Chapter 10

4.5K 109 13
                                    

Kakaba-kaba si Adrie habang nag lalakad sila pa punta sa bahay ng ate Vera ng binata, bukod kasi sa takot sya sa mga aso ay iniisip nya ang set up nila sa pag tulog, never pa kasi syang natulog na may kasamang lalaki sa kwarto, maliban sa mga kuya nya, pero hanggang sa mag dalagita lang sya. When she turned fourteen kasi ay solo na syang matulog sa kwarto nya o kaya naman ang ate Georgia nya ang katabi nya kapag natatakot itong mag isa sa kwarto nito. Ang mga kuya nya naman kasi ay sama sa master's bedroom ng three bedroom house nila sa katipunan noon. Inilipat lang ng mga ito ang matrimonial bed ng parents nila sa kwarto nya at nag lagay ng dalawang kama sa master's bedroom at pinag tigisahan ng dalawa. Na putol ang pag-iisip nya ng magkakahol ang mga aso pag bungad nila sa tarangkahang kahoy at na nginginig na agad syang napa hawak sa binata at tumigil sa pag hakbang.

"Hey, hey relax im here, di kita ipakakagat sa aso okay?" Anang binatang agad syang kinalma, pero ng mas lumakas ang kahol ng aso at nagtatakbo pa ang isa pa lapit sa kanila ay hindi nya magawang kalmahin ang sarili, nag titili sya habang na ngunguyapit sa leeg at balikat ng binatang walang nagawa kundi buhatin sya habang tila luka-loka syang patuloy sa pag titili at panginginig.

Taranta ang mga tao sa bahay ng ate ng binata sa pag papakalma sa mga aso, dahil lalo pa iyong nag wala dahil sa lakas ng tili nya. At dahil hindi nya magawang kumalma ay walang sabi-sabing hinagkan sya ng binata, his mouth deflated her screams and later on silenced her fully. Nag si kalma rin ang mga aso, at nagka ingay naman sa panunukso, panunuksong sabay na nagpabitiw sa magka hugpong paring mga labi nilang dalawa.

Tinawanan lang ni Enzo ang panunukso, habang sya ay hiyang-hiya na di malaman kung bibitiw sa binata at magpapa baba o susobsob sa leeg nito. Pero ng makita nya ang asong ngayon ay kalmante ng nasa may paanan ni Enzo ay pinili nyang kagat labing sumobsob na lang sa mabangong leeg nito.

"Relax, dont mind them." Bulong ng binata.

"It's so nakaka shy kaya!" Pabulong ring sagot nya at tulad ng panginginig nya ay di rin magawang kumalma ng puso nyang tila nag ri rigodon sa bilis at lakas ng pag tibok, kung dahil lang sa takot? Hindi sya sigurado.

Dahil di nya magawang bumaba kahit na hiyang-hiya sya ay buhat sya ng binata hanggang sa loob ng bahay na yari sa semento ang labas ngunit ginamitan ng barnisadong nilalang kawayan ang enterior pati na ang kisame. Yari naman sa kahoy ang sofang kinauupuan nya kung saan sya inilapag ng binata. Nahihiya syang ngumiti sa mga pamangkin ng binata na curious na naka tingin sa kanya.

"Bakit ka po takot sa aso?" Anang tantya nya ay pinaka bunso, na biglang na upo sa tabi nya.

"H-ha? A-ano, ano kasi ..."

"Becky na ngungulit ka nanaman ano? Don ka na nga muna sa kwarto natin at matulog ka na!" Saway ni Victoria sa kapatid.

"Hindi ako na ngungulit ate!" Tanggi ng bata

"Kahit na! Doon ka na sa kwarto gabing -gabi na o matulog ka na!" Sabi pa ni Victoria na pinandilatan ang kapatid.

"Para nag tatanong lang, bawal ba?" Katwiran ng batang ngumuso pa, na pa ngiti ng bahagya ang dalaga sa itsura nito.

"Oo nga ate, masama bang maalman kung bat siya takot sa aso at nag tititili?  Ayon tuloy lalong tumahol si tagpi." Anang isang batang malamang ay dose anyos na, na hihiyang nag yuko ng ulo ang dalaga, totoo naman kasing OA na sa sobrang takot ang hiyaw niya.

"Ay bakit ka nga ba takot sa aso ate?" Baling ni Victoria sa kanya.

"Kita mo na ate, gusto mo din malaman kung bakit natatakot ang girpren ni tito sa aso ay hindi naman iyon kakagat, dadamba lang." Sabi naman ng bata.

"Oo na! Oo na, pero bakit nga ate?" Si Victoria ulit.

"A-ano...."

"Ay maski ako kung ganay an ako ka puti ay hindi ako mag pa pakagat sa aso, palibhasa kayo'y mga kutis kalabaw kaya kayo'y hindi takot makagat ng aso!" Singit naman ng isang binatilyo na pumutol sa sasabihin nya.

I Love You Miss MaarteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon