After that day, she never texted me, nalungkot ako kasi di na talaga sya nagtetext sakin, I tried calling her pero wala na, as in di ko na matawagan, laging unattended or out of coverage area. Nung mga panahon na yun di na ako umasa na makikita sya ulit.
August 2008 (nakalimutan ko na halos lahat ng dates kung kelan kaya pasensya na po)
May nagtext sakin, from unknown number, (di ko na matandaan yung text nya) syempre unknown number tapos other network pa sya, napaisip ako kung sino naman yun para magaksaya ng load na itext ako eh smart sya globe ako, at hindi ako nakatiis tinext ko din, nagtanong kung sino sya, and to my surprise si beth pala yung nagtext. Para akong nabuhayan ng dugo nun bigla, tapos ayun nagexplain sya kung bakit di na sya nagtetext sakin, nawala daw pala cellphone nya, at ngayon nakikitext lang daw sya sa pinsan nya, (eh nung mga time na yan di pa uso yung ALL TEXT sa lahat ng network) syempre natuwa naman ako kasi effort yun para itext ako kahit namagkaiba kami ng network.
Days passed at ayun nagkakatext na ulit kami, effort yun para samin kasi magkaiba kami ng network, and to think na magkakilala lang kami, hindi magkakilalang kilala.
One day naisip ko na makipagkita ulit sakanya, magpapasama ako bumili ng cellphone, at dahil biglaan ko yun nasabi di ko alam kung saan ako kukuha ng pambili ng cellphone kasi nga student pa lang ako nyan, so lumapit ako kay lola ko sa tuhod, nanghingi ako ng pera pambili ng cellphone at katakot takot na hingian ang pinagdaanan ko, pero syempre di nya ako matitis, kaya ayun binigyan nya din ako.
August 2008 (first week ata)
"Mare samahan mo ako bili tayo ng cellphone, may gusto kasi akong phone eh" -yanyan
"OK sige, kelan tayo magkita?" - beth
"After class ko this afternoon, OK lang?" - yanyan
"OK sige text mo na lang ako after ng class mo" - beth
"OK" - yanyan
At dahil magkikita nga kami, ayun super excited ako matapos agad yung classes ko. And at last natapos din sya, mga 3pm na ako nakarating sa meeting place namin, at ayun as usual late na naman sya, pero OK lang, maganda pa rin naman sya. Kasama pala nya yung pamangkin nya na teenager na rin.
"Hi, kanina ka pa?" - beth
"Ah hindi kakarating ko lang halos" - yanyan
"Ah tara hanap na tayo ng cellphone mo" - beth
"Sige" - yanyan
Ayun naghahanap nga kami ng cellphone ko na mura lang, at may nakita naman kami, so ayun binili na namin, at niyaya ko silang magmeryenda, kumain ulit kami sa jollibee, umorder ako ng pagkain namin, kumain, kwentuhan lang, tapos uuwi na kami.
"Tara hatid ko kayo" - yanayn
"Ha?! Wag na gagabihin ka pa" - beth
"Di yan, sige na hatid ko kayo, san ba kayo nakatira?" - yanyan
"Sige ikaw bahala" - beth
"Di ba sabi mo may mga bata dun sa inyo? Bili muna tayo ng pasalubong para sakanila" - yanyan
"Wag na, nakakahiya" - beth
"Sus nahiya pa, sige na" - yanyan
Ayun bumili nga kami ng pasalubong na donut sa mga bata sakanila at para na din sa pamilya nya. Sumakay na kami ng tricycle sa loob ko sila pinaupo at ako sa labas na lang, (gentleman lang ang peg ko eh) ang tagal na namin nakaupo sa tricycle, mga 15mins na siguro bago pa kami nakarating sakanila. Pagdating namin...
"Tara pasok ka muna" - beth, tumango lang ako.
"Upo ka muna" - beth
"Ikaw ba yung kaibigan nya?" - ate Loi, pinsan ni beth
"Ah opo pasensya na medyo late na po nakauwi sila beth" - yanyan, sabi ko sa pinsan nya.
"Ano ka ba ayos lang yun, para na din nakakalabas naman sya dito" - Ate Loi, sabay ngiti ng nakakaloko sakin. ^__________^ Tumango lang ako.
At nakipagkwentuhan na sa pamilya nya, actually di ko pa nameet yung mama at papa nya, Lola nya lang na nagpalaki sakanya at yung pinsan nya, tinanong ako kung saan ako nagaaral, san nakatira, at kung ano ano pang bagay na maisip nila. natuwa naman sila dahil halos pareho lang pala yung mga pamilya namin, laki din ako sa lola ko, yung mga kapatid nya halos kasing edad lang ng mga kapatid ko.
8:00pm
"Ate, lola, uwi na po ako" - yanyan
"Oh sige magiingat ka ha, babalik ka dito" - Ate Loi
"Oo naman te babalik dito yan" - beth
"Sige po alis na ako" - yanyan
"te hatid ko lang sa sakayan" - beth
Pagkalabas namin ng bahay nila...
'Ang layo pala ng bahay nyo" - yanyan
"Di naman masyado" - beth
"Kanina kasi sa tricycle kala ko wala na ako sa Pilipinas nung bumaba tayo" - yanyan, sabay ngiti ng nakakaloko sakanya. ^__________^
"Yabang mo naman" - beth
"Uy joke lang yun, nagulat lang ako na ganun kalayo yung byahe" - yanyan, pagpapaliwanag ko.
At may dumaan ng tricycle at pinara na nya...
"Kuya sa labas?" - beth
"Tara" - manong driver
"Oh sige una na ako ha" - yanyan
"Ingat ka, text mo ako ha pagnakauwi ka na" - beth
"Oo, ingat ka rin" - yanyan
Hanggang sa nakauwi na nga ako at tinext ko sya. Habang nakahiga ako sa kama ko at nagpapaantok, naisip ko wala nga palang cellphone si beth, so ang ginawa ko ay ayun ipinalit ko yung cp ko para sa dalawang mumurahin na cp, para tig isa kami at para matext ko sya, pareho pa kami ng unit para sweet. Nahuhulog na kasi ata ako sakanya.
=============================================================================
Ayun dalawang chapter, sorry talaga sa last chapter, yun lang kasi talaga yung naaalala ko na ginawa namin nung unang beses eh.
Sana may magabasa, kung wala ayos lang :) Basta gusto ko lang ikwento sainyo :)
Sa mga magbabasa ngayon palang THANK YOU na ng marami!
BINABASA MO ANG
First [Short Story] (gxg)
RomanceHi guys! eto na yung first story ko, TRUE STORY po ito, pero yung mga characters di po yan talaga name ok? And yes, this is my OWN STORY. Pinili ko na lang na Short Story kasi di naman ako ganun kagaling when it comes to writing :) One more thing, p...