Chapter 16
Gabi na ng makabalik kami sa bahay, as usual, walang nag sasalita sa amin, nakaka awkward kasi at saka nakakahiya, feeling ko nag confess ako sa kanya.
Pag pasok namin ay naabutan namin sila Althea at Vince na nag uusap tungkol sa namatay na naman sa kapit bahay namin.
"Saan kayo nag punta?" tanong ni Vince ng makaupo kami sa may harap nila.
"Did you know? may isang pamilya na namatay, as in lahat sila ay namatay sa hindi malamang dahilan at ang mas nakakatakot pa ay ang mga itsura nila, creepy" napalunok ako dahil sa sinabi niya, this is the right time para sabihin namin sa kanila ang tunay na nangyayari sa lugar na ito.
"We have something to say to the both of you since wala dito sila Brianne—teka nasaan nga pala yung dalawa?" nagkatinginan sila at sabay na napailing
"Lumabas sila kanina" sagot ni Althea kaya napatayo ako, gabi na at hindi pwedeng nasa labas pa sila, kailangan ko silang hanapin.
"Vonique saan ka pupunta?" pinigilan ako ni Althea.
"Hahanapin ko sila"
"Sama kami—"
"No, stay here and lock the door, ako nalang ang sasama sa kanya" singit ni Francis at hinatak na ako palabas ng bahay.
"Saan natin sila hahanapin?" lumingon-lingon ako sa paligid, wala, wala ng katao-tao.
"I think alam ko na kung saan sila nag punta, tara" sumunod nalang ako kay Francis, kinakabahan talaga ako.
***
BRIANNE FRANCES VELILANandito parin kami sa may amusement park, nakakapagtaka nga eh, walang katao-tao, di ba dapat kapag ganitong oras eh maraming tao dito? Is it so unusual, kabaliktaran talaga.
Napatayo yung mga balahibo ko ng humangin ng malamig, grabe! summer na summer ang lamig ng hangin.
"Kailangan na nating umuwi" napatingin ako kay Russel, he is now holding my hand, gagawin daw niya lahat mapa-ibig lang ako sa kanya, hmp! as if namang kaya niya, si Vince lang kaya ang nilalaman nitong puso ko, waah! ang corny ko na.
Habang nag lalakad kami ay may napansin akong parang dumaan sa may harap namin, nang mapatingin ako sa may right ko ay may nakita akong nakahood, lalapitan ko sana kaso pinigilan ako ni Russel.
"dito ka lang sa tabi ko huwag kang lalayo dahil delikado" nanatili lang akong nakatingin sa naka hood, he is smirking like a demon. OMO! Nakakatakot.
"Pero Russel, may nakahood na sumusunod sa atin?" napatigil siya sa paglalakad at inilibot niya yung paningin niya.
"Wala naman ah, halika na, tinatakot mo lang yang sarili mo" sabi niya at hinila na ako, nakita ko pa yung nakahood na may hawak na bagay, umiilaw iyon.
Feeling ko hindi ako nag iimagine, totoo yung mga nakikita ko, simula kanina pang umaga, ganito na yung nararamdaman ko, feeling ko may mali.
"Ang dilim" binuksan ni Russel yung phone niya at ini-on ang flashlight.
"Kailangan na nating makauwi..." napabitaw ako kay Russel dahil may naramdaman akong kakaiba na pumasok sa akin, nahihilo ako dahil doon"Brianne? What's wrong? Nahihilo ka ba?" naramdaman ko namang binuhat niya ako, bridal style, sobrang hilong-hilo ako, umiikot yung paningin ko at saka sumisikip rin yung pag hinga ko."Sh*t!" naramdaman ko nalang na tumatakbo na kami.
Nagpunta kami sa may kakahuyan at ibinaba niya ako sa likod ng maraming puno,kumbaga parang may tinatakbuhan kami
"Hahanap ako ng paraan para makauwi tayo" rinig kong sabi niya, nakaramdam naman ako ng something sa tiyan ko at dahil doon ay nag suka ako ng dugo, ghad! mamamatay na ba ako? waahh!! nakakatakot, paano na yung mga kaibigan ko, yung parents ko, waah!!"F*ck! what's happening to you?" pinakiramdaman ni Russel yung pulsuhan ko"Nahihirapan ka bang huminga?" tumango lang ako.
"Russel? ack!" nag suka na naman ako ng dugo,hindi ko na ata kaya, ang labo na ng paningin ko dahil sa luha ko, umiiyak pala ako.
"F*ck! Don't cry" ramdam kong pinunasan niya yung luha ko.
"Excuse me!!" may lumapit sa aming babae, si Adley, buti nalang nandito na siya.
"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Russel.
"She was attack by a reaper, nasa loob ng katawan niya ito at unti-unting pinapatay ang kaluluwa niya" natigilan ako sa sinabi niya, reaper? wahh! hindi naman nag eexist iyon.
"Please gamutin mo siya"
"Sorry hindi ko kaya, tanging isang deypse lang ang may kakayanan sa ganitong bagay"
"Sino—"
"Brianne!! Russel!!" si Vonique, help me please"Brianne! Anong nangyayari sayo? huh? don't worry, tutulungan kitang gumaling" sabi niya, paano niya ako tutulungan? wala na nga akong pag asa di ba?
"Hindi mo siya kayang pagalingin!!" sabi ni Adley na mukhang natataranta na."Tanging dugo lang deypse.."
"Tama! Akin na yang hawak mo Francis" kinuha niya yung kutsilyong hawak ni Francis at sinugatan yung sarili niya.
"Vonique ano ba yang ginagawa mo? nababaliw ka na ba?" sabi ni Adley na naguguluhan,at maging ako ay naguguluhan narin sa nangyayari ngayon.
"Let her do what is right" umupo si Vonique sa harap ko at pinatulo niya yung dugo niya sa labi ko, kusa naman iyong pumasok sa loob ng katawan ko na parang may sariling buhay
"Sana tumalab" bulong niya at hinawakan ang kamay ko"Please..." maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng kakaiba, parang naging normal na yung katawan ko.
"Vonique" I can't help my self but to cry, thanks to her, I'm still alive, utang ko ang buhay ko sa kanya"Thank you!" niyakap niya ako ng mahigpit, huhu
"Salamat rin at saka sorry dahil nag lihim ako sa iyo" lumayo siya sa yakap at pinunasan yung luha ko
"Tell me now, ano ba yung inililihim mo at saka ano yung deypse?" napayuko lang siya at tumayo na.
"Sasabihin ko mamaya ang importante ngayon ay ang makauwi tayo" tinulungan niya akong makatayo, still she is not looking at me.
"Halika Vonique" hinila siya ni Francis at tinakpan yung sugat niya, may tumulong dugo sa lupa at wow! may tumubong halaman na namumulaklak.
"What the!"nilapitan ko yung rosas at pinitas ang bulaklak niya"Wow! Mukhang kailangan mo talagang mag paliwanag Vonique"
"So you're the deypse, the great empress" sabi ni Adley at nag bow pa sa harap namin.what?! Empress! Omo! Reyna si Vonique? unbelievable
***
