Chapter 13
Demon's Hour2:58 am
Hangang ngayon hindi ko parin mahanap yung nakita kong cabinet, gusto ko sanang tuklasin iyon, at kung ano ang sikreto ng Aviana.
"Hindi mo na mahahanap iyon, ipagpabukas mo nalang—"
"Hindi ko pwedeng ipagpabukas iyon dahil baka mahuli ako, tandaan mo malapit na ang banquet na binabanggit ni Fier at ayoko naman na wala akong gagawin"
"Alam ko naman iyon pero 2:58am na oh, we should go back" I have no choice but to agree, fine! bukas nalang, bahala siya, argh! ayoko na.
Lumabas kami ng palasyong iyon at sa pag labas namin ay nasa kagubatan na kami, ang gulo talaga ng Aviana, hay! This is really a forbidden city and a kingdom as well.
"Bakit ka ba nanghihila jfjugbdgn" tinakpan niya yung bunganga ko, napatingin ako kung saan siya nakatingin at nanlaki nalang yung mga mata ko ng makita kung ano iyon.
May tatlong reaper na humahabol sa isang bata, iyak ng iyak yung bata at nang madapa na siya ay sakto namang naabutan siya nung mga reaper
"Tulong!!! Wahh!!" naaawa ako, hindi ko kaya yung nanonood nalang ako dito.
"Huwag kang makikielam—Vonique!!" tumakbo ako palapit doon.
"Hoy!! Mga panget na reapers!!! ako ang harapin niyo!!" at ayun ako na ang hinabol nila, naririnig ko pa yung sigaw ni Francis pero hindi ko siya pinansin.
Inilabas ko yung holen at ibinulong yung pangalan ni Fier, napaupo nalang ako at napapikit, hihintayin ko nalang siya, maya-maya pa ay naramdaman ko yung hawak ni Francis kaya napamulat ako.
Nasa harapan ko na si Fier habang may hawag na triangle at iyon ang sumisipsip sa mga reapers.
*Crick*
Napatingin ako sa itaas, ang rami nila, napapalibutan na kami ng mga reapers na anytime ay pwede kaming patayin.
"Sh*t! Ang rami, tara na Vonique" pilit akong hinihila ni Francis.
"Fier anong gagawin natin"
"You break the rule!!" galit na sabi ni Fier kasabay ng pag gawa niya ng shield para sa amin.
"What rule?!" cold na tanong ni Francis.
"Dapat nag palipas muna kayo ng demon's hour sa loob ng palasyo at dapat hindi na kayo nakielam sa mga bibiktimahin ng reapers"
"Pero inosente yung batang— Fier!!" nag laho na siya, nagalit ko ba? lah! anong masama sa pag tulong?
"A-Ate!! Wahh!!!" nilapitan ko yung bata, mga nasa edad anim na siguro siya"S-salamat po" umupo ako sa harap niya para mapantayan ko siya.
"Bakit ka ba nandito? Gabi na ah" pinunasan ko yung luha niya.
"I'm lost" umiiyak parin siya.
"Ssshh!! Huwag ka ng umiyak, hahanapin natin parents mo bukas, sa ngayon dumiretso muna tayo sa amin"
"Isasama natin yan?" sinamaan ko ng tingin si Francis, kahit kailan talaga ang sungit niya.
"Let's go, marami na akong nakikita" naglakad na kami pauwi.
Sana matapos ko na ito, sana mahanap ko na yung daan para makaalis kami dito at yung paraan para mapuksa ko yang mga reapers na iyan.
***
VINCENT MONTENEGROOne week na kami dito at hanggang ngayon ay hindi pa namin na hahanap yung van namin, t*ng*na hindi na ata kami makakaalis dito.
"Ano nahanap mo?" bungad sa akin ni Althea.
"Wala parin bae" sinamaan niya ako ng tingin"What?"
"Don't call me bae" sabi niya at tinalikuran na ako"Maglalaba kami"
"Sige maganda yan, lalabahan ko narin yung akin" sabi ko at sumunod na sa kanya.
Nang makapunta kami sa may likod kung saan ay nandoon yung faucet at mga timbang gagamitin namin.
Kanina pa pala sila naglalaba, si Brianne patapos na samantalang si Althea bae ko ay magsisimula palang.
"Anong ginagawa ni Vonique doon?" tanong ko kay Brianne, nakatingin kasi si Vonique sa langit na animoy may tinitignan, bukod naman kasi sa kulay blue yung langit ano pa ba ang pwede niyang makita?
"Hayaan mo siya, may iniisip lang yan"sagot ni Althea bae dahil nga hindi naman nagsasalita si Brianne.
"Ah tapos na siyang mag laba?"
"hindi mag sisimula palang" sarcastic na sabi ni Francis mula sa gilid ko, ngayon ko lang napanasin na nag lalaba rin pala siya.
"Nagiging Mr. sungit ka na naman" pansin ni Brianne at inirapan lang siya ni Francis"Sungit"
"Hayaan mo na may dalaw lang yan" sabi ko at inayos yung mga lalabhan ko, pansin ko, kahapon pa talaga ako iniiwasan ni Brianne, kung kakausapin ko naman siya, isang tango lang ang isasagot niya o kaya naman ay isang salita lang pero kapag yung iba naman ay pinapansin niya. bakit kaya? meron ba akong hindi alam.
Tsk! hayaan na nga, nag simula na akong mag laba, tapos na ni Brianne kaya ako na ang sumunod sa kanya, katabi ko si Althea at sa harap ko naman si Francis. tsk! hindi naman sa porket lalaki kami eh hindi na kami marunong mag laba.
"Guys may pupuntahan lang ako" paalam ni Vonique
"Saan?" nakakunot na yung noo ni Althea.
"d-dyan lang sa tabi-tabi" sabi niya at bago pa man siya makaalis ay tumayo narin si Francis at hinugasan yung kamay niya.
"Bro saan ka pupunta? paano itong nilalabhan mo?"
"Hayaan mo muna diyan" at ayun iniwan na nila kami dito.
Perfect timing, dalawa lang kami ni Althea, it's time to annoy her.
"Althea gusto mo bang mag laro?" hindi niya ako pinansin, kumuha ako ng bula at nilagyan yung pisnge niya
"Ginagalit mo ba ako?" naiinis na sabi niya at sinabuyan rin ako ng bula, kaya ang kinalabasan ay nagsabuyan kami, muntik pa nga siyang nadulas buti nalang nasalo ko.
Pareha kaming natahimik dahil sa posisyon namin ngayon, well inilapit ko lang naman yung gwapo kong mukha sa maganda niyang mukha, halikan ko kaya ito, de huwag na baka masampal ako pero the f*ck! Namumula siya, nag blablush! uy kunyare wala siyang gusto sa akin pero deep inside niyan kinikilig na.
"Excuse me" bumalik na siya sa pag lalaba.
"Althea"
"What?!" woah galit na siya, you can't fool me with your action Althea, I know you have a feelings for me.
"I love you"
"Well, I..." tinignan niya ako, poker face"I. Love.My self.too" sus!
***
