CHAPTER 18

1K 25 1
                                    

Chapter 18

XANDRIA VONIQUE CHUA

Pagkatapos kong ayusin yung bag ko ay bumaba na ako kasabay ng pag baba ni Francis, pupunta na kami sa sikretong lugar dito sa Aviana para sa nalalapit na Banquet kung saan ay dadalo ang mga hindi pangkaraniwang tao at kailangang nandoon kami.

"Tara na" tumango lang ako at napatingin sa kanila Brianne.

"Hintayin niyo kami ah at saka mag iingat kayo"

"Yes ma'am!" nag salute pa siya, lumapit naman sa akin si Adley at niyakap ako, may ibinulong pa siyang something na hindi ko maintindihan bago siya lumayo sa yakap.

"Ano yung sinabi mo?"

"Ah wala, nilagyan lang kita ng proteksyon" napangiti nalang ako at nag pasalamat.

"Take care" sabi ni Althea at tumango lang ako.

"Halika na"hinatak na ako ni Francis.

Nang makarating kami sa meeting place kung saan ay sa harap ng tagong palasyo ay tinawagan ko na agad si Fier.

"Fier" bulong ko sa holen at nag pakita naman siya.

"Handa na ba kayo?"

"Hindi? Nakikita mo naman di ba? at saka tatawagan ka ba namin kung hindi pa kami handa?" sarkastiskong sabi niya, aba! ang sungit niya, ano na naman ba ang ipinakain sa kanya nung Vince nayun? PM's, sa bagay araw-araw namang may dalaw yan.

"Relax Francis, masyado ka namang masungit" bago pa man sila mag away ay nag salita na ako, sa mukha kasi ni Francis parang may galit siya kay Fier.

"So ano ng gagawin natin?"

"Bago tayo pupunta sa sikretong lugar na sinasabi ko, kailangan niyo munang mangako, huwag niyong ipag kakalat sa iba ang tungkol dito dahil walang ibang pwedeng makaalam, huwag niyo ring babanggitin ang salitang Abaddon dahil magagalit ang hari sa impyerno, huwag rin kayong mag padalos-dalos sa mga gawain niyo, pag isipan muna bago kayo gumalaw, nag kakaintindihan ba tayo?" tumango ako at ayun may inilabas siyang something na umiilaw at mula sa palad niya ay umapaw ito at nahulog sa harap namin dahilan upang mag karoon ng malaking butas ang lupa.

Diyan kami dadaan? oh no! Ayaw ko, hindi ko kaya.

"W-wala na bang ibang daanan?" umiling siya.

"Actually meron pero mas delikado iyon para sa inyo" sabi niya at itinuro yung butas" mauna na kayo, napatingin ako kay Francis at umiling lang siya.

"Mauna ka na"

"Ladies first" sabi niya at inirapan ako.

"Ikaw na kasi ah ang bakla mo naman"

"Hindi ako bakla, halikan kita diyan eh" napa'pout ako at napapadyak sa lupa.

"Fine! Oo na, ako na mauna" huminga ako ng malalim at buong lakas ng loob na tumalon doon.

"Waahhhhhhhhhhg!!!" mamamatay na ata ako.

Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa nakaramdam ako ng pag bagsak, iminulat ko na yung mga mata ko at nasa harap ko na ang engrandeng mansion, grabe hindi ko akalaing may ganitong lugar pa pala dito.

"That was so amazing" napatingin ako kay Francis, nakarating narin pala sila.

"This is the Aviana's mansion kung saan dito gaganapin ang banquet, sundan niyo ako at ipapakilala ko kayo sa headmaster ng lugar na ito"

Pumasok kami sa loob at sumalubong sa amin ang isang lalakeng naka puti, nag bow si Fier kaya ginaya rin namin, tanda ng respeto, siya na siguro yung sinasabi niya na headmaster.

"Pwede mo bang ipakilala sa akin ang iyong kasamahan?" tanong niya kay Fier at ipinakilala naman kami.

"Ama ito po si Vonique isa po siyang deypse at siya naman si Francis, katulad niya rin po ngunit kalahati nga lang ang nakuha niya" ningitian niya kami, mukhang mabait naman.

"Ikinagagalak kong makilala kayo, ako nga pala si Serfaine(Serpen) ang nag iisang headmaster na namamahala dito"

"Nice to meet you rin po" sabi ko, nakakahiya naman.

"huwag kayong mahiya, ituring niyo na sa inyo ito dahil kayo ay ang iginagalang ng buong Aviana, kayo ang matagal na naming hinihintay, ang deypse na mag liligtas sa mga tao ng Aviana"

"Salamat po"

"Mauna na ako, Fier ikaw na ang bahala sa kanila" he smiled at me, at bago siya umalis ay pinat pa niya yung balikat ko.

"Tara na" itinuro niya sa amin kung saan yung magiging kwarto namin at inilibot niya rin kami"ito ang dining room"

"Bakit hindi siya nalilinisan?" napansin ko kasing masyadong maraming agiw sa mga chandelier na nasa gitna ng lamesa at saka masyadong maalikabok.

"Simula nung namatay ang reyna at hari ay kinalimutan narin ang mansion na ito, oo binabantayan namin pero hindi na kami nag aabala pa para linisin ito"

"ah, I know it will be sounds crazy pero pwede ba akong mag linis?" itinaas baba ko pa yung kilay ko.

"Hindi pwede, halika na nga" hinila na ako ni Francis palabas ng dining room.

"KJ mo talaga" naka'pout' na sabi ko, trip ko kayang mag linis at saka ang boring.

So ayun nga nalibot na namin buong bahay, kung makapag salita naman itong si Fier, akala mo ay titira na kami dito, ghad! Nasisira beauty ko niyan, de joke lang.

Pagkatapos naming malibot ang lahat ng pasikot sikot dito ay pinakain na niya kami, of course dito kami sa maruming dining room.

"Ayaw kong kumain diyan, karumi kaya" pumalakpak si Fier at sa isang iglap ay luminis na ito, hindi na pala kailangang linisan ng mano-mano, magagamitan pala ng kapangyarihan ni Fier.

Nang uupo na kami ay may nakita ako sa bintana kaya tumayo ako para lapitan iyon, at boom! nakita ko na naman yung matandang babae, bakit siya nandito? don't tell me nakasunod siya sa amin at saka yung titig niya, nakakamatay, feeling ko kakaiba talaga, at ang mas lalong ikinagulat ko ay ang makitang hindi siya nag iisa, marami sila, as in napalibutan ang buong mansion at lahat nakatingin sa akin, may nakita pa akong reaper na dumaan sa bintana kaya halos mawalan ako ng hininga dahil doon.

"Okay ka lang? Anong nangyayari sayo?" napatingin ako saglit kay Francis pero ibinalik ko rin agad yung tingin ko sa labas, wala na, wala na sila.

"Maybe she saw the ghost of the old woman" napatingin ako kay Fier, he knows"Am I right?" tumango lang ko at bumalik na sa hapag kainan.

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon