Chapter 23
XANDRIA VONIQUE CHUA
Gabi na ng matapos naming mabasa lahat ng laman ng aklat na iyon, hawak narin pala namin ang pana na binabanggit dito, actually, alam ko naman siyang gamitin dahil nga nagkaroon kami noon ng activity sa pag papana at saka alam niyo bang sharp shooter ako.
"Balik na tayo" tumango ako at isinara ang libro, automatiko namang nag karoon ng lock ang libro.
Habang nag lalakad kami sa mahabang hallway ay walang nag sasalita sa amin, I can still feel the awkward aura between us.
Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at sa kamay naming mag kahawak.
"I didn't know why I fall for you, basta pag gising ko isang araw ay ikaw na ang tinitibok ng puso ko, f*ck ang bakla ko" ewan ko nga ba kung matatawa ba ako sa itsura niya o ano, ang cute niya kasi, at saka yung pinagsasabi niya, feeling ko namumula na ako ngayon,buti nalang medyo madilim, hindi niya makikita."Vonique" tumigil kami sa paglalakad, bale nasa tapat na kami ng veranda.
"Bakit?" hinarap niya ako at hinawakan yung pisnge ko, pinagmasdan lang niya ako at maya-maya ay naramdaman ko nalang yung malambot niyang labi sa labi ko, napapikit nalang ako dahil doon, my first kiss.
"I love you—"
"Nandito lang pala kayo kanina ko pa kayo h-hinahanap" hinihingal na sabi ni Russel, galing siya sa pag takbo.
"May problema ba?" tanong ko.
"Oo"
"Wrong timing naman oh" rinig kong bulong ni Francis pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Nawawala si Althea"
"What?!" nagkatinginan kami ni Francis.
This is bad.
***
SHINE ALTHEA GOThis is so argh! ang dilim! dapat nag dala ako ng phone o flashlight, hindi ko inaasahan na sobrang dilim pala kahit na may buwan.
*Crick*
Napatigil ako sa pag lalakad ng may marinig akong kaluskos.
"Who the hell are you?!! Magpakita ka" sigaw ko, I'm sure that someone has been following me.
Walang sumagot kaya ipinagpatuloy ko na ang pag lalakad ko dito sa kawalan, bakit ba kasi ang raming gubat dito, the hell! hindi naman bayan ito o so what ever.
Isa lang ang nasa isip ko ngayon, yun ay ang hanapin si Vince, yeah! I will find him no matter what happen, just.. I don't know why I have this feeling for him, hindi dapat ako ganito sa kanya kasi nga palagi niya akong iniinis at ginugulo, pero bakit ganun, m-mahal ko na ata siya.
Alam niyo ba yung feeling na may parte sa akin na kulang, yung presensya ni Vince, hinahanap-hanap ko, yung pangungulit niya at lahat ng bagay na may kinalaman siya, I miss it a lot, I miss him so much.
Napatigil ako sa pag lalakad ng may nag pakita sa harapan kong isang babae, naka itim siya at nakamaskara, familiar yung mga mata niya pero hindi ko nalang inisip, ang mahalaga ay mahanap ko na si Vince.
"Nasaan si Vince"
"Too much love can kill you my dear" malademonyo yung ngiti niya.
"Tell me now kung nasaan siya or I will kill you by my self b*tch"
"Hahaha and you think, you can do it? I'm much more powerful than you think" sinamaan ko siya ng tingin at sasampalin ko na sana siya pero napatigil rin ako dahil sa isang iglap ay nasa ibang lugar na ako, I look around and I can't see nothing, except the lava and fire around me, in short, nasa impyerno ako."Gusto mong makita si Vince? go! find him"
Tumakbo na ako para hanapin siya at nang makita ko na siya ay hindi ko napigilan ang maluha, yung itsura niya, wasted, parang nag aagaw buhay narin siya.
"V-Vince" nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko na siya.
"Al-althea ba-bakit ka nandito?" humiwalay ako at hinawakan yung pisnge niya.
"I'm here to get you out in this place" sabi ko at pilit kong tinatanggal yung bakal na naka tali sa kanya.
"Please...u-umalis ka na"
"Vince naman"
"I love you and I don't want you to suffer" mas lalo pa akong napaiyak.
"I love you too Vincent and I can't barely see na nahihirapan ka"
"Ha.Ha.Ha. What a lovely couple?" sarkastikong sabi ng babaeng demonyo na palapit ngayon sa amin.
"Pakawalan mo na siya!" lumapit siya sa akin at sinakal ako, halos maiangat na ako.
*ack* hindi ako makahinga.
"I can kill you right now in front of your nerdy prince" I tried to get off her hand pero hindi ko kaya"Pero hindi pa ito ang tamang panahon para patayin kita" ibinaba niya ako, napahawak naman ako sa leeg ko
"Patayin mo nalang kami"
"Don't worry, dadating din tayo diyan, as of now, gusto kong gawin mo ang ipapagawa ko, I want you to kill your lovely friend—"
"No! I will never gonna do that!"
"Really? then.." sabi niya at nilapitan si Vince at akmang sasaktan niya kaya nag salita na ako.
"Fine! Just promise to me that you will let him leave this place"
"Madali naman akong kausap eh pero mangyayari yan kapag natapos mo na ang trabaho mo" lumapit siya sa akin at may ibinigay sa aking itim na bote"Drink it" what should I do? hindi ko kayang gawin yung ipinapagawa niya,"I said ! Drink it!!"
Kinuha ko iyon at ininom, nakaramdam naman ako ng sakit sa tiyan ko at dahil doon ay nag suka ako ng dugo.
"Masusunog ka rin sa impyerno" then everything went black.
***
BRIANNE FRANCES VELILA
Nasaan nayun? bigla nalang siyang nawala.
Nandito ako ngayon sa may kagubatan, sinusundan ko kanina si Althea, you know? baka mapahamak siya pero hindi ko siya nasundan.
Tatalikod na sana ako para bumalik sa loob pero may napansin akong babaeng nakahiga, kung hindi ako nag kakamali,si Althea iyon!
"Althea omo! gumising ka!! My ghad! may dugo" dinudugo yung bunganga niya at saka sa may ilong niya."Tulong!! Tulong!!" sigaw lang ako ng sigaw, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"BRIANNE!! ALTHEA!!" boses ni Russel iyon ah.
"Nandito kami!!"
Maya-maya ay natagpuan na nila kami, agad namang binuhat ni Francis si Althea, sana, okay lang siya, kasalanan ko ito eh, sana sinundan ko siya ng maigi
"Hindi mo kasalanan" napatingin ako kay Russel, parang ang lalim ng iniisip niya.
***
