December 2008 (last days)
Masaya ako kasi first christmas and first new year ko to na may gf ako, kahit di kami magkasama OK lang, basta ang mahalaga mahal namin ang isa't-isa. Madalas na rin akong natutulog sakanila, madals na rin nagagalit sakin si mama at si lola. Hanggang sa isang araw na kinausap ako ni lola, bakit daw ba ako laging umaalis, ano pa daw ba kulang dito sa bahay, nung time na yun naiiyak na sya, ayaw kong nakikitang umiiyak lola ko, di ko kaya, ganun ko sya kamahal, pero ng mga panahon na ito nagmatigas ako, sumuway ako, umabot pa sa punto na pumunta si lola sa school ko para hanapin ako at sunduin, pero wala akong kaalam alam na nagpupunta sya ng school, si mama naman alam nya kung nasaan ako, di na lang nya sinasabi kay lola kasi matanda na si lola, at sa bawat araw na lumilipas hindi naman sya palakas ng palakas. pero sa tigas ng ulo ko dumating ako sa point na gusto ko na magtanan kami ni beth.
"Asawa ko magtanan na tayo"-yanyan
"Ha?! OK ka lang ba? Alam mo ba yang sinasabi mo?"-beth
"Opo naman, kung di mo kaya magtanan tayo, dyan na lang ako titira sa inyo, ayaw ko na malayo pa sayo, di ko kaya"-yanyan
"Asawa ko alam ko naman yun eh, pero sila lola mo? Si tita? Pano sila?"-beth
"Asawa ko sabi ko naman sayo di ba, kaya ko igive up lahat lahat ng meron ako para sayo"-yanyan
"Hay"-beth
Ayun na lang yung naisagot nya sa tanong ko sakanya. Dumating yung time na buo na yung desisyon ko, aalis na ako dito sa bahay, nakaimpake na yung mga gamit ko, di ko na matandaan kung ano yung lalong nagtrigger sakin umalis, napagalitan na ata ako neto, tapos ako eto takbo sa kwarto kinuha ko yung bag ko, papasok nun sa mama sa office.
January 2009
"San ka pupunta?"-mama
Tahimik lang ako, di ako sumasagot, hinarangan nya yung pinto ng kwarto, di ako makalabas.
"Yan! Ano ba ginagawa mo! Di mo ba nakikita na yang lola mo gabi gabi umiiyak yan dahil di ka umuuwi?! Yan matanda na lola mo! Tapos ganyan ka pa?!"-mama
Pero buo talaga desisyon ko nun, nagpumiglas ako makalabas, nakita kami ni lola na nagaaway, umiiyak na naman lola ko, sh*t talaga, di ako makatingin kay lola. iyak sya ng iyak.
"Yan ano pa ba gusto mo? Mas mahal mo na ba sila?" si lola, sh*t umiiyak sya, naiinis ako sa sarili ko, umiiyak sya dahil sakin, baka maospital si lola neto. Dahil para na akong tanga ng mga oaras na yun di pa rin ako nagpatinag. Nagpupumiglas ako, nakalabas ako ng kwarto, pero lahat sila nakabantay sa gate namin, pinaupo ako sa sofa.
"Ano ba talaga gusto mo?!!!!! Dun ka sa tatay mo!!!!!!!!!!!!! Baka sakaling tumino tino ka!!!!!!" galit na galit na sabi sakin ni mama.
"La, hahatid ko to dun sa ama nya, baka tumuwid utak nito dun"-mama to lola
"Sasama ako" umiiyak pa rin si lola, nung mga panahon na ito umiiyak na rin ako, di ko kaya ang sakit, pero ayaw ko mamili sakanila, pareho ko silang mahal ni beth. Ano ng gagawin ko? Dun ako titira sa tatay ko? Di ko sya kaclose, broken family kasi kami, grade 1 pa lang ako seperated na parents ko. Bahala na. Si papa sa malabon nakatira kasama sila lolo at lola ko, yung parents nya. Nakakatakot si papa, pag sinabi nya sinabi nya, parang batas militar kumbaga. Nung panahon na yun di ko alam kung pano pa kami magkikita ng mahal ko.
At ayun nga umalis kami nila mama, pati kapatid ko di na pumasok para sumama at alalayan si lola, tinext ko si beth, kinuwento ko lahat, sinabi ko sakanya mga nangyari, at sinabi ko na rin na dun na ako titira sa tatay ko. Kala ko susuko na sya, kala ko iiwan na nya ako, peor hindi, never syang sumuko sakin, di nya ako iniwan, kahit na text lang ang communication namin ngayon she never gave up on me.
BINABASA MO ANG
First [Short Story] (gxg)
RomanceHi guys! eto na yung first story ko, TRUE STORY po ito, pero yung mga characters di po yan talaga name ok? And yes, this is my OWN STORY. Pinili ko na lang na Short Story kasi di naman ako ganun kagaling when it comes to writing :) One more thing, p...