CHAPTER 12

1.2K 34 0
                                    

Chapter 12

BRIANNE FRANCES VELILA

Gumising ako ng maaga, aba! Syempre dapat maaga gumising ang dyosa noh, pero argh! Ang sakit ng ulo ko, ano ba kasing nangyari kagabi? aha! Naginuman nga pala kami kagabi. First time kong uminom kaya ganito nalang epekto sa akin.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo, para maligo at mahimasmasan malamang, after kong gawin lahat ng kailangang gawin ay lumabas na ako sakto namang lumabas narin si Russel.

"Brianne" ningitian ko siya at nag tungo ako sa kusina para magluto,malamang, ano pa nga ba ang ginagawa sa kusina? edi para mag luto"Brianne about sa sinabi ko kagabi"

"Kalimutan mo na,hindi ko naman iniisip yun" I'm sure naman na ginawa lang ni Russel iyon para hindi ako mag mukhang tanga sa harap nila.

Kung nag tataka kayo kung ano ba yung sinabi niya kagabi, well ganito lang naman ang nangyari kagabi.

Flashback....

Nang makaalis sila Vonique at Francis ay ipinagpatuloy namin ang pag lalaro hanggang sa ang simpleng truth or dare na laro ay napunta sa aminan, yezz! aminan, unang naituro ay si Vince ulit, actually, pang sampu na siguro siyang naituro at puro dare lang yung gusto niya kaya this time, truth na at bawal na ang mag dare.

"Who is your crush?" tanong ni Althea tutal siya naman yung nag paikot kaya yun yung itinanong niya, kinabahan talaga ako sa punto na sasabihin ni Vince yung crush niya, you know? crush ko rin siya.

"Hmmm...ang babaeng nag mamaldita" sa pagkasabi palang ni Vince ng salitang iyon ay nakakasigurado na ako na si Althea ang binabanggit niya"Shine Althea Go"

"Keleg eke—aray"-Liam

"G*go!! bakla ka ba?" Vince

Ramdam kong napatingin sa akin si Russel pero hindi ko siya pinansin, nanatili lang akong nakatitig kay Vince, don't know what to do.

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon