Chapter 9
The start of the BeginningXANDRIA VONIQUE CHUA
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, parang ang ganda ng pakiramdam ko ngayon, parang nag iba itong katawan ko, mas lalo akong lumakas.
I was about to get out of my bed when I remembered everything, Fier? Tinignan ko yung pulsuhan ko, ng hawakan ko iyon ay nag pakita yung simbolong iniwan niya, umiilaw pa ito.
"Gising ka na pala" napatingin ako sa nag salita, si Liam?
"Anong ginagawa mo dito?" ningitian niya ako, as usual, yung eye smile niya, ang cute niya ah, gusto ko siyang kurutin."ang cute mo naman" napa'pout' siya.
"Cute lang? hindi hot?" sabi niya tapos itinaas yung shirt niya dahilan upang makita ko yung abs niya.
"Tigilan mo nga yan Liam kung ayaw mong batuhin kita ng cherifer" oops! ang hard ko na sa kanya.
"Grabe, nag punta ako dito para ipagluto ka tapos gaganyanin mo lang ako" sinamaan pa niya ako ng tingin"Di bale, Ipapakain ko nalang sa aso ko—"
"Wait! Maliligo lang ako, chupi!" itinulak ko siya palabas ng kwarto ko at nang maisara ko na ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Hi! Good Morning!"
"My goodness!! Huwag ka nga nanggugulat at ano na naman ang gagawin mo sa akin" he just smirked at me."Umalis ka na"
"At bakit naman?"
"Ayaw kitang makita"
"Hindi ako pwedeng umalis sa tabi mo lalo na't malapit na yung grand banquet ng Aviana kung saan mag bubukas ang lagusan na patungo sa impyerno" napakunot noo ako, ano na naman ba yung sinasabi niya"Maraming inosenteng tao ang mamamatay sa araw na iyon at isa sa mga kaibigan mo ang mag bubuwis ng buhay para doon—"
"Hindi ako naniniwala sa iyo, everything is okay" ang aga-aga nananakot.
"Yan ang akala mo" sabi niya at nilapitan ako"Makipagtulungan ka kay Francis, he knows everything" by that, he disappeared
Ano namang kinalaman ni Francis? yung sungit na yun. Instead na problemahin ko iyon ay dumiretso nalang ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, naabutan ko namang nag aabang sila sa hagdanan habang si Brianne ay may hawak na cake at si Althea naman at may hawak na videocam.
"Happy Birthday!!!" how can I forget na birthday ko pala ngayon.
"Waahh!! Happy Birthday to you~ Happy Birthday to you~ " pag kanta nilang lahat except kay Francis na nakasandal lang sa gilid at poker face na nakatingin sa akin.
"Blow out the candle Vonique" sabi ni Althea at ayun hinipan ko na.
"Lah! KJ mo naman Althea dapat pinag wish mo pa siya" sabi ni Vince at sinindihan ulit yung kandila"now make a wish"
"Rami mo namang alam" sabi ni Althea at inirapan si Vince.
"Dali na Vonique" na eexcite na sabi ni Russel.
