CHAPTER 26

882 26 0
                                    

Chapter 26
Danger

XANDRIA VONIQUE CHUA

Tumakbo kami pabalik sa bahay pero ang nadatnan nalang namin ay ang mga basag na flower vase at ang gulo-gulong gamit namin, hinalubhob namin ang buong bahay pero wala kaming nakita, tanging ang cellphone lang ni Althea ang nandito.

Kinuha ko iyon at binuksan,pagkabukas ko ay note agad ang nakita ko.

It says.Vonique help us, we are in inferno, I can't control my self, someone is after us, a girl hvmjs

Girl? Babae! tama nga ang hinala ko, yung nakita ko sa Banquet, siya iyon, malaki talaga ang maidudulot niya sa amin.

"Fier" tinatawag ko si Fier pero hindi siya nag papakita, I guess ito na talaga ang oras para iligtas ang taga Aviana at syempre ang mga kaibigan ko.

"We need to go" kinuha ko sa ilalim ng sofa yung nakatuping bow and arrow, maliit lang siya at kusang lumalaki kapag gagamitin ko na.

Nang makalabas na kami ay sakto namang may umatake sa aming reapers buti nalang ay nasakal agad ni Francis at namatay iyon.

Yung pakpak ni na kalahating itim at puti Francis, Hindi na siya invisible, lumabas na iyon at yung mga mata niya, naging pula na.

"Francis" he smiled.

"Don't worry, ako parin ito" hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming tumakbo palabas.

Nag kakagulo na yung mga tao sa paligid namin, at isa lang ang pumasok sa isip ko, si Liam! Nasaan siya?

"Francis sandali! hanapin natin si Liam" kinunutan niya ako ng noo.

"Vonique we need to go, our friends need us—"

"But this people needs me too" binitawan niya ako"Where are you going?"

"Bahala ka ng kumalaban diyan"

"What?! You're going to leave me?" he stared at me, lumapit siya sa akin at niyakap ako, isang yakap na nag pakaba sa akin, ito na ba yung nakatadhana?"Francis...d-don't be like this" may tumulong luha sa mga mata ko pero agad ko rin iyong pinunasan.

"I will be back, may gagawin lang ako, mag kita nalang tayo sa tagpuang pinagusapan natin kanina" bago pa man siya makatalikod ay hinawakan ko na yung pisnge niya at hinalikan siya sa labi,"So...?" napaiwas ako ng tingin.

"Oo na, sinasagot na kita kahit hindi mo naman ako niligawan" lumawak yung ngiti niya at hinalikan pa ako sa noo ko bago siya lumipad.

"Magiingat ka" tumango lang ako.

Naglakad-lakad lang ako, marami naring mensahero ang nakikipag laban sa mga reapers at wraight, may pakpak rin kaya ako? kung meron, bakit hindi ko magamit?

"Mama!!" napatingin ako sa may right ko at nakita ko yung batang pinalilibutan na ng reapers.

Gamit ang sandata ko ay pinatay ko yung apat na reapers saka ko nilapitan yung bata at tinulungang makatayo.

"Nasaan si Mama mo?"

Hinanap namin yung nanay niya at hindi naman kami nahirapan dahil maging ang nanay niya ay hinahanap rin siya.

"Anak!! Salamat sa Diyos ligtas ka" niyakap niya yung anak niya, tumalikod na ako at ipinagpatuloy ang pag hahanap kay Liam.

Hindi ko talaga mahanap si Liam, maging si Adley, nag aalala na ako para sa kanila.

"Vonique!" napatingin ako sa likod ko, si Fier.

"Bakit ngayon ka lang? tulungan mo naman akong hanapin si Liam" he just smirk.

"Hayaan mo na sila ang mahalaga ay matapos na ang delubyong ito" itinuro niya yung buwan na malapit ng mag karoon ng eclipse."see that? that's the sign na kailangan mo ng harapin ang tadhana mo"

"Pero paano yung mga tao?..at yung mga kaibigan ko" pumalakpak siya

"That's my point, pagkatapos mo mapatay ang reyna,doon mo lang sila maililigtas"

"Okay then, Dalhin mo ako doon" he smirked again before making a portal, pumasok na ako doon ng mag-isa.

It was hot,I'm in inferno now, Hinanap ko agad yung mga kaibigan ko pero hindi ko sila makita, masyadong malaki itong lugar na ito.

"Hahahaha I didn't know that you will come for me" napalingon ako sa paligid ko, walang tao.

"Magpakita ka!! huwag kang duwag!!" maya-maya pa ay may sumalakay sa aking reapers, sadyang malalakas sila kaya napaupo ko ng tamaan nila ako, nag suka ako ng dugo ng dahil doon.

"Yan lang ba ang kaya mo? baka naman mamamatay ka na ay hindi mo pa nahaharap ang kalaban mo" malademonyo parin ang boses niya, tumayo ako at inilabas ang pana ko at saka ko sinalakay yung mga reapers na nasa paligid at nang mapatay ko na silang lahat ay ipinagpatuloy ko na yung pag hahanap sa mga kaibigan ko at luckily natagpuan ko na sila.

Si Brianne at Russel nakatali sa gilid, si Vince, he is unconscious, si Althea?

"Ash!" may sumaksak sa akin galing sa likod ko, si Althea, I can't believe that she...she do this to me.

"Paano ba iyan? pati kaibigan mo ayaw na sa iyo?"

"Vonique huwag kang magpapaniwala diyan!! Kinokontrol lang niya si Althea!!" sigaw ni Brianne.

"Sa likod mo"- Russel, napatingin ako sa likod ko pero huli na ang lahat, sinakal niya ako, hindi na ako makahinga dahil doon, masyado siyang malakas.

"You're so weak! You can't even save the people that you love!! Too bad Vince is dead now" nanghina ako sa narinig ko, no, this can't be real, niloloko lang niya ako"Ayaw mong maniwala? Go! See it for yourself" sabi niya at itinulak ako papunta sa kinaroroonan ni Vince.

Tinignan ko kung humihinga ba siya o hindi na, she's right, Vince is now dead...

"Do you know who killed him?" napatingin ako sa Reyna ng masama, I will avenge his death, I promise."Ang kaibigan mo lang naman na si Althea, what a sad love story isn't? haha"

"Sino ka ba?!!"

"That's a good question my dear, sa wakas na curious ka na sa akin" lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako, hinawakan niya ako sa pisnge ko pero tinabig ko lang iyon.

"Just answer me!!" nakaramdam ako ng galit dahil sa ginawa niya kay Vince, I will probably kill her with my own hands.

"Oh here I am" tinanggal niya yung maskara niya at hindi ko akalain kung sino yung nakita ko.

"Adley?"

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon