Chapter 24
XANDRIA VONIQUE CHUA
"Kumusta siya?" tanong ni Russel pag labas ko ng kwarto ni Althea.
"Ok na siya, hindi naman siya napano" sabi ko at ningitian siya.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit wala naman akong nakitang mali sa kanya? I mean, hindi naman siya inatake ng reapers pero bakit siya sumuka ng dugo.
Hayaan na nga, kailangan ko munang mag ensayo sa pag gamit ng panang naipamana sa akin ng hari, ang ama ko.
Pumunta ako sa may isang kwartong pinag eensayuhan, nakita ko ito noong nag lilibot ako, papasok palang ako pero bigla akong nakaramdam ng pag kahilo at may nag pakita sa akin...flash back.
Flash back...eighteen years ago
"Hon anong gagawin natin sa anak natin" sabi ng mommy ko kay Dad.
"Kailangan natin siyang protektahan, itong pana, ipinagawa ko ito para sa kanya, para maipagtanggol niya yung sarili niya"
Nakikita ko kung paano ginamit ng dad ko ang pana, napunta ako sa isang lugar kung saan ay ang araw ng pag salakay ng mga reapers at iba pang lamang lupa na kasing sama ng mga demonyo.
Nakita ko kung paano makipag laban ang aking ama sa isang reaper na pinaniniwalaan kong hari nila, napatay niya ito ngunit kapalit naman ng buhay ng aking ama, namatay siya na walang ka laban-laban.
Sumunod namang nag pakita sa akin ay ang imahe ng mommy ko, yung matapos niya akong itapon, pinatay rin siya ng isa pang demonyo, isa siyang reyna.
"Nasaan ang anak mo?" hindi sumgot si Mommy hanggang sa nawalan na siya ng buhay..
