CHAPTER 11

1.2K 35 0
                                    

Chapter 11
Dancing in the moonlight

SHINE ALTHEA GO

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay, nag fifeeling bonfire sa tabi ng dagat ang mga kaibigan ko, nag set up sila dito ng kahoy na mauupuan namin at gumawa pa sila ng apoy sa gitna namin.

Nakapalibot kami ngayon sa apoy na ginawa ni Vince, hinihintay yung binili nilang alak na hindi ko alam kung saan nila binili, kakaiba nga eh, produkto daw iyon ng Aviana.

Kasama ko lang ngayon ay si Francis na poker face habang nilalaro yung hawak niyang kahoy at si Vonique na kanina pa tulala, problema nilang dalawa? tsk! Hindi nila ako gayahin, walang pinoproblema, saka lang ako mag kakaroon ng problema kapag kinukulit ako nung si Vince na lalaking may gusto sa kulay pink.

"Yohoo! Party Party!!" speaking of, nandito na sila kasama si Liam na buhat buhat yung isang case ng alak na binili nila.

"Para ito sa birthday ng pinsan kong pinakamaganda sa mundo-"

"Hoy Russel!! Ako kaya ang pinakamaganda, sabi mo kanina" naka'pout na sabi ni Brianne sabay baba sa lamesa yung hawak niyang tupperware na may lamang barbecue na niluto niya.

"Haha Joke ko lang yung kanina-aray!...aw!...masakit" naghabulan na yung dalawang isip bata, tsk! They are so childish.

"Nakakunot na naman yang noo mo" sabi ni Vince ng makaupo siya sa tabi ko,tsk! mang gugulo na naman itong nerd na ito."Why are you so quiet?"

"Pake mo?" sabi ko at inirapan ko siya.

"Ganyan, dapat mag sungit ka, hindi ako sanay na hindi ka nag susungit" I rolled my eyes, kailan pa ako hindi naging masungit."Do you like barbeque?" umiling lang ako at ako na mismo ang kumuha ng akin, duh! I have my own hands.

"So let's start, dahil ako ang coordinator ng 18th birthday ni Vonique, ako ang mag dedesisyon kung ano ang gagawin natin" panimula ni Russel"okay lang ba sayo iyon Vonique?"

"Uy vonique kinakausap ka ni Russel" she looks so stupid, kanina pa siya ganyan, wala sa sarili

"ah..o-oo, b-bahala kayo"

"Unang-una at hindi sa huli, we will be having a truth or dare game"

"Wala na bang bago?" tanong ko, so cliche na kac eh, lahat ng storya may ganyang laro, nakakasawa.

"Huwag kang KJ Althea" nakangiting sabi ni Vince sabay kagat sa barbecue niya, I didn't bother to look at him, he is so ..ugh plain, yeah, the way he looks today, he's still a nerd with his reading glasses on and his brace, gwapo siya pero... bahala na kayong humusga sa kanya.

"Ano bang hinihintay niyo? simulan na natin!!" -Liam.

"Ako mauuna"-Vince

"Si Francis"-Russel

"Huh? Why me?"

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Brianne, she is looking suspiciously at Vonique and Francis.

"Sa tingin mo Althea, may relasyon sila?" that's nonsense, mag kaaway nga yung dalawa, imposible namang may relasyon sila."Kung may relasyon nga sila, susuportahan ko, bagay na bagay sila" she said it while looking at Vonique and Francis that is talking to each other, hindi ko alam kung ano yung pinaguusapan nila pero isa lang ang nakakasigurado ko, she has a problem.

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon