pag kukulang sa kanya, pero hindi ko naman magawang punan dahil, kay Scarlett pa lang ubos na ang oras at atensyon ko, pero sinubukan ko namang maging available din para kay Indie, pero sadyang umiiwas sya, would you believe na kahit sa graduation nya ng highschool hindi nya kami pina punta? She marched on her own, without us. Sa college naman nag drop out sya, hindi ko na tuloy malaman kung anong dapat gawin sa kanya.

One day I was surprised to see her changed, akala ko for the better na, pero hindi pala, umpisa lang pala yon ng worse part sa buhay ko bilang ama. Bakit ba kasi ang agang na in love ng mga anak ko? At bakit sa iisang lalaki pa eh dami-dami namang iba? I know I'm being unfair to Indie, na ipaki usap na ipahiram ang boyfriend nya sa kapatid nya, pero anong magagawa ko? Tatay ako, at ayokong mawala ang anak ko sakin, kaso sa ginawa ko, tuluyang lumayo ang isa ko pang anak sakin, samin ng mommy nya.

Kung nasaan sya at kung kelan sya babalik, hindi ko alam, pero sana kung sakaling bumalik sya, hayaan nya akong punan yong lahat ng pag kukulang ko. Sana hayaan nya akong maging ama sa kanya at hayaan nyang iparamdam ko sa kanya kung gano ko sya ka mahal.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon