CHAPTER 21

950 24 1
                                    

Chapter 21

"Come back to me Vonique, I love you"

Nag pa-ulit ulit iyon sa isip ko, he truly loves me, my ghad!

"Halika na anak"

"No bitawan mo ako, hindi ikaw ang mommy ko!" sigaw ko at itinulak siya, may pwersa namang humila sa akin at sa pag mulat ko ay mukha ni Francis ang nakita ko, umiiyak siya? first time ito ah.

Inilibot ko yung paningin ko, lahat sila ay iniiyakan ako? the h, hindi naman ako namatay, sinakop lang ng demonyo yung kaluluwa ko kaya ako ..

"OH MY Ghad!! Nagising ang patay!!! waahh!!" napamulat sila at nanlalaki ang mata na lumapit sa akin.

"Okay ka na ba?" tanong ni Francis at hinawakan yung kamay ko, bumangon naman ako at tinitigan siya.

"Ikaw? Okay ka lang?" tumango siya.

"Oo naman"

"Weh! sinapian ka ba?" nag katinginan sila ni Vince.

"Huh?"

"Oo nga Francis, sinapian ka ba?" mapang-asar na sabi ni Vince at ayun sinapok siya ni Francis.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko"

"Umiiyak ka kasi, first time kong makita yan at saka ..." tinignan lang niya ako sa aking mga mata kaya nag iwas ako ng tingin"Nevermind"

"Vonique" napatingin ako kay Brianne"Waahhh!!!" agad niya akong niyakap ng sobrang higpit, as hindi na ako makahinga"huhuhu, promise mo na hindi mo kami iiwan" humahagugol parin siya.

"Oo na"

"OA mo Brianne, tama na yang drama mo, pati tuloy ako naluluha na" at ayun nakisama na si Althea at yung boys.

"Group hug!" sigaw ni Russell at ayun, ako ang napitpit.

"Guys hindi ako makahinga" at ayun lumayo na sila.

"Simula ngayon tutulong na kami sa pag tuklas ng sikreto nitong Aviana para makauwi tayo ng ligtas" nakangiting sabi ni Vince.

"Yeah Vonique hindi na namin hahayaang mag-isa ka sa laban na ito" sabi naman ni Brianne habang pinupunasan yun luha niya.

"tama dahil tayo ay mag kakaibigan at walang iwanan, kung may problema ang isa, lahat tayo ay mag tutulungan para solusyunan iyon" dagdag ni Althea.

"'cause that what's friends for, just promise to us na wala ng mag tatago ng sikreto" tumango ako.

"All for one" inilagay ni Russel yung kamay niya sa gitna namin at ipinatong naman namin doon yung kamay namin.

"One for all!!"

"Anyway, ilang araw ba akong tulog?" nag katinginan sila.

"Tatlong araw lang naman" napa'ah' nalang ako.

Yung sinabi ni Francis, siya ba talaga iyon? parang hindi kasi, oo mag kaboses sila pero ibang-iba yung pananalita niya.

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon