Chapter 4:
Bitten by a Reaper"Althea balik muna ako, hanapin ko si Russel" tumango naman siya kaya ayun iniwan ko na silang dalawa para mag karoon sila ng time hehehe.
Tinungo ko yung daan kung saan kami pumasok kanina and luckily ay nahanap ko rin agad, nang makalabas ako ay sakto namang papasok sila Vonique at Francis, hindi nila kasama si Russel.
"Francis! I thought mag kasama kayo ni Russel" napatingin siya sa akin at nag kibit balikat."Nasaan siya?"
"Hindi ako hanapan ng nawawalang tao" at ayun nilagpasan ako, lumapit ako kay Vonique na nakatunganga.
"Huy! Vonique!" agad naman siyang napatingin sa akin na may pagka-gulat sa mukha niya"Ano bang nangyayari sayo? Kahapon ka pa ganyan? May lagnat ka ba? Wahhh!!don't tell me mamamatay ka na!! No! Marami pa tayo—aray!! Makabatok 'to" binatukan ako ni Althea, sakit ah.
"OA mo" kahit masakit yung pagkakabatok niya ay ningitian ko siya pero inirapan lang niya ako.
"Saan kayo pupunta?"
"hindi natin mahanap yung Van kaya uuwi na muna tayo" si Vince habang may tinitignan sa phone niya
Nakisabay narin ako sa kanila Vonique, I look at her, she's weird, well, una palang kaming
nag kita noon ay weird na talaga siya, pero parang mas naging weird siya ngayon."Uy Vonique!! Pansinin mo naman ako!!" tinignan niya ako pero nag iwas rin siya agad ng tingin, tatahimik na nga ako
Hindi ako nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay, oh di ba! nakayanan ko ang hindi dumaldal, pagpasok namin ay nakita namin si Russel na nakaupo sa sala,ginagamot yung braso niyang may sugat.
"Omo! Anong nangyari? Dalhin ka na namin sa hospital! Russel!Waaahh!!" tumigil siya sa pag dampi ng cotton at tinignan ako ng masama.
"Shut up Brianne, you're being OA! Para kang manok! ang ingay mo, putak ng putak" sungit niya ah, ano ba kasing nangyari sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo Keith?" tanong ni Vonique, woo! tinawag niya si Russel sa second name, it means,seryoso siya.
"I just trip" mukhang hindi naniniwala si Vonique."I'm telling the truth"
"You're eyes, you are lying" rinig kong bulong niya, wow ah, malalaman niya kung nagsisinungaling ang pinsan niya sa pamamagitan lamang ng mga mata niya.
"Can I excuse him for a while?" tumango naman kami at ayun umalis na silang dalawa.
"Anong problema nung dalawa?" tanong ni Vince pag kaupo ko sa tabi niya, pansin niyo? palagi akong nasa tabi niya? aaminin ko na nga, may crush ako sa kanya, kung hindi niyo alam kung ano iyon, isa lamang pag hanga na nararamdaman ng kabataan ngayon, gets?
"why are you asking us? malamang hindi namin alam" sabi ni Francis at umakyat na sa second floor,sus! nag away na naman siguro yung dalawa, makapag upload nga sa fb.
Kinuha ko yung phone ko at pocket WiFi, pag kaopen ko sa FB account ko ay samut-saring komento ang natanggap ko sa litrato na ipinost ko kagabi.
"There's no such thing Aviana"
"Nababaliw ka na ba?"
"Who is the old woman behind you?"
Tinitigan ko ng mabuti yung litrato, madilim kasi noong kinuhanan ko, and there, I saw the old woman, her dress, it's black!!
Waah! multo ata iyon na sumusunod sa amin.
***
RUSSEL KEITH CHUAShe called me by my second name, it means she's serious, f*ck! How can I tell to her the truth.
"Can I excuse him for a while?" tumango sila at lumabas na kami, naglakad-lakad lang kami hanggang sa makalayo na kami ng kaunti sa bahay."Now, tell me the truth"
"I trip" mukhang hindi siya na kumbinsi"Fine! Oo na, I lied"
Magaalala lang siya kung sasabihin ko, at sisisihin na naman niya yung sarili niya.
"I've been chased by a reapers sa katatakbo ko ay hindi ko kinaya, they bite me at ito ang resulta" itinuro ko sa kanya yung sugat ko, f*ck nangyari na ito noong bata pa kami.
"Bakit hindi ka humingi ng tulong?" her eyes, I can see that she's worried.
"I tried and they saw me, marami sila at parang may ibinubulong silang hindi ko maintindihan" ang weird talaga, nakakakita ako ng mga kaluluwa, yeah! kaluluwa yung mga nakita ko at syempre reapers, don't get me wrong, wala akong ability na katulad ng kay Vonique.
"Sinasabi ko na nga ba, this place is dangerous, kasalanan ko na naman—" naiiyak na siya kaya niyakap ko nalang para pakalmahin.
"It's not your fault, hindi mo naman ginustong mangyari sa akin ito" humiwalay siya sa yakap at tinignan yung sugat ko, actually maliit lang talaga iyon, sadyang masyado lang siyang nag-aalala."aahh!" pinisil niya kasi"Yah! What are you doing?"
"Reapers bite have consequences, maaari kang mamatay kung hindi ko matanggal ito" pinisil pa niya iyon at kusang lumabas ang itim na bilog na kasing laki ng holen."Sa susunod mag iingat ka, ang syudad na ito, I found it creepy, may itinatago sila,look, paano natawag na syudad kung kakaunti lang ang naninirahan, it feels like,may nakatago pang ibang katauhan itong Aviana,so please be careful"tumango ako at ginulo yung buhok niya, napasimangot naman siya dahil doon.
"Mag-iingat ako promise basta huwag mo ring tatanggalin yang...nasaan yung necklace mo?" napayuko siya.
"I forgot to bring, mianhae" hindi niya pwedeng makalimutan iyon, paano nalang kung atakihin rin siya ng reapers lalo na pag nalaman nila na nakakakita siya ng ganoon.
"Wala naman akong nakikita sa ngayon kaya huwag kang mag alala" she smiled at me.
"Just make sure that they will not be able to know that you can see them" tumango siya at sumalute pa.
"Gumagabi na pumasok na kayo sa loob" sabay kaming napatingin sa nagsalita, matandang lalake, may hawak siyang kahoy na gagamitin sa pagluluto.
"Kailan po ba magkakaroon ng kuryente?" tanong niya.
"Mamaya pa siguro ija, hintayin niyo nalang, mauna na ako,hindi ako pwedeng maabutan ng dilim" umalis na siya, pansin ko lang ah, yung mga tao dito, ayaw nilang nagagabihan sa daan, really? What's with this city?
"We should go back Russel" tumango lang ako at pumasok na kami sa loob.
Kung ano man ang meron sa syudad na ito, kailangan namin iyon malaman.
***
Hit Vote po kung nagugustuhan niyo :) kamsa.
