Chapter Four: First Kiss

771 9 0
                                    

September 2008

Ganun pa rin yung routine namin, after class ko magkikita kami sa meeting place, tapos pupunta ako sakanla, dun kami magdidiner, tapos habang tumatagal nagiging comportable kami sa isa't isa, hanggang sa time na pag nakasakay na kami sa tricycle hahawaka ko yung bewang nya at sya naman didikit sakin, tapos aamuyin nya yung leeg ko, at ikikiss ko yung buhok nya na super bango, pagginagawa nya yun parang bumabaliktad yung sikmura ko, tapos after nya gawin yun titingin sakin at ngingiti, sasagutin ko din naman sya ng ngiti, ganun kami lagi pero ganun din palge yung nararamdaman ko tuwing magkasama kami, parang may mga butterflies sa tyan ko tapos yung puso ko parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok. At hanggang sa dumating yung isang gabi na nagulat ako sa ginawa nya...

@ beth's house - dinner time

Kumakain kami ng magkatabi, tahimik lang kami, dalawa lang kami sa lamesa nila kasi mamaya pa daw kakain yung mga kasama nya sa bahay. Sanay naman ako na magkatabi kami kumain, ang ikinagulat ko lang ay iniusog nya yung upuan nya sa tabi ko, tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko, nakita nya ata na nagulat ako sa ginawa nya kaya nginitian nya ako. Nginitian ko rin sya, grabe eto naman yung puso ko may mga nagwawala na naman, bibitaw na sana ako kaso magkaholding hands talaga kami, at ang higpit ng hawak nya sakin, so ang ending ayun nahirapan ako kumain kasi isang kamay lang yung nagagamit ko.

Hanggang matapos kami kumain ganun lang kami, after namin kumain, yung mga kasama naman nya sa bahay yung kumain, sila ate Loi at yung mga pamangkin nya at yung lola nya. Kami naman nasa sala nanonood ng TV, magkatabi kami sa sofa nila, as in magkadikit kami, kahit na ang luwag luwag pa. Ganyan na ang routine namin ngayon, after class magkikita kami, kakain sakanila ng magkaholding hands, nood ng TV tapos uwi na ako.

Oct 2008

October na, birth month ko na, naghanda sila mama, naginvite ng ilang friends nya, at isinabay na yung birthday ng lola ko, syempre ako bisita ko si beth. Di pwedeng hindi.

My birthday...

"Mare san ka na?"

"Wait lang malapit na ako, tetext kita pag nasa gate na ako ng subdivision nyo."- beth

"OK sige text mo ako ha"

"Opo"-beth

Di ko napansin na nakatulog pala ako habang nanonood ako ng RIO, nagulat na lang ako ng biglang may tumatapik sakin, ginising ako..

"Ate may naghahanap sayo"-JM, pinsan ko

"Hmmmm, sige tatayo na"

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na sya, ayan na naman yung puso ko, shemay naman oh!

"Yan! Andyan na yung bisita mo, asikasuhin mo na"-mama

"Tara"- sabi ko kay beth, tumango naman sya at inabot kay mama yung dala nyang mga mamon.

"Ay naku anak nagabala ka pa, salamat ha, sige upo ka muna dyan"-mama, sabay ngtiti ng bongga ng nakita nya yung mga mamon ^_______^

Dumating din yung bestfriend ko at yung GF nya, yes may GF din yung best friend ko, hahaha! Best friends eh, pinakilala ko sila sa isa't - isa, tapos kumain kami, nagkwnetuhan naglaro ng badmenton since yun yung favorite past time namin ng best friend ko. At hanggang ayun need na umuwi, syempre ihahatid ko si beth sakanila.

"Me haitd ko lang si beth"

"Sige, umuwi ka agad"-mama to me

"Ingat ka sa paguwi mo"-mama to beth

"Opo tita, thank you po"-beth

At ayun umalis na kami, alam ko kahit di ko sabihn kay mama alam nya na mahal ko na si beth, at ayaw nya ng ganun, pero never ako nakarinig ng kahit anong reklamo sakanya. And thankful ako sa mother ko.At ayun nga hinatid ko na sya, tapos umuwi na rin ako agad.

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon