Chapter 3:
First Day
It's an ordinary day for us all, nandito ako ngayon sa bahay kung saan ay pansamantalang dito muna kami titira, as of now, wala namang ibang kababalaghan na napansin ko, parang ordinaryong syudad lang ito, may mga malalaking bahay pero kakaunti lamang, madalas kasi na makikita dito ay ang mga bahay na gawa sa kahoy.
Tanghali na at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik yung pito, iniwan kasi nila ako kanina, sabi nila ay mag lilibot muna sila. Talagang nagawa pa nila akong iwan na mag isa dito.
Mahirap rin ang buhay dito dahil hindi kami makakapag charge, walang kuryente, sabi ng nag pahiram sa amin na isang taga dito ay may inaayos pa daw sila sa daluyan ng kuryente kaya hanggang ngayon ay wala pang kuryente.
Umakyat ako patungo sa kwarto ko para mag palit, I decided na lumabas muna, boring eh at sya nga pala, hindi ko pa nahahanapan yung kwintas ko, siguro naiwan ko lang yun.
Paglabas ko ay ang sikat ng araw ang bumungad sa akin, mainit na ang panahon kaya mas gugustuhin ko sana ang mag stay sa loob pero nabobored ako at saka gusto ko ring mag libot-libot kahit mag isa ko lang.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang bahay, parang hunted house and dating, tumingala ako para makita yung nasa pangatlong palapag ng bahay na yun at may nakita akong matanda, yun yung humarang sa amin kahapon, ang sama ng tingin niya sa akin, nagkatitigan lang kami hanggang sa ako ako na mismo ang napaiwas ng tingin.
"My goodness" bigla kasing may humawak sa balikat ko, ng tignan ko kung sino yun, isang lalakeng halos kasing tangkad ko lang, nakangiti siya na halos hindi na makita yung mga mata niya, eyesmile.
"Hi! Sorry kung nagulat kita" tumango lang ako at tinalikuran na siya"Mag-iingat ka" napalingon ako sa kanya.
"Bakit?"
"Let's say na nganganib ang buhay niyo" napakunot yung noo ko at nilapitan siya"By the way, ako nga pala si Liam Alfonso, taga rito ako, malapit lang sa bahay na tinitirhan niyo pansamantala" inilahad niya yung kamay niya sa akin, then when I'm about reach for his hand ay may pumigil sa kamay ko at inilayo sa kamay niya.
"Don't talk to strangers" napatingin ako, si Francis, nakakunot yung noo niya.
"Hi! Bro!" napatingin si Liam sa akin"May kasama ka pala" tinabig ko yung kamay ni Francis at sinamaan siya ng tingin bago ko kinausap si Liam.
"Yeah, actually, we are here to have a vacation with our friends" napa'ah' siya.
"What's your name?"
"My name—"
"Her name is nothing..." napatingin sa akin si Francis ng masama"..Let's go" nag wave nalang ako kay Liam.
"Just call me Vonique!!" tumango naman siya.
Tuluyan na akong hinatak ni Francis palayo kay Liam. Habang nag lalakad kami ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanya, ang gwapo niya kasi lalo na kapag naka poker face siya na katulad ngayon.
"What are you looking at?" nang mapatingin siya sa akin ay napatigil ako sa paglalakad, his eyes, it's yellow.... it means, jealousy.. that's nonsense, baka nagkakamali lang ako ng tingin."Hey!"
"Sorry" umiwas ako ng tingin, nakalimutan kong sabihin sa inyo, may kakayanan rin akong makakita ng nararamdaman ng isang tao sa pamamagitan ng pag tingin sa mga mata nila, mandalas kong nararanasan iyon kahit pa suot ko yung kwintas ko.
I don't know if I can considered it as a blessings, ayaw ko ng ganito sa totoo lang dahil nga, malalaman ko kung sino yung mga tunay na kaibigan at kung sino yung nagpapaggap lamang, isa na doon ang mortal frienemy ko na si Francis, yeah, peke siya sa pag kakaibigan naming dalawa, tanggap ko namang may galit siya sa akin pero ang ipinagtataka ko lang, bakit siya ganun? Nagiiba ang nararamdaman niya minsan..
"You're spacing out" napatingin ako kay Francis.
"Huh?" itinapat niya sa mukha ko yung ice cream na hawak niya, chocolate flavor, my favorite."Thanks"
"Don't you ever talk to strangers again? lalo na kapag hindi familiar sa atin ang lugar na ito, naiintindihan mo ba?" tumango naman ako at lihim na napangiti, he cares about me and I can see it through his light brown eyes.
Light brown means caring..
"Nasaan nga pala yung iba? bakit mag isa ka lang?" tanong ko saka kumagat sa ice cream.
"Hindi ako tanungan ng nawawala" nagiging sarkastiko na naman siya.
"Nagtatanong lang eh"
Habang nag lalakad kami ay may nadaanan kaming falls kaya naman hinila ko si Francis patungo doon, umupo kami sa may gilid kung saan ay tanaw na tanaw namin yung falls.
Nakatingin lang ako sa falls habang inuubos yung ice cream ko, ayaw ko kasing mapatingin kay Francis dahil nga na oawkward ako, like hello? We're enemies? and enemies should not be together like this.
"Vonique" by that napatingin ako sa kanya."Nothing" sabi niya at tumingin sa malayo, problema niya? sa totoo lang, ngayon palang kami hindi nag aaway.
***
BRIANNE FRANCES VELILAWahh!! Omo! Daebak!! Ang ganda ng Aviana, parang isa itong paraiso na nag tatago sa makipot na lugar,lol.
Alam niyo ba kung nasaan kami? hindi noh? malamang.hahaha.
Nandito kami ngayon sa may kagubatan, yeaz it is a forest, take note, nakarami na ako sa picture dito ah,siguro mahigit fifty na.
"Pahinga muna" sabi ni Vince at umupo sa malaking sanga ng punong napakalaki.
"Are you sure? tama yung pinupuntahan natin? Look! We've been here, kanina pa tayo na papadako dito at hanggang ngayon hindi pa natin nahahanap yung pipitsuging van ni Russel" naiinis na saad ni Althea habang ako ito, nag seselfie na naman, ang ganda kasi ng view, lalo na yung mga puno, kakaiba, parang may sariling buhay sila.
"Nasaan ba kasi si Russel? Brianne?" nagkibit balikat lang ako."Anong hindi mo alam? Magkasama lang kayo kanina"
"Aba! Ewan ko, kasama niya si Francis" nagpatuloy lang ako sa pag seselfie hanggang sa mapagod ako at umupo sa tabi nila Vince.
Habang tinitignan ko yung mga nakuhanan ko ng litrato ay may napansin akong babae na nakuhanan sa isang selfie ko, I'm not sure kung sino iyon, parang matanda, OMO! Siya yung matanda na nakita namin.
"Vince look! Yung matanda nasa picture" ipinakita ko kay Vince yun pero nangunot lang yung noo niya.
"You're hallucinating, pagod ka lang" dahil sa sinabi niya ay tinignan ko ulit yung picture, wala na, waahh! Kung ano-ano na yung nakikita ko.. nakakatakot. Siguro pagod lang talaga ako.
***
Mysterious old woman..
