Chapter Six: Good morning!

536 5 0
                                    

October 2008 (last 2weeks)

Halos everyday na kaming nagkikita ni beth, halos everyday din akong wala sa bahay namin, uuwi lang para matulog at kumain, ika nga ng Lola ko sa tuhod na super mahal ko, eh para daw akong boarder sa bahay namin, dumating pa nga sa point na halos di ko na nakakasama mga friends ko dahil sya lagi ang kasama ko. Wala na rin akong ibang nakakatext bukod sakanya, wala na rin ibang laman ang inbox ko kundi mga texts nya, random texts, kahit yung pinakasimpleng text nya lang di ko binubura. Ganun ko sya kamahal, at kaya kong igive up lahat ng meron ako wag lang syang mawala sakin. Alam ko mali, pero wala akong magagawa, sakanya ko na pinapaikot yung mundo ko. Di ko rin siguro masisisi yung sarili ko kung ganito ako sakanya, first girlfriend ko sya, at sya din first girlfriend din ako.

Syempre sa isang relasyon di mawawala yung mga tampuhan, nagkakatampuhan kami pero eventually nagkakabati din naman kami. Normal na magseselos sya, at magseselos ako kasi kung hindi namin nararamdaman yun parang naglolokohan lang kami. Never kami natulog ng magkagalit, lagi namin sinisigurado na OK lahat bago kami matutulog. Never nauna ang pride sa relasyon namin, alam ko mali yung aayusin muna lahat bago matulog kasi parang ang ending daw napilitan lang kayong magkabati kasi gabi na at inaantok na kayong dalawa, pero para samin mas OK na pagusapan ngayon pa lang kasi mahirap matulog ng alam mong galit sayo ang taong pinakamamahal mo. Ang sarap lang sa feeling na matutulog ako at alam ko paggising ko may beth na mahal na mahal ako. At everytime na magkakagalit kami sisiguraduhin ko na kinabukasan babawi ako sakanya.

"Asawa ko, wag mo ako iiwan ha"-beth

"Oo naman po, bakit ko naman iiwan yung asawa ko? Tsaka di ba nasabi ko na rin sayo na kung sino lang yung bibigyan ko ng singsing sya na yung gusto ko makasama ko habang buhay? Kaya please don't feel that way, it hurts me :("-yanyan

(A/N: Yes guys pananaw ko po yan, kung sino yung bibigyan mo ng singsing sya na yung habangbuhay mo, pero I was wrong hahaha!)

"Opo asawa ko, I love you, natatandaan ko yang sinabi mo sakin"-beth

"Oh smile na po ha, wag na malungkot, I'll be there tomorrow OK?"-yanyan

"Opo sige, before I wake up andito ka na ha? Gusto ko ikaw una kong makikita bukas paggising ko, I love you so much!"-beth

"Opo paggising mo andyan na ako sa tabi mo"-yanyan

Kinabukasan

Maaga akong nagising, alam ko kasi na maaga nagigising yun eh, so ako eto 5am pa lang gising na at nagpeprepare na para puntahan yung asawa ko. Wala akong pasok ngayon, so eto ako buhay na buhay na yung dugo kahit na super aga pa para sakin.

Nakabihis na ako at aalis na, pinuntahan ko si lola ko sa kwarto at humalik sakanya, Nagising ko ata sya.

"San ka pupunta? Ang aga pa"-lola

"Dyan lang la"-yanyan

"Sige, magiingat ka ha"-lola

"Opo"-yanyan

At ayun nga nakaalis na ako ng bahay namin, mahirap makaalis sa bahay namin lalo na at estudyante pa lang ako, lahat ng palusot gagawin ko makalabas lang ng bahay, madalas ang paalam ko sa SM lang ako pupunta dahil may titingnan lang ako na gusto ko bilhin, pero ang totoo, pupuntahan ko lang yung asawa ko. Tulad ngayon nasa byahe na ako papunta sakanila, halos 1hr din ang byahe mula samin hanggang kanila, simula kanina di ko pa sya tinetext, syempre gusto ko surprise eh kahit na alam nyang pupunta ako. Malapit na ako sakanila, pero bumili muna ako ng almusal naming lahat. Maya maya ayun nakarating na ako sakanila, sinalubong ako ng pamangkin nya, at inabot ko sakanya yung almusal namin at sinabi ko na itabi nya muna yung almusal namin ni beth at sila magalmusal na, sabi nya tulog pa daw si beth, sabi ko wag nya gisingin, at pumasok na ako sa kwarto namin, (hahaha! Nakikikwarto namin eh, kwarto nya yun). pagpasok ko nakita ko yung reyna ko na natutulog pa, ang peaceful nya talaga tingnan habang natutulog, di nakakasawa tingnan, chix na chix kumbaga! :D hahaha!

First [Short Story] (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon