Chapter Eighteen: Moving on

274 3 0
                                    

Simula nung sinabi sakin ni bhezt yun, pinilit ko ayusin buhay ko, pinilit ko na kalimutan na sya, kahit sobrang sakit ginagawa ko. Tama si bhezt dapat ayusin ko yung buhay ko, dapat pakita ko sakanya na kaya ko, kahit masakit, kahit di ko kaya, bibigay ko ang best ko. Nagsimula ako sa pagtanggal ng pics namin sa FB ko, binura ko lahat ng pics namin, LAHAT LAHAT. Yung number nya binura ko na rin, yung mga messages nya sa phone ko binura ko na, nagpalit din ako ng bagong number. Ginawa kong busy yung sarili ko sa mga bagay bagay para makalimutan ko sya. Di na rin ako masyado nagbababad sa internet kasi alam ko na matetempt ako na tingnan yung profile nya at umiyak na naman dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Mas naging focused ako sa school, more on classmates na ang kasama ko, kahit na lagi kaming nagSM ng mga yun never na syang pumasok sa isip ko, unti unti na nilang pinapalitan yung lahat ng memories namin na naiwan ni beth sa lahat ng sulok ng SM, lagi pa rin nila akong inaaliw, tapos yung Left 4 dead na game, di na nawala sa routine namin, tapos yung kain, videoke, arcades, lahat na ata ginagawa nila for me. Thankful ako kasi di sila nagbago, mas sinuportahan nila ako sa pagmomove on ko ngayon kasi wala na daw yung yanyan na pala inom, yung yanyan na halos igive up lahat ng meron sya wag lang mawala yung mahal nya. Yung yanyan na nagpapakatanga sa isang tao.

Di ko pa rin naman nakakalimutan si pare, si bhezt din masaya for me na ganito na ang ginagawa ko, pero di ko pa rin maiwasan na ayain si pare uminom, kumbaga parang yun na yung naging bonding namin ni pare, pero di na katulad ng dati na lasingan talaga, ngayon chill lang. Yung tamang inom na lang, ganun na lang ang ginagawa namin. Thankful din ako kay pare kasi di nya ako iniwan kahit na di naman kami ganun magkakilala, and to think na  gf sya ng best friend ko kaya kami nagkakilala at di ko expect na sya pa yung dadamay sakin sa mga ganitong sitwasyon. Pero di ko masisi si bhezt, busy kasi yun sa studies nya kasi malaki expectations ni mama nya sakanya.

Halos magiisang buwan na rin mula nung magpasya akong magmove on, halos isang buwan ko ng tinuturuan yung sarili ko na alisin sya sa sistema ko. Halos isang buwan na pinipilit ko na sa bawat pagpikit ko hindi sya yung makikita ko. halos isang buwan na pinipilit ko na hindi umiyak tuwing gabi dahil andito pa rin yung sakit sa puso ko. Halos isang buwan na pinipilit ko ibalik sa normal ang lahat para di sila magalala sakin, lalo na yung pamilya ko. Ayaw ko na makita nila ako na ganito ng dahil lang sa isang babae, ayaw ko masaktan yung lola ko, yung mama ko. Ever since na nagstart tong relationship na ito wala akong narinig mula sakanila. Hindi sila tumutol, hindi sila nagalit.

"Pare nagtext si beth, gusto unimon, ayaw sabihin kung bakit, basta painumin ko daw sya, eh alam mo naman na wala akong ipapainum na alak dun"-pare

Nung nabasa ko yung text ni pare di ko alam isasagot ko. Di ko alam kung tama yung sasabihin ko, alam ko sa isasagot ko kay pare masisira yung pader na binubuo ko pa lang, yung maliit na pader na isang text, or tawag nya lang sigurado akong guguho at bibigay na naman ako sakanya. Magpapakatanga na naman ako sakanya, hahayaan ko na naman na ibigay ko yung sarili ko sakanya. Kailangan kong magpakatatag.

"Sabihin mo pare, wala" yan ang pinatext ko kay pare, this time magpapakatatag ako para sa sarili ko hindi para sa ibang tao. Hahayaan ko na tiisin ko sya, masakit pero part ito ng moving on ko, yung tiisin sya at wag ng magpakatanga.

Ilang days na lang at magone month na sila ni Ivan, ilang days na lang din at one month na akong nagmomove on sakanya, wala na akong balita sakanya after nung time na gusto nya uminom, kilala ko sya, di sya basta basta nagaaya ng inom ng walang dahilan, pero ako ginawa kong itayo yung pader na binubuo ko. Masakit pa rin, pero kailangan kong kayanin to. Kailangan ko sya ilayo sa sistema ko kasi di na daw sya healthy para sakin sabi ng best friend ko.

"Pare san ka?"-pare

"Dito ko SM with my classmates why pare?"

"Kita daw kayo ni beth, nood kayo ng sine"-pare

"Ha?"

"Tsk! Nood daw kayo ng sine"-pare

"Si Ivan ang ayain nya pare wag ako"

"Pare wala na sila ni Ivan, niloko daw sya ni Ivan"-pare

Di ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi sakin ni pare. Pero sya niloko ni Ivan? Ano naman kaya ginawa ni Ivan? Oo kilala ko si Ivan, pero kasi di naman yun nagloloko eh, pero to think na si beth pa ang niloko nya, grabe sya! Wag syang magpapakita sakin baka masaktan sya. Di ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon, di ko alam kung sasaya ba ako, or maiinis ako sa ginawa ni Ivan kahit na di ko pa alam yung totoong nangyari sakanila. Sa text na ito ni pare naisip ko lang na siguro eto yung dahilan nya kung bakit nya gustong uminom nung nakaraan. Nasasaktan sya, siguro nga minahal nya si Ivan na higit pa sa pagmamahal nya sakin.

Di ko na nireplayan si pare, di ko kasi alam sasabihin ko, alam ko naman na ramdam na ni pare yun, at di na ulit sya nagtext. Gusto ko puntahan si beth, gusto ko magpakafriend sakanya ngayon, pero di ko kaya, kilala ko sarili ko, alam ko na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin sya at never nabawasan yung pagmamahal ko na yun sakanya. Na simula nung araw na iniwan nya ako never akong tumigil sa pagmamahal sakanya, na kahit na sinasabi ko na nagmomove on na ako eh deep inside ay hindi, at may part pa rin ng pagkatao ko na umaasa na balang araw mamahalin nya ulit ako katulad nung dati.

Umuwi na lang ako, nung sinabi ni pare na magkita kami ni beth sa SM, natakot ako, natakot ako ng baka bigla akong magbreakdown sa harap nya at umiyak na naman ako, o natatakot ako na baka pag nakita ko sya yakapin ko sya bigla at hindi na pakawalan pa. Lahat yan tumatakbo sa isip ko habang ako ay dali daling umuwi kasi ayaw ko na magkita kami. Habang naglalakad ako sa SM papuntang terminal ng sasakyan ko, alerto ako, alerto dahil baka bigla syang sumulpot sa tabi ko at ayaw ko mangyari yun. Di pa ako handa na makita sya.

Isang araw nagkita kami ng mga barkada ko. Syempre andun si Ivan, ayaw ko naman na pati yung samahan ng barkada ay maapektuhan ng dahil lang sa isang babae.

"Oh yan! kamusta ka na?"-marnie

"OK lang naman"-yanyan

"So ano na pinagkakaabalahan mo?!"-mona

"Eto nagaaral ng mabuti"-yanyan

"Oh andyan na si Ivan!"-sigaw nilang lahat

Tahimik lang ako pagdating nya, nagulat siguro sya sakin. Di nya siguro expect na pupunta ako sa get together ng barkada. Andun yung awkwardness, pero wala eh ayaw ko talaga masira tong araw na to. Alam naman ng barkada kung ano nangyayari kaya di na lang nila inoopen yung ganung topic, alam nila na nasasaktan ako. Si Ivan naman hindi makatingin ng ayos sakin. Ewan ko pero parang sya pa yung iniwan sa kinikilos nya, eh ako nga tong iniwan at talunan sa laban na to. Hanggang sa natapos yung araw na OK naman.

"Yan kamusta na? Galit ka ba sakin?"-Ivan

"Ha?! Ah OK lang ako. Di ako galit, par ikaw pinili nya at hindi ako, at masaya naman sya"-yanyan

"Sorry talaga, di ko expect"-Ivan

"Par OK lang yun. Masaya naman na sya sayo eh, tatanggapin ko na lang. At alam ko naman na mahal mo rin sya" sabi ko na lang para ipakita na OK ako at walang tensyon saming dalawa.

"Par sorry talaga"-Ivan

Di ko alam, ngumiti na lang ako, ang awkward masyado, di ko pa sinabi sakanya na alam ko na wala na sila. Di ko na inopen sakanya. Masakit eh, ayaw ko na masakatan. Ayaw ko naman isipin nya na nakikialam ako sakanilang dalawa ni beth.

That night before I go to sleep I pray to HIM. I told HIM to let beth feel how much I love her. And please tell her this

Mahal it still hurts, the pain you left. It kills me everyday. Please come back to me.

=============================================================================

Another UD, sorry talaga sa mga chapters.

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon