Chapter 22

3.7K 95 22
                                    

Sa kabilang dako, gulat na gulat ang kuya Thirdy ng dalaga ng bigla na lang syang mag pasundo sa airport, hindi man lang kasi sya nag sabing darating sya, salamat na nga lang at nataong day off ng ka live in nito ng sumulpot sya, kaya may sumundo sa kanya sa airport. Actually maging sya ay nagulat sa na lamang pakikipag live in ng kapatid, ang alam nya kasi kahit open city na ang Dubai ay bawal parin ang mag sama ng hindi kasal. Nang umuwi ang kuya nya itinanong nya dito ang tungkol doon at sinabi nitong nagpagawa daw ang mga ito ng pekeng rehistro ng kasal.

Kung ano ang nagtulak sa kuya nya para sumuot sa ganyang klase ng risk ay hindi nya alam, the only thing she knew eh mukhang hindi naman ka risk-risk ang itsura ng ka live in nitong si Mateth. As in hindi sa pamimintas pero kumpara sa itsura ng kuya nya eh alangang-alangan si Mateth, kung sa kanya naman ihahambing ay naku panis na panis, at di na nga kagandahan, pati ugali, halatang-halata na hindi rin kagandahan, ni hindi marunong ngumiti at ni hindi nag abalang magpakitang giliw sa kanya kahit pa balat bunga, di nya tuloy maiwasang taasan ng kilay.

Naisip nya ngang mukhang nagka mali sya ng pag punta sa Dubai, nag Hongkong o Singapore na lang sana sya, bukod kasi sa ma askad na mukha ng ka live in ng kuya nya, hindi pala bet ng beauty nya ang exotic emirates, lalo na ang scents ng mga tao sa paligid di nya ma take, tapos akala nya pa fun pumunta sa sand dunes, hindi naman pala. Ang init-init na nga, maalog pa sa sasakyan at grabe! Na hilo syang talaga at walang poise na kung walang poise pero di nya na pigilan ang pag baliktad ng sikmura at pag kakalat sa loob ng sasakyan, malas na lang ni Mateth ito ang nasukahan, pero promise di nya sinasadya yan.

If there's two things she likes about Dubai, iyon ay ang mag shopping at kumain sa mga fancy looking restaurant, buti na lang galante ang kuya Thirdy nya at syempre mahal na mahal sya kaya walang reklamo kung may pagka bilmoko sya. Syempre inggit to the bones si Mateth pero who cares diba?! On her fourth day in Dubai, ewan nya kung na ho home sick lang sya, na babanas kay Mateth o sadyang na mi miss nya lang si Enzo, para na kasi syang loka-loka na naiiyak kahit wala namang dahilan, tapos kahit pag uwi ng kuya nya bitbit nito ang kulay pink na Balenciaga Moto bag na inuungot nya dito nong nasa mall sila pero tinanggihan nitong bilhin kasi mahal eh hindi pa rin sya masaya.

On her sixth day, hindi nya na kinaya, nag pa rebook na sya ng ticket at kinuha ang soonest flight possible, she wants to be home, with or without Enzo in her life. Pero syempre Charing lang yong without Enzo in her life kasi one week pa nga lang silang hiwalay para ng mamatay yong pakiramda nya, pero yon nga lang di nya rin ma atim na isiping babalik sya sa Isla Zaragoza, just to see Enzo. In the end inisip nya na lang na pag uwi nya at wala paring Enzong dumating then it means she's not that important to him para habulin, pero kung pag uwi nya ng Manila at sumulpot ito, then it means something. Naisip nya rin naman kasi na malamang hindi sya nito sinundan agad sa Manila dahil sa eleksyon at kailangan ito ng kapatid.

**

Sa Pilipinas, matapos bumoto ay hindi na nag hintay ng resulta ng botohan si Enzo at nag pahatid sya kay Noel sa kabayanan at sinundan ang dalaga sa Maynila. Pero na pudpod na yata ang daliri nya ka pipindot sa doorbell sa labas ng gate ay walang Adriannang nag bukas para sa kanya. There was even a day na maghapon mag damag syang nag hintay dito pero wala talagang lumabas o sumilip man lang, hanggang sa nahabag siguro sa kanya ang kapit bahay, nilapitan sya nito at sinabing wala si Adrianna at umalis just a day bago ang eleksyon, kung saan nag punta hindi daw nito alam. Di nya rin naman ito ma contact kahit anong tawag nya dito kahit noong nasa isla pa sya.

Ilang araw pa syang nag abang pero ng wala parin, naki usap na lang sya sa kapit bahay na kung pwede paki tawagan sya kapag na pansin nitong bumalik na ang dalaga, o kaya naman kapag nag ka tao ang bahay. Kaso halos isang linggo na syang nag hihintay at tuwing tutunog ang cellphone nya ay na tataranta sya sa pag tingin kung si Adrianna na ba ang tumatawag o kung nag text na ba ang kapitbahay, pero sa malas wala alin man sa dalawa. Puro text ng pamangkin nyang si Victoria, nag tatanong kong nagka usap na sila ng dalaga, o kaya naman is ay mga text ng mga kaibigan nya, kinukulit syang makipag kita at mag hapi-hapi.

Minsan ngang na pa praning sya sa kaiisip sa dalaga ay di nya na pigil ang sarili at tinawagan nya ang bagong mayor ng Isla Zaragoza na walang iba kundi ang kuya Alfon nya, na nanalo lang ng sampong boto sa kalaban nito at marahil kung hindi nila tinapatan ng pamamayad sa botante ang kalaban eh malamang na talo. Pinag tatawanan sya ng kuya nya ng sisihin nya ito sa pag alis ng dalaga, wala daw naman kasi itong kasalanan, kasalanan nya daw na di sya nag pa alam at di sya naki pag usap agad pag dating nya. May Point naman ito, pero syempre kailangan nya ng ibang masisisi sa ka palpakan nya.

Saktong isang linggo mula ng dumating sya ng Maynila at wala pa ring balita kung nasa bahay na si Adrianna ay hindi na sya naka tiis, sumugod ulit sya sa bahay ng mga ito, pero ilang oras na syang naka tambay sa may gate at nag aabang ay wala paring dumarating, wala paring sign na may tao na sa bahay, kaya lulugo-lugong sumakay sya ng motorsiklo at sibad iyon pa alis at dahil masyado syang na pa praning hindi nya na kitang sakay ang dalaga ng taksing naka salubong ng motor nya. Habang ang dalaga naman ay di malaman kung bubuksan ang bintana at tatawagin sya o pahihintuin ang taxi at baba pagka kita sa kanyang sakay ng motorsiklo, in the end pinili nitong manahimik at lingunin na lang sya habang pa layo sila sa isat-isa.

Imbes na magmokmok sa condo nya pag ka uwi ay ipinasya nyang humabol na lang sa get together ng mga ka tropa nyang marino na kasalukuyang ginaganap sa bahay ng pinaka buddy-buddy nya sa lahat na si Jack. At dahil sa Tagaytay pa ang bahay nito ay malayo-layo din ang tinakbo ng motor nya. The drive there, made him forget about Adrie for a while at kahit paano ay na relax sya. Nang maka rating sya sa bahay nina Jack ay kompleto na ang tropa at sya na lang talaga ang kulang, and to his surprise he saw Liezel there too, gusto nya na sanang umatras pero nakita na sya ng mga kaibigan kaya kahit hindi komportable na nandon si Liezel ay na pilitan syang sumali.

Tinukso sila ng tinukso ng mga kaibigan nya at ng ilang babaing taga manning agency na nakaka alam ng affair nila ni Liezel at para wag mapa hiya ang babae ay sinakyan nya na lang rin, pero pinaka iwas-iwasan nyang mapag solo kasama nito, mahirap na kasing sumabit lalo na ngayong may Adrianna na syang kailangang suyuin, kaso kahit masyadong bantay nya ang pag inom ay na lasing parin sya, hindi masyado pero sapat para piliin nyang mag palipas ng gabi kina Jack.

Samantala, di makali ang dalaga mula ng dumating sya sa kanila, mayat-maya syang sumilip sa bintana para tignan kung may tao ba sa labas pero wala namang dumarating. Na ti  tempt na nga rin syang replayin ang ilang mensahe galing sa unknown number na nag pakilalang si Enzo pero pinigil nya ang sarili, pero bandang hating gabi ng hindi sya maka tiis, nag text sya pero ng hindi ito sumagot tinawagan nya na ang binata, hindi nya na yata kasi kayang mag hintay ng umaga, nakaka daawang ring pa lang ng may sumagot sa tawag nya ng...

"Hello! Sino ito? Bakit mo tinatawagan ang boyfriend ko?" Kasabay ng...

"Liezel, sinong tumawag?" Hindi na sya nag hintay na sagutin ng babae ang tanong, o ibigay kay Enzo ang cellphone nito, kusa nya ng pinatay ang tawag at ini off ang cellphone nya. She may not heared Enzo's voice over the telephone before but she's sure as hell na ang binata ang nag salita sa background at sa ka alaman lang na may kasama itong babae ngayon, huwag ng idagdag na sinabi ng babaing girlfriend ito ng binata ay para ng pinipiga at tinutusok sa sakit ang puso nya and before she knew it tigmak nanaman ng luha ang mga mata nya.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon