Chapter 6:
Creepy SituationsXANDRIA VONIQUE CHUA
Nagising ako dahil sa sobrang init na ng nararamdaman ko, sobra akong pinagpapawisan pag kagising ko, grabe! Ganito na ba kainit ang pilipinas.
Babangon na sana ako kaso may napansin ako, hindi ito yung kwarto ko, inilibot ko yung paningin ko, nasa kwarto ako na may mga nakasabit na kung ano-ano sa taas, parang bahay ng albularyo.
Ano bang nangyari?
Naalala ko na, nalunod ako ng dahil sa mga nilalang nayun at may ginawa pa sila sa akin na dahilan ng pag kahimatay ko.
"Gising ka na?" napatingin ako sa pumasok, si Liam, yung na meet ko noong first day namin dito, lumapit siya sa akin at hinipo yung noo ko"Mukhang maayos na ang pakiramdam mo—"
"Who are you?" napangiti siya na dahilan ng pag kawala ng mga mata niya.
"I'm Liam"
"I mean, albularyo ka?" and then he burst out laughing, may nakakatawa ba sa tanong ko?
"Hahaha I'm not, hindi uso dito yang sinasabi mo, manggagamot pwede pa pero albularyo? nah!"
"Manggagamot ka?"
"Nope, yung best friend ko ang manggagamot" so it means, yung best friend niya yung gumamot sa akin.
"Nasaan siya?"
"Umalis, dinalaw niya yung tito niya, gusto mo bang pumunta doon? Nandoon yung mga kaibigan mo" bumangon na ako at akmang aalayan niya ako pero pinigilan ko siya.
"Kaya ko na" I smiled at him, so ayun nga nag tungo kami sa sinasabi niya na hindi naman masyadong kalayuan.
Nang makarating kami doon ay pinapasok niya ako agad, may patay pala dito, dahil sa kuryusidad ay nilapitan ko yung kabaong at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.
Siya yung matandang lalake na nakita namin nung isang gabi, ibang-iba yung itsura niya dito, nangitim ang ibang parte ng katawan niya at may sugat sa bandang braso niya, may itim rin itong ugat-ugat na nag kokonekta sa sugat, isa iyong kagat ng Reaper.
"Hi!" saka lang ko natauhan ng may kumalabit sa akin and then I saw her eyes, it's Blue, it means Trust and Friendly, I can trust her."My name is Adley Venice" she smiled at me
"Hello! Vo—"
"No need, I already know you" so siya yung gumamot sa akin.
"Thank you" she just smiled.
"Vonique!!Waahh!! Buti nalang magaling ka na, kasalanan ko ito eh, hindi nalang sana ako nag aya na pumunta sa falls na yun, kasalanan ko" nag hihisterical na sabi niya.
"Huwag OA, wala kang kasalanan" singit ni Russel na nag pipigil ng tawa, nag mumukha kasing tanga si Brianne sa harap namin kaya ayan.
"Kasalanan niya kung bakit siya nalunod" sabi ni Althea na katabi lang ni Vince at Francis n poker face.
"Ako kaya ang may kasalanan"
"No Brianne, kasalanan niya, hindi niya sinasabi sa atin na hindi pala siya marunong lumangoy" napatingin pa siya sa akin at inirapan ako, kahit naman magsungit yan, sanay na ako, at saka hindi ba nila alam ang tungkol sa totoong nangyari sa akin? kung hindi, mas nakakabuti na iyon.
"Tama na nga yan, nakakahiya sa mga taong nandito" napatingin ako sa binabanggit ni Vince at natigilan ako sa nakita ko, lahat sila may itim na mga mata, black eyes means death, mamamatay sila sa iisang gabi, maliwanag ko ring nakita ang mga reaper na nasa paligid nila, that reapers owns their souls already.
How? Paano ko sila maiiligtas? I've never seen such situation like this, oo nakakakita ako ng reapers noon pa man pero yung ganitong sitwasyon, never, ngayon lang talaga ako nakakita ng nakakatakot na mangyayari sa mga inosenteng tao dito.
"Tara na" hinawakan ni Brianne yung braso ko at hinatak palabas ng bahay ng lamayan."Adley mauna na kami"
"Thank you" tumango lang siya at niyakap ako, Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap niya, parang nagbibigay siya ng proteksyon.
"Mag iingat ka, ikaw palang ang nakakasurvive sa sitwasyon na nangyari sayo, kung may kailangan ka, anytime pwede mo akong puntahan.
"Salamat ulit Adley at saka condolence"
Lumabas na kami sa bahay nila at nag lakad pabalik sa bahay na tinitirhan namin, sinimulan narin ni Althea ang pagalitan ako, kahit naman kung ano-ano ang sasabihin niya ay hindi ko naman siya pinapakinggan, nawawala na naman ako sa sarili ko.
"Shut up Althea, ang ingay mo" naiinis na sabi ni Francis nang makarating kami sa bahay at nauna narin siyang pumasok sumunod naman si Brianne at Russel.
"Mauna na kami sa loob, bahala na kayo diyan" sabi naman ni Vince pero inirapan lang siya ni Althea"Magiingat ka at baka makagat ka ng mga lamok diyan, papangit pa yang kutis mong maputi at makinis" sabi pa niya at nag lip bite, yack! he look like a manyak.
"Tsk! I don't care, umalis ka na nga"
"Ano bang ginagawa ko? aalis na nga di ba pero parang ayaw mo pa akong umalis kaya mag istay muna ako dito—"
"Aalis ka o sisipain ko yang ano mo" binigyan niya ng sobrang samang tingin si Vince at itinaas naman niya ang dalawang kamay, tanda na sumusuko na siya.
"Fine, aalis na ako" nag flying kiss pa siya bago pumasok sa loob.
"I have something to tell you" napahinga ako ng malalim, I think ito na yung time para malaman niya yung sikreto ko, I mean, hindi naman masamang sabihin ko di ba"This is imaginable but it is true"
"Then tell me" tinaasan pa niya ako ng isang kilay.
"Ipangako mong huwag mo munang sasabihin sa kanila Brianne, tanging ikaw at si Russel lang ang nakakaalam ng sikreto kong ito" tumango naman siya"I can see reapers everywhere and I can also tell other people emotions by in their eyes, and also —"
"Stop it Vonique! You're imaginating things, sa tingin mo maniniwala ako? No, that's impossible—"
"I'm serious right now Althea, hindi naman kita pinipilit na paniwalaan mo ako, bahala ka na kung maniniwala ka o hindi" sabi ko at iniwan na siya doon, kahit pala sabihin ko sa kaniya, hindi parin sila maniniwala, magmumukha lang akong baliw.
***
Yow! haha wala akong masabi, anyway, sana magustuhan niyo. :)
